Kaye's POV
"Kaye, you think Vanessa is okay?" Tanong ni Claudette.
Tumingin ako sa kanya at binalik ulit ang tingin sa daan. We're on our way to Vanessa's condo.
"Ofcourse Dette, Vanessa is not that weak type of woman"
Tumawa siya at tumango.
"Yeah. You're right. Baka nga maabutan pa natin siyang nag-aaral sa condo niya" sagot niya saka tumawa ulit.
"Yeah. Yun pa ba?"
We heard that Vanessa and Seth, broke up earlier. Kalat na sa buong campus ang nangyari. Tsismis. May nakarinig daw sa kanila.
And Cris confirmed it to us. Kaya pumunta kami rito kay Vanessa, to check if she's okay.
That's why I'm worried, baka umabot 'to sa parents ni Vanessa. And I'm if that will happen, Vanessa will be punish. And I don't want that to happen. We don't want that to happen.
Nakarating kami sa building na tinutuluyan ni Vanessa. Ni-park ko ang kotse saka kami bumaba at pumasok sa building.
Pumasok kami sa elevator paakyat sa kwartong tinutuluyan niya. Pagdating namin sa tapat ng pinto ako na ang kumatok.
"Vanessa? This is Kaye and Claudette" sabi ko.
"Come in" rinig naming sabi niya galing sa loob.
Binuksan ko ang pinto at pumasok. And there she is, reading. What would we expect from Vanessa?
Ngumiti siya sa amin pero halata namang peke. Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya.
"We heard what happened" kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tiningnan siya.
"Are you okay?" Tanong ni Dette at hinawakan siya sa balikat.
Ngumiti lang siya at marahang tumango.
"Yeah" sagot niya
"Whatever! Lagi mo namang sinasabing okay ka lang kahit hindi" sabat ni Kaye.
"Kaye!" Saway ko sa kanya.
"You know what, lets just hang out. Wag ka ngang magmukmok dito. Cheer up girl" hinila niya patayo si Vanessa
"Hang out? Guys magrereview pa ako" umiling siya at nagbasa ulit.
"Vanessa, saglit lang tayo. Pampalipas oras lang. Wag ka ngang KJ" suway sa kanya ni Dette.
"Yeah. Oo nga Vanessa, ngayon lang naman eh. Pumayag kana!" Kinuha ko ang librong binabasa niya at inupuan.
"Kaye, ano ba? Marereview pa ako. Kung gusto niyo kayo nalang" sinubukan niyang kunin ang libro pero hindi niya makuha.
Kinuha ko ang libro at tinapon sa basurahan, pagkatapos ay nginisihan ko siya.
"What the hell, Kaye? Galing sa library yan" sabi ni Vanessa
"We don't care" sabay na sabi namin ni Dette.
Nagkatinginan kami at biglang natawa.
"Now, you don't have a book anymore. Hindi kana makakapagreview. Kaya there's no reason para tumanggi ka pa" sabi ko
"Tss! Ang kukulit niyo" kumamot pa siya ng ulo niya.
"Yes! Pahiram kami ng damit ah?" Tumakbo kami papunta sa kwarto niya at binuksan ang closet niya.

YOU ARE READING
11
РазноеAng istoryang ito ay naglalaman ng maseselang eksena, lenggwahe at iba pa. Hindi kasalanan ng manunulat kong ito man ay isasabuhay ng kanyang mambabasa.