Claudette's POV
Binigay ko sa kanila ang pekeng I.D namin, saka kami naglakad papasok sa bar.
Sa entrance may dalawang lalake na malalaki ang katawan ang nagbabantay. Humarang sila sa pinto at tiningnan kami.
"I.D miss?" Tanong niya.
Pinakita namin ang I.D namin. Tiningnan pa nila kami isa-isa at ang I.D. pero pinapasok rin nila kami.
Usok ng sigarilyo at maingay na music ang sumalubong sa amin pagpasok namin sa loob. Medyo madilim rin. Madami ding tao at naglalandian sa gilid.
"WOHOOO!" Sigaw ko ng makapasok kami.
Dumiretsyo kami sa bartender at umupo sa barstool.
"Dette, masyadong maingay dito" kailangan niyang sumigaw para marinig ko dahil sa lakas ng music.
"Vanessa, this is a bar. Where can you find a quiet bar anyway?" Tumawa ako.
Inirapan niya ako at umorder sa bartender ng drinks. Sus kunwari pa, iinom din naman. Napangisi ako.
"Just enjoy this night, Vanessa" sigaw ko sa kanya.
"Yeah. Lets drink" tinaas ni Kaye ang drinks niya at nilagok.
Napangiwi siya ng mainom niya 'yon. Ayan kasi akala mo marunong uminom! Natawa nalang ako.
Yes we go to bar, but we don't drink. . . That much. Hindi kami katulad ng ibang nagba-bar na halos gumewang gewang sa paglalakad dahil sa sobrang kalasingan.
At isa pa, hindi pwedeng mangyari 'yun. Dahil kapag nangyari 'yun? Siguradong katapusan na ng maliligayang araw namin.
Umorder ako ng tequila sunrise. Sinuway pa ako ni Vanessa dahil sa matapang daw ang inorder ko.
"Van, you're just such a kill joy. Try mo rin uminom" sigaw ko sa kanya.
Umiling lang siya at pinabayaan din ako.
Inorder ko siya martini. Nang dumating na ang akin ay mabilis ko iyong ininom. Halos mabulunan ako ng maramdaman ko ang pait sa lalamunan ko.
"Dette ang panget mo!" Tinawanan nilang akong dalawa, pero inirapan ko sila.
This is not the first time na uminom kami, pero hindi kami sanay sa inuman. Pag nagkakayayaan lang, saka kami nakakainom.
Dumating ang order ko para kay Vanessa, kinuha ko 'to at inabot sa kanya.
"Here. Drink this" sigaw ko sa kanya.
Kinuha niya naman 'to at inamoy.
"Just drink it, Vanessa" sigaw ni Kaye.
Lumunok muna siya bago ito tinungga. Katulad namin halos masira din ang mukha niya dahil sa lasa.
"Mukhang mga underage lang kayo. Paano kayo nakapasok?" Tanong sa amin ng bartender.
"Pumasok kami sa pinto" sagot ni Vanessa, nagtawanan kami.
"Kuyang pogi, tatlo pang tequila sunrise please" sigaw ko sa bartender. Ngumiti naman siya at tumango.
Tumingin ako sa dancefloor at naghanap ng pwedeng kasama. May mga nakikita akong nakatingin sa akin. Sa amin. But their not my type, so no thanks.
Naghanap pa ulit ako at may nahanap naman ako. Ngumisi ako.
Kinalabit ko silang dalawa at tinuro ang lalaking nakita ko. Tinaasan naman nila ako ng kilay.
YOU ARE READING
11
De TodoAng istoryang ito ay naglalaman ng maseselang eksena, lenggwahe at iba pa. Hindi kasalanan ng manunulat kong ito man ay isasabuhay ng kanyang mambabasa.
