Updated! Enjoy reading! Lovelots, petals! All love from ate Daxx! All support from you. <3
—————
Nandito kami ngayon sa isang park malapit sa bahay namin. Hindi ko alam ang lugar na 'to since hindi naman ako gala.
May fountain, may wishing well, may garden maze, picnic spot at playground. What more could you expect? This place is romantic.
"Hmm."naglatag si Fire ng isang blanket. Nakangiti lang siya sa'kin. Pero alam kong meron nanaman siyang gustong sabihin.
Please Fire, hold your mouth. Ayokong makarinig ng mga salitang magmumula sa bunganga mo. Not this time please. No more confessions.
"I love you Oxygen! I love you, I love you, I love you!"malakas niya iyong isinigaw. Marami tuloy ang nakatingin sa'min. Tinakpan ko agad ang bunganga niya. Gee. "9th confession."
Napaupo na lang ako sa tabi niya at tumingala sa sun set. I wish it was always like this. Gloomy days, pero masaya.
Pano kaya kung kami ni Fire ang magkatuluyan? Magiging masaya kaya ako? I guess that's a yes. Pero mas magiging masaya ako kung si Zero.
Ewan. Hindi ko alam. Hindi ko na rin minsan maintindihan ang sarili ko. I want them both.
Si Fire na never kang iiwanan at never mong pagsisisihan. At si Zero na pinapangarap mo na mahirap makamtan.
"Oxygen,"kinakabahan akong lumingon kay Fire. "I love you."
Can't he just stop? Everytime na sasabihin niyang mahal o gusto niya ako ay nagdidiwang ang puso ko na siya namang sinasalungat ng isip ko. Maybe I'm just denying it to myself.
"Fire..."napalingon ako sa kaniya. Kanina pa rin pala siya nakatingin sa'kin. Na concious ako bigla sa kaniya. What's wrong with him? Kailangan ba talaga na ganon siya makatingin?
"Oxygen."sabay kaming napatingin sa pinang galingan ng boses. Ang naka earphones at nakapamulsang si Nemo. Nakatayo lang siya ng diretso at nakatingin sa malayo. "Anong oras na, pero hindi ka pa rin umuuwi."
He grabbed my bag. Mahilig ba talaga siyang magbitbit ng bag ng may bag? Ano ba problema nito sa gamit ko?
Napatayo na lang rin ako nnag maglakad siya palayo. Nilingon ko si Fire for the last time and mouthed 'sorry'. Tumango lang siya ng nakangiti. Unspoken.
Kailangan kong pagsabihan si Nemo na hindi niya dapat ginagawa ang mga ginagawa niya ngayon. He doesn't need to protect me. Everything around me is harmless. Hindi naman ako papatayin sa labas. And besides, WE WERE NEVER CLOSE! I don't get him.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa kotse niya. "Get in."mariin niyang sabi na ikinairap ko na lang.
Pero wala na rin naman akong magagawa. Hinahanap na rin siguro ako nila mama dahil wala na ako sa school.
Nang makapasok na si Nemo sa loob ay kinunot-an ko na siya agad ng noo.
"ANO BANG PROBLEMA MOOOOOOOO?!"Medyo patili kong sabi. Kanina niya pa ako iniistorbo. Wala na siyang pinipiling lugar.
I was expecting atleast an answer coming from his mouth, pero wala. Ngumiti lang siya at nilakasan ang tugtog sa kotse niya. Pinaharurot niya ang kotse niya.
Napakapit na lang ako ng mariin sa seatbelt. Alam ko kung anong itsura ko. Mukha akong bulldog sa laki ng mata at nakasimangot na mukha. Gee. Hindi ako makapag react.
Lalo niya pang nilakasan ang tugtog at binilisan ang pagdadrive. Hanggang sa madaanan namin 'yong mobil ng pulis. And as expected, hinabol kami ng mga 'yon. Hindi niya ba naisip na marami ang mappaahamak sa ginagawa niya?
"Nemo, stop!"napasigaw na lang ako when I got back to my senses. Napansin ko rin na nagseryoso ang mukha niya na parang hindi talaga siya titigil hanggat hindi rin humihinto ang mobil sa likuran namin.
Hininaan niya ang tugtog at tinignan ako sandali at nagfocus ulit sa pagdadrive. Pero nahuhuli ko siya na tumitingin sa rearview mirror kung nandon pa rin ang humahabol sa'min.
"Mission Accomplished."may nabuong ngisi sa labi niya. Unti unti nang bumabagal ang pagmamaneho niya. Kung kanina ay mukha akong bulldog, sigurado akong ngayon naman ay mukha akong pusa na nakatayo ang mga balahibo.
"Anong na-n-nangyari?"nangangatal kong tanong. "An-nong M-Mission Accomplished?"
Bumalik na ulit kami sa kalsada at sisipol sipol na sinagot ang tanong ko.
"Hinabol tayo ng mamamatay tao."napalunok ako ng laway ko. No way. Klaro ang nakita ko. Pulis 'yon na nag checheck point sa kalsada at hinahabol kami dahil Nemo is beating the red light.
"Mamamatay..."tumingin ako sa kalsada at nag ayos ng upo. "Mamamatay tao?"
Sandaling tumahimik ang biyahe. Malapit lang naman ang bahay namin pero bakit parang papunta sa pamilyar na ibang lugar ang dinadaanan namin?
"Oo Oxygen, killer, murderer."napakapit nanaman ako sa seatbelt ko. Hindi dahil mabilis siyang magdrive. Natatakot lang ako sa narinig ko. Bakit kami hahabulin ng mamamatay tao? Anong motibo nila?
"Pero Nemo, pulis 'yon."i faked a laugh. "Didn't you see it?"
"Madali ka nga nilang mapapatay Oxygen."nilingon ko siya. Hindi na siya nakangiti at seryoso nanaman mukha. Napakabipolar naman ni Nemo.
Madali lang akong mapapatay?
"Bakit ako?"
"Sa loob ng minahan, merong ginto, dyamante, at silver. Binigyan ka ng chance na kunin ang isa 'don. Alin ang kukunin mo?"
"Diamond."simple kong sagot na ikinangiti niya.
"Ganon lang 'yon kadali."huminto ang kotse niya sandali. Tumingin siya saakin, mata sa mata. "Kung ano ang pinakamataas ang halaga at ang pinakamaganda, ito ang pagkakainteresan, ito ang pag aagawan, ito ang aalagaan at ito ang babantayan."nilock niyang mabuti ang mga bintana at pintuan at tumingin nanaman sa likuran namin. "Sa mundong 'to Oxygen, you are priceless. Mas mahalaga ka pa sa dyamanteng sinasabi ko. Kaya may tao talagang gustong patayin ka para makuha ang gusto niya. At alam mo kung ano ang gusto niya?"
"Ano?"
"'yon ay ang mamatay ka at palitan ka."
Naguguluhan ako. Anong alam nila na hindi ko alam? Bakit ako papatayin? Wala naman akong ibang nakaaway bukod kay Janelle. At hindi ganito kadaling magplanong pumatay kahit gaano ka pa kayaman.
"Stay safe Oxygen. Mag ingat ka. Wag kang mamamatay."
CaurdaxxCodes
BINABASA MO ANG
Live Until We Die (Book1)
Random(highest rank : #1) Under Revision. •Completed• |40+chapters| Sabi nila, you make your own story and your own destiny. Pero dito sa mundong napasukan ko, ang mga tao sa paligid ko ang gumagawa ng sarili kong kwento. I wasn't born loved, until one da...