Vanessa's POV
1 year ago...
Second grading namin, rank 1 parin ako. As expected. No one can reach my level anyway.
Tahimik lang akong nagbabasa sa upuan ko habang wala pa kaming teacher, samantalang yung iba kong kaklase nag-uusap tungkol sa kung anu-ano.
"Van" kinalabit ako ni Claudette.
"Hmm?" Sagot ko habang hindi inaalis ang mata ko sa librong binabasa ko.
"Are you free tonight?" Tanong niya.
"You know the answer" sagot ko.
"Yeah. Yeah. Hindi pwede kasi magrereview ka na naman" sabi niya.
I smirk. She really know me. Hindi ko siya pinansin at nagbasa lang ng bigla niyang hablutin ang librong binabasa ko.
Napatingin ako sa kanya at kinunutan siya ng noo.
"Dette, ano ba nagbabasa ako" sabi ko sa kanya.
"Mamaya na. Samahan mo muna ako sa cafeteria" sabi niya
"Ikaw nalang" sagot ko
"Edi hindi ko ibabalik libro mo" sabi niya
"Fine!" Sagot ko at inirapan siya.
Tumayo ako at inayos ang gamit ko. Binalik niya naman ang libro ko kaya pinasok ko muna sa bag ko.
Paglabas namin ng room ay hinila na ako ni Claudette at nagpatianod nalang ako, hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Pumila kami at bumili ng choco shake.
"Ang ganda ng transferee kanina. Nakita mo na ba?"
"Oo nga eh. G*go ang kinis"
"Sexy pa. Liligawan ko 'yon"
"Pupusta ko girlfriend ko, di ka papatulan non"
"Pupusta ko kotse ko, sasagutin ako non"
Kumunot ang noo ko sa pinag-usapan nila. May transferee? Well, I don't care. I'm sure she is just an ordinary student. She's not a threat to me.
"Nakita ko rin kanina 'yon" biglang sabi ni Claudette ng umupo kami sa bakanteng upuan.
"Really?"
"Yup. And they're right, she's beautiful" sabi pa nito.
"Tsk! She's just beautiful, I'm sure she won't win againts me" sagot ko
"Ang yabang!" Inirapan niya ako.
"May exam pala tayo" pag-iiba ko sa usapan.
"Ay oo nga pala! Tara na magrereview ako" hinila niya ako patayo.
Pero sa paghila niya sa akin ay hindi ko napansin na may tao pala sa harapan at nabangga ako. Natapon ang dala niyang choco shake. Natapon sa damit ko at naubos yun! Basang basa ang uniform ko!
"Miss I'm really sorry, hindi ko sinasadya"
Hindi ko pinansin ang nagsasalita dahil nakatuon ang pansin ko sa basang uniform ko. Papagalitan ako nito ni mommy!
YOU ARE READING
11
RandomAng istoryang ito ay naglalaman ng maseselang eksena, lenggwahe at iba pa. Hindi kasalanan ng manunulat kong ito man ay isasabuhay ng kanyang mambabasa.