Oxygen's POV
"Huy tulala ka nanaman diyan?" Nabalik ako sa realidad nang punahin ako ni Sofie. Kahit ako, sa sarili ko ay naguguluhan na sa nangyayari sa'kin. Ilang araw ko na kasing inaanalisa ang mga posibilidad na dahilan kung bakit wala pa rin si Zero.
"Tunaw na kaya yang ice cream mo, girl. Nako friend ha? Nag aalala na ako sayo. Kakaiba ang inaakto mo eh. Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo dalin kita sa clinic?" Nanlaki ang mga mata ko at sunod sunod na umiling sa kaniya. Napakamaaalahanin naman talaga ni Sofie. Para siyang nanay kung makapagreact. Well, thankfull ako at may ganito akong kaibigan. Ngumiti lang ako sa kaniya saka tinulak palapit sa tapat niya ang icecream na inorder ko.
"Wala lang talaga akong gana." Nakita ko ang pag arko ng kilay niya na ikinangisi ko.
"Edi sana ibinigay mo saakin yang icecream mo. Sayang oh. Sayang." Malungkot ang mga mata saakin ni Sofie. Gusto ko nang sabihin sa kaniya kung ano ba talaga ang iniisip ko. Baka makatulong siya sa'kin. Tinignan ko siya sa kaniyang mga mata at inilapit ng kaunti ang aking muka sa kaniya. Tumingin tingin muna ako sa aking paligid bago magsalita.
"Sofie. Pano kung may lalaki na napakalapit sayo. Iniwan ka tapos sabi six months lang siya mawawala. Pero ngayon ang ikaanim na buwan at wala pa rin siya? Anong gagawin mo?" Napairap siya saakin at buntong hiningang sinagot ang tanong ko.
"Edi magagaya ako sayo. Laging lutang." Inirapan ko siya pabalik. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad pabalik ng classroom.
Hindi ako kagaya ng ibang mga estudyante na sikat at pinag uusapan dito sa campus. Kaya payapa ako na nakakapunta sa kahit saan, except public places. May mga paparazzi na pakalat kalat at iniinterview ako tungkol sa family matters ko.
"Hoy wait lang! Uy!"sumisigaw si Sofie sa likuran ko pero hindi ko siya pinansin at dire diretso pa ring naglalakad.
Rinig na rinig ko ang tunog ng takong na suot niya sa pagmamadali niya. Kaya naman hindi na ako nakapagpigil pa napalingon nang marinig ang paghinto nito at pagbagsak ng kung ano sa sahig. Pag lingon ko sa kaniya ay nakita ko nanamang nagniningning ang mga mata niya habang nakatingin sa lalaking nakabangga niya. Her ultimate crush. Ang kaibigan ni Zero, si Herrald. We never talked before since i was never nosy. Wala akong pakialam hangga't hindi sila ang nauunang maging matanong.
"Sorry. Kasalanan ko." Rinig kong sabi ni Herrald. Nagpeace sign pa 'to kay Sofie. Hindi kaya, bakla 'yong crush ng bestfriend ko?
"Ah hindi. Ok lang yun. Sofie Gomez." Iniabot ni Sofie ang kamay niya kay Herrald. Tinanggap 'yon ni Herrald at mas lalong ngumiti kay Sofie.
"Herrald Ignacio. Nice to meet you."halos mahimatay na ang itsura ni Sofie nang magpakilala sa kaniya ang lalaking nasa harapan niya. Kahit kailan talaga, magkaiba kaming dalawa.
"Teka. Bye na. Yung bruha kong kaibigan baka magalit. Bye!"kumindat pa si Sofie bago niya iwanan si Herrald 'don sa canteen. Napasapo na lang ako sa noo ko. Nakakahiya talaga si Sofie!
"Nakita mo ba yung nangyari ha? O M G! Grabe kinilig ako. Si Herrald Ignacio! Nakausap ko siya! Omygad!" Sunod sunod na pagrarant ang naririnig ko sa kaniya tungkol kay Herrald. Ikaw ba naman, since fourth grade ay crush mo na yung tao, then for the first time kinausap ka niya, hindi ka kaya maging kagaya ni Sofie?
"Nakita ko." Binilisan ko ng kaunti ang paglalakad ko pero sinabayan niya ako at patuloy pa rin na nagrarant.
"Nako. Yung hinawakan niya yung kamay ko? Baka mamaya hanap hanapin niya na ang malambot kong kamay. Grabe Oxygen! I can't breathe." Huminto ako sa paglalakad na siya namang ginaya niya. Bumuntong hininga muna ako bago ko siya nilingon. She just can't stop.
BINABASA MO ANG
Live Until We Die (Book1)
Random(highest rank : #1) Under Revision. •Completed• |40+chapters| Sabi nila, you make your own story and your own destiny. Pero dito sa mundong napasukan ko, ang mga tao sa paligid ko ang gumagawa ng sarili kong kwento. I wasn't born loved, until one da...