2

54 29 1
                                    

Vanessa's POV

Pagbalik ko sa room ay may biglaang test si Sir Troy. Wala si Seth at Cris.

Mas mabuti na 'yun, I don't want to see their faces.

"Who got the highest score?" Tanong ni Sir pagkatapos namin icheck ang testpapers.

"Sir si Vanessa po" sagot ng isa kong kaklase.

"What is her score?"

"Perfect po sir. No mistake" sagot nito.

Natuwa si Sir sa narinig niya. Dahil raw hanggang ngayon ay namemaintain ko ang grades ko.

Pagkatapos ng klase ay dumiretsyo agad ako sa library para maghanap ng libro tungkol sa trikle-down theory.

Habang naghahanap ako ay pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Kaunti nalang ang tao dito sa library dahil sa uwian na, maliban sa mga nerd na nandito at naghahanap din ng libro, wala ng tumatambay dito ng uwian.

Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy ako sa paghahanap. Hanggang sa makita ko ito at agad na kinuha sa bookshelf, pero nabitawan ko ito ng makita may nakasilip sa likod ng shelf.

Isang mata lang ang nakita ko, but I'm sure that he or she is looking at me. I don't know if she's/his a girl or a boy because he or she is wearing a hood.

But her/his skin. . . Parang nalapnos.

Pero yung mata niya. It looks familiar, I think I saw it before.

Pinulot ko ang librong nabitawan ko at tiningnan ulit yung taong nakita ko, pero wala na siya don. Tiningnan ko pa ang magkabilang shelf pero hindi ko talaga siya makita.

"Hey" napapitlag ako ng may biglang humawak sa balikat ko. Tiningnan ko 'to.

"What?" Iritang tanong ko sa lalaking tumawag sa akin.

"I think its yours" pinakita niya sa akin ang hawak niyang panyo.

Kumumot naman ang noo ko at tiningnan ang panyo ko sa bag pero wala ito.

"Yeah. I think thats mine. Thank you" kinuha ko ito at naglakad na papunta kay Miss Beth, para hiramin ang librong 'to.

"Ikaw ulit, Vanessa" sabi niya

"Yeah" ngumiti ako sa kanya.

"Hihiramin mo?" Tanong niya.

Tumango lang ako bilang sagot saka ko pinakita ang I.D ko.

Nang lumabas ako ng library ay dumiretsyo agad ako sa parking lot. Hindi ako uuwi ngayon sa bahay, wala naman akong kasama don eh. Mas mabuting sa condo ko nalang ako uuwi.

Nagmaneho ako papunta sa building na tinutuluyan ko. Pagkadating ko sa parking lot ay umakyat agad ako papunta sa unit ko.

Pagpasok ko binagsak ko agad ang mga gamit ko sa sofa.

"You didn't close the door. Again"

Napatigil ako at napatingin sa likod ng pinatuan ng marinig ko 'yun sa isip ko.

Parang gusto ko na namang umiyak. Sa tuwing uuwi ako dito sa condo ko lagi akong inaabangan ni Seth na umuwi. Lagi niya rin akong ginugulat dahil lagi siyang nasa likod ng pinto, tapos pagsasabihan ako na hindi ko na naman sinarado ang pinto.

Pero ngayon wala na. Iba na. Because now, there's no Seth, behind the door.

Pinunasan ko ang luha ko at sinarado ang pinto. Parang nagsisisi tuloy ako ngayon na dito pa ako umuwi.

Huminga ako ng malalim at napagdesisyunang magpalit ng damit. Pagkatapos kong magpalit nilabas ko ang librong hiniram ko kanina sa library.

Nag-indian sit ako sa sahig at pinatong ko ang libro sa center table at nagbasa.

**Cris's POV**

"Hindi mo dapat ginawa yun, Seth"

Tiningnan niya ako ng malamig. Bumalik na naman siya sa dati.

"Don't act like a hero, Cris"

"I am not! Sana hiniwalayan mo nalang siya, hindi katulad ng ganito, Seth. This is too much!" Tumaas ang boses ko.

"Bakit? Nagsisisi ka ba? Nagsisisi kana ba sa pustahan natin, Cris?" Ngumisi siya 

"Stop it, Seth" dumilim ang tingin ko sa kanya.

"Ikaw ang nagsimula nito, Cris. Kaya wag mong sabihin sobra ang ginawa ko sa kanya. Dahil kung tutuusin walang mas susobra sa ginawa niyo sa kanya dati, Cris. Wala!" Tumaas ang boses niya

"Wag mong idamay ang taong wala na, Seth!"

Tumayo siya at hinawakan ako sa kwelyo.

"NANG DAHIL SA INYO KAYA SIYA NAWALA!" nagulat ako sa pagsigaw niya pero nagawa ko paring tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin.

"Wag mong kakalimutang kasama ka rin don, Seth" sabi ko

 Sinuntok niya ako sa pisngi at sinipa sa tagiliran dahilan para tumama ako sa pader. Tiningnan ko siya ng masama.

"DAHIL IBA ANG SINABI NIYO SA AKIN!" Napasabunot siya buhok niya.

Tumigil siya at huminga ng malalim, para bang pinipigilan niya ang emosyon niya.

"I believed in you and that is my mistake! And now nawala siya"

Tumayo ako at tiningnan siya ng masama.

"Ikaw ang nagdesisyon, Seth. Hindi kami. Kasalanan mo na iyan"

"Oo kasama ako, pero wala akong kasalanan!" Sagot niya.

"Kasama ka, kaya damay ka!" Ganti ko sa kanya.

"Damay na kung damay, pero hindi ko siya. . .

Pinatay" halos ibulong niya kang yun pero rinig ko parin.

Tumulo ang luha niya pero marahas niyang pinunasan at nag-iwas ng tingin.

Alam kong hindi niya parin matanggap ang nangyari dati, and I know that his still mad at us. And until now he wants a revenge.

Gusto niyang ipaghigante ang taong naging importante sa kanya, na siyang naipagdamot namin sa kanya.

Pero wala na kaming magagawa, nangyari na. At hindi na maibabalik pa ang ano man ang meron dati.

"Aksidente ang nangyari alam mo yan" sabi ko sa kanya.

Tiningnan niya ako ng masama.

"Aksidente man o hindi, pinatay niyo parin siya!"

Alam kong kahit anong paliwanag ko sa kanya ay sarado parin ang isip niya. Hindi niya kami pakikinggan kahit anong gawin namin.

Nabalot na ng galit ang puso niya. At ang tanging alam niya lang ngayon ay maghigante.

Kaya ano pang silbi ng sasabihin ko, kung hindi niya rin naman ako papakinggan.

"Nababaliw kana!"

Sinuntok ko siya sa mukha at sinipa sa sikmura, malakas ang pagkakasipa ko kaya napaatras siya. Pero agad din siyang nakabawi at sinuntok ako pero naiwasan ko at sinipa ko siya sa paa, dahilan para mawalan siya ng balanse.

Naglakad ako para daganan siya pero bago ko pa nagawa yun ay nasipa na niya ang paa ko. Nawalan ako ng balanse at natumaba.

Mabilis siyang nakatayo at naganan niya ako at pinagsusuntok sa mukha.

Pinangsangga ko ang braso ko sa mga suntok niya, pero masyadong malakas ang bawat binibitawan niya suntok.

Ramdam na ramdam ko ang galit niya. At alam kong kapag hindi ko siya napigilan ay baka mapatay niya ako. Shit!

Pero bago pa man niya ako mapuruhan ng sobra ay mabilis ko ng nailabas ang ballpen ko na may ice pick sa loob.

11Where stories live. Discover now