1

63 31 3
                                    

Vanessa's POV

"V-van, its not..."

"Its not what I think? Ganon ba, Seth? Ha?" Putol ko sa sinasabi niya.

"Vanessa, n-no"

Umatras ako nang lumapit siya sa akin. Nasasaktan ako sa ginawa niya... nila. Pero nandidiri ako sa kanya! Is my lips not enough for him? Parang nandidiri ako na pinayagan ko siyang dumikit ang mga labi niya sa akin dati, ngayong nakita ko siyang dinidikit niya sa iba ang labi niya.

"Then what, Seth? You slipped on the floor and you fell on, Nisha's lips? Ha Seth! Is that what you want to tell me?"

Nag-uunahan sa paggapang sa pisngi ko ang mga luhang lumalabas sa mata ko.

"I'm sorry"

Hindi ko mapigilan ang sarili ko at nasampal ko siya ng malakas.

"I love you, Seth. But you hurt me" sinampal ko siya ulit. Mas malakas.

"Vanessa, tama na yan" awat ni Nisha.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Wag na wag kang mangengialam dito, Nisha!"

"Thats enough, Van. Don't you think na dahil rin sayo kaya niya nagawa 'to? Masyado mo na siyang napapabayaan, normal lang na manlamig siya sayo at maghanap ng iba!"

Napanganga ako sa sinabi niya. Tiningnan ko si Seth para kumaha ng sagot pero tiningnan niya  ako ng malamig.

Napabayaan ko na ba talaga siya? Nanlamig na ba talaga siya? Ako ba talaga ang may kulang? O sadyang nagsasawa na talaga siya sa akin?

Tumulo ang luha ko at tiningnan ko si Nisha, ng masama.

"Don't put the blame on me, Nisha! Thats not enough para patulan ka niya. Alam mo? Akala ko ang bait bait mo eh, may nalalaman kapang payo payo sa akin nung nag-aaway kami! Pero all this time ikaw rin naman ang dahilan kung bakit kami nag-aaway! Nilalandi mo ang boyfriend ko! No... scratch that, I mean. . . "

Huminga muna ako ng malalim bago sabihin ang gusto kong sabihin  "EX BOYFRIEND" tuloy ko

"You just made a right decision, Van" ngumisi siya

"Don't you ever call me Van! I don't have a snake friend!" Sigaw ko sa kanya.

"SHUT UP!" Napatingin kami kay Seth.

"No! You shut up" balik ko sa kanya. "From now on, lets just forget that we know each other. Lets act that were stranger. Lets just act that you and I doesn't exist in this world. Because from now on I'll do my best to forget you, Seth" saad ko.

Tinitigan niya ako, pero kahit anong emosyon ay wala akong makita sa mga mata niya. It hurts me to see that his looking at me with that eye.

"Is that what you really want?" Tanong niya sa akin.

Hindi ako makasagot sa tanong niya, pero gustong malaman kung gagawa ba siya ng paraan para ayusin 'to.

"Yes" nag-iwas ako ng tingin.

"Fine then" sagot niya "Don't blame, Nisha. Wala siyang kasalanan dito. Kung gusto mong magalit sa akin nalang" napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Pinagtatanggol pa niya si Nisha?

"Did you really l-love me, Seth?" Nanginginig na tanong ko sa kanya.

Tumingin siya ng diretsyo sa mga  mata ko.

"You already know the answer, Vanessa" tinalikuran niya ako at sumunod sa kanya si Nisha.

Bumagsak ang luha ko. Yeah, I know. Why did I even ask the question that I already know the asnwer? I'm really stupid! Stupid Vanessa.

Hindi ko namalayan na napahagulhol na pala ako. Nanginginig ang tuhod ko at nanghihina ang katawan ko.

Alam ko na dadarating ang araw na 'to, but I didn't expect na magiging ganito ka sakit. I really love you, Seth. Eventhough I'm just your. . . rebound. I know, simula palang.

Napahawak ako sa dibdib ko, nahihirapan akong huminga. I didn't imagine that i will cry this hard because of just a boy.

"You look miserable"

Napatingin ako sa likuran at nakita ko si Cris na nakatayo sa pintuan. Why is he here?

"What are you doing here?" Pinunasan ko ang luha ko.

"To check you?" Tiningnan ko siya ng masama.

"To check me? Huh! O baka naman nandito ka para ipamukha sa akin na tama ang lahat ng sinabi mo? Now you're right. Happy?"

Tiningnan niya ako pero hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya.

"This is your fault" sabi ko sa kanya. Nararamdaman ko na naman ang luha ko!

"Kung hindi mo ako pinapunta dito, hindi ko sana sila makikita. Hindi sana 'to nangyayari!"

"So pumapayag ka lokohin ka ni, Seth? Is that what you want? I didn't know you were that stupid, Vanessa. You should thank me, dahil ngayon nalaman mo na niloloko ka ni Seth" sagot niya

Natigilan ako sa sinabi niya. You should thanke me, dahil ngayon nalaman mo na niloloko ka ni Seth.

Tiningnan ko siya.

"So all this time you already know that Seth is cheating on me?"

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa akin.

"All this time alam mo? Alam mo pero hinayaan mo? Bakit Cris? Bakit?" Wala na akong pakealam kung umiyak man ako sa harapan niya.

"You know the answer, Vanessa. Alam mo na yan sa simula pa lang. Now face the consequences"

Wala akong nagawa ng umalis siya harapan ko. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman. Parang gusto ko nalang magwala.

Napaupo ako sa sahig at hinayaan ang sarili kong umiyak.

Alam ko na sa simula palang, pero pinayagan ko parin. Fuck it! Curse that bullshit!

Kung alam kong ganito kasakit, sana pala hindi ko na tinuloy. Sana pala. . .

I promise, kakarmahin kayo! Sana namatay nalang kayo! Sana mamatay na kayo. Mamatay na kayo! Mamatay na kayo.

Kapag dumating ang panahon na yun tatawanan ko nalang kayo. I promise that!

Pinunasan ko ang luha ko at lumabas ng music room. Wala akong pakealam kung namumula man ang mga mata ko.

Parang kanina lang iniisip ko kung paano kami nagkakilala ni Seth. Pero ngayon, may bagong alalaa na naman akong hindi makakalimutan.

The world is really unfair.

Puno ng supresa, mga surpresang akala mo masaya. Pero hindi pala, kasi susurpresahin ka nalang bigla ng sakit. Yung kapag trip kang paglaruan ni tadhana. Okay lang sana kung laro lang talaga, eh hindi eh! Masakit yung laro ni tadhana.

Muling tumulo ang luha ko, pinagtitinginan ako ng mga nadadaanan ko. Pero hindi ko sila pinansin. Walang magagawa kung magluluksa ako dahil sayo Seth, instead pinunsan ko ang luha ko at taas noo akong naglakad pabalik ng room.

Hindi ikaw ang makakasira sa akin Seth. Not Nisha, not anyone! No one. No one can destroy me!

Tama nga sila mommy at daddy. Distraction lang ang mga lalake.

Napatingin ako sa open space ng school namin at nakita ko sila Seth at Nisha na magkayakap sa isang bench.

That bitch!

Gustong lumabas ng luha ko pero pinigilan ko. Naikuyom ko nalang ang kamao ko.

Sana mamatay na kayo!

11Where stories live. Discover now