14

31 9 0
                                        

Maye's POV:

Magaan ang loob ko sa pamilya ni Vanessa. Mababait sila at masayahin. Nakakalungkot lang wala na sila mama at papa, kaya naalala ko sa kanila ang magulang ko. Maaga kasi kaming naulila ng ate ko, at ngayon kami nalang dalawa ang natira sa buhay. Pero ayos lang naman dahil masaya kami kahit hindi na kami kumpleto, kahit minsan ay naiinggit ako sa mga batang kumpleto pa ang pamilya pero hindi naman pinapahalagahan. Kaya nga ngayon na nadito ako sa bahay nila Vanessa, ay masaya na naman ako dahil mararanasan ko na ulit magkaroon ng pamilya kahit peke. At kahit saglit lang.

"Matalino kang bata, Maye. Madali mong nakukuha ang mga tinuturo ko sayo" nakangiting sabi ni tito Arnold.

Nahihiyang ngumiti ako sa kanya. Ito ang pangatlong araw na tinuruan niya ako. Nakakahiya nga dahil pinapacancel niya talaga ang mga importanteng meetings niya para lang maturuan ako.

"Salamat po. Kung hindi rin po dahil sa inyo hindi ako matututo. Ang galing niyo po kasi magturo" sagot ko.

Humalakhak naman siya sa sinabi ko. Ganyan din siya lagi, palaging nakangiti o tumatawa. Kaya hindi ko maiwasang maalala sa kanya ang tatay ko.

"Madali ka kasing turuan" sabi niya.

'Madali ka kasing turuan'

Yan ang sinasabi sa akin ni papa kapag tinuturuan niya ako. Kahit pagod siya dati sa pagpasada ng jeep nagagawa niya parin akong turuan. Kaya kapalit ng hirap niya ay mga matataas kong grade sa card. Mga perfect kong score sa quiz at test.

May sakit noon ang mama kaya naman doble kayod siya. Halos umabot kasi ng tatlumpong libo ang nagagastos sa gamot ni mama kadabuwan kaya sobrang naghirap kami non. Kaya hindi naging sapat ang pagtatrabaho ni papa dahil namatay si mama sa sakit na breast cancer. Unang dahilan ay hindi sapat ang naiinom na gamot ni mama at hindi agad siya naoperahan.

Kaya naman ng mamatay si mama halos pagurin ni papa ang sarili niya sa pagtatrabaho, maalis lang ang lungkot na naramdaman niya. Hindi ko nakitang umiyak noon si papa kaya naman kami ni ate Sakira ang nasasaktan para sa kanya. Pero lumipas ng isang buwan nagkasakit naman si papa at namatay, dahil sa sakit na leukemia. Wala kaming alam sa sakit ni papa dahil wala siyang nasasabi tungkol dito, kaya naman sobrang nalungkot ako dahil sa nangyari.

Simula ng nawala si papa nagsimula na ang mga sari-saring problema namin magkapatid. Naputulan kami ng kuryente at pinalayas kami sa apartment na tinutuluyan namin dahil limang buwan kaming hindi nakapagbayad. Napilitang tumigil si ate Sakira sa pag-aaral niya dahil kailangan niyang magtrabaho para matustusan ang pangangailangan namin. Isang taon din akong tumigil para makapag ipon kami ni ate. Kaya ngayon na nakakapag-aral na ako ulit ay hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataon.

"Hija, are you okay?"

Napkurap ako ng biglang may humawak sa braso ko. Natulala pala ako.

"Ah p-pasensya na po. May naalala lang po ako" sagot ko.

Malungkot siyang ngumiti, pero nagulat ako ng punasan niya ang pisngi ko. Umiyak pala ako.

Muli, naalala ko na naman sa kanya ang papa ko. Pero ngayon hindi ko napigilan ang sarili ko at nayakap ko siya. Hindi naman siya tumutol at ginantihan din ako ng mahigpit na yakap. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa yakap niya bilang isang ama. Napalaswerte ni Vanessa at si tito Arnold ang naging ama niya

"Miss na miss na kita papa" wala sa sariling bigkas ko.

"Sana hindi mo nalang kami iniwan kasi miss na miss kana namin ni ate. Miss ko na pagturo mo saken. Miss ko na ipagluto mo kami. Miss ko na pag-aalaga mo samen. Sana papa hindi ka nalang namatay. Bumalik kana dito pa, miss na miss na kita eh" naramdaman kong gumapang ang luha ko pababa sa pisngi ko.

11Where stories live. Discover now