Kevin's POV
"Kevin, akala ko ba sasama si Seth? Tanong ni Asher.
"Oo nga. Siya pa nga nagyaya eh" sagot ko
"But his not here" Mike.
"Maybe his just late" sabi ko.
Tumango lang sila.
"Totoo ba na wala na sila ni, Vanessa?" Tanong Mark.
"Oo" sagot ko.
"Baka naman hindi talaga 'yun pupunta dito?" Tanong ni Asher.
"At bakit? Lagi yung sumasama sa atin kapag gigimik tayo" sabi ko.
"Malamang broken, kaya baka nagmukmok yun sa bahay niya"
"Broken is out of his vocabulary, Mike" saad ko.
"Chill guys, puntahan nalang natin sa bahay niya. Baka wala talaga siyang balak pumunta" sabi ni Mark.
"Teka, nasan si Cris?" Tanong ni Asher.
"I don't know" sagot ko
"Tawagan niyo. Pasamahin niyo para madami tayo" sabi ni Asher.
"Ako na tatawag" presinta ni Mark.
Nilabas niya ang cellphone niya at dinial ang number ni Cris. Pero nakadalawang dial na niya pero wala paring sumasagot.
"Wala ayaw sumagot eh" sabi niya.
"Baka busy lang. Punta nalang tayo kay Seth" sabi ni Asher.
Lumabas kami sa condo ni Asher at bumaba sa parking lot. Dala ko ang kotse ko at sumabay sa akin si Mike. Samantalang si Mark naman sumabay kay Asher. May mga kotse naman 'tong dalawang 'to kaso si Mike, grounded. Si Mark naman tinatamad magdrive.
Tahimik lang kami habang bumabyahe. Si Mike naglalaro sa cellphone niya.
"This past few days laging may nagpapadala sa akin ng letter" napatingin ako kay Mike, ng bigla itong nagsalita.
"And?" Binalik ko ang tingin ko sa daan.
"Its not just a letter" sagot niya.
"What do you mean?" Takang tanong ko.
"Its a death threat, Kevin"
"Death threat? San naman galing? Baka may kaaway ka?" Sabi ko.
"Wala akong kaaway, maliban nalang sa mga babaeng hanggang ngayon hindi parin nakakamove-on sa akin" sagot niya.
Natawa ako sa sinabi niya, kaya napatingin siya sa akin.
"What the f-ck, dude?" Kumunot ang noo niya.
"What?" Tanong ko rin sa kanya.
"Hindi ako nakikipagbiruan" sabi niya at tumingin ulit sa cellphone niya.
"Sabi mo kasi, 'mga babaeng hindi pa nakakamove-on sa akin', hindi kaya may nabuntis ka?" Sabi ko.
Tiningnan ko siya, at kita kong namumula ang mukha at tenga niya.
"What kind of question is that? F-ck!" Nag-iwas siya ng tingin.
"What? You're a boy, its just natural if I ask you that thing" sabi ko sa kanya. "Unless. . . "
"Unless what?" Tanong niya.
"Unless your still virgin?" Tinawanan ko siya. Pulang pula naman ang mukha niya.

YOU ARE READING
11
RandomAng istoryang ito ay naglalaman ng maseselang eksena, lenggwahe at iba pa. Hindi kasalanan ng manunulat kong ito man ay isasabuhay ng kanyang mambabasa.