Seventh Leaf

14 6 19
                                    

This Leaf is dedicated to ShenLove. Enjoy reading, petals^_^. Hihi. All love from ate Daxx. All support from you. Hart hart.

————

Nakapalumbaba lang ako habang naglelesson si Sir Torres sa unahan. Alam ko na kasi ang tinuturo niya. Nag advanced reading ako last month. Kaya ayokong nagbabasa e, nagiging boring ang lesson ng mga teacher.

Sobrang bagal ng oras. Feeling ko kanina pa ako dito sa upuan ko. Hindi ko rin pinapansin si Sofie sa gilid ko kahit nakakailang kalabit na siya sa'kin.

Nabalik ako sa senses ko nang biglang bumukas ang pintuan ng classroom ng padabog. Tumambad saamin ang isang babae na hanggang balikat ang buhok at may bangs. Maganda siya pero mukang maldita. I don't like her vibes.

"Oh, sorry to interrupt you Sir Torres. Ako nga pala yung transferee."nakangiti siya na bumati kay Sir Torres. Plastik.

Transferee? Don't tell me na magiging kaklase pa namin siya? Tsk. As I've said, I don't like her vibes and I'll never do. Napalingon ako kay Sofie. Nanlalaki ang mga mata niya na nakatingin don sa babae. She looks so shocked.

Tumingin din ako 'don sa babae na kasalukuyang naglalakad papunta sa direksyon namin. Pupunta siya sa vacant sit sa tabi ko. At ayokong mangyari 'yon. Pero wala kasi sa diksyunaryo ko ang maging salbahi sa wala namang ginagawang masama sa'kin kaya pinabayaan ko na lang siya.

Nagkatinginan silang dalawa ni Sofie. Isang mataray at nakakalokong tingin ang binigay niya kay Sofie, habnag ang kay Sofie naman ay gulat at hindi maipintang expression. Gee. Magkakilala kaya sila? May atraso kaya si Sofie dito?

"Surprise Quiz tayo ngayon."nakangiting sabi ni Sir Torres sa unahan. Kahit na alam ko na ang lesson na 'to, hindi ko pa rin mapigilang hindi kabahan. Hindi ako perpekto. Pero kailangan ko ng isang perfect score dahil madidisappoint nanaman si mama at papa kahit isang mali ko lang.

Pag abot samin ng test papers ay sumakit agad ang ulo ko. Hindi ko napag aralan 'to. Gee. Hindi pa rin ito natatackle ni Sir Torres. Next lesson niya siguro. Napakapit na lang ako sa buhok ko. I'm such a disappointment.

Sinimulan ko nang sagutan ang test ko. Isa isa 'yon at hindi ko hinulaan. Ayokong magalit nanaman sila sa'kin kasi the last time na nagkamali ako, 49/50 ang score ko, hindi nila ako pinansin at grounded ako for one month. Grade concious sila mama at papa dahil ganon din sila pinalaki ng mga magulang nila.

"Ok pass your paper."mabilis kong sinagutan at binasa ang last question. Hay. Ano kaya ang magiging score ko dito? Sumasakit lalo ang ulo ko. Gee.

Nagbell na kaya naman ibig sabihin 'non ay Recess na. Tumayo na ako at magalalakad na sana pero nakabunggo ko ang katabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay na siya namang ikinainit ng dugo ko.

"Watch where you're going, Oxygen."she knows my name. Weird. Hindi naman ako ganon ka sikat para malaman niya ang pangalan ko. Hindi naman kaya, ex siya ni Fire?

I cleared my throat before talking to her.

"Hindi maganda ang attitude mo. Nakakainis ka. Please shut up."tinalikuran ko siya. I saw Sofie, goosebumped at nakatulala lang saming dalawa ng babaeng may bangs.

Lalapit na sana ako kay Sofie pero hinawakan ako ng babae sa pulso ko. Napatingin ako sa kaniya. Halata mo na nang gigigil siya saakin dahil nakatiklop ang bunganga niya.

"Insulted?"nang aasar kong sabi. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa'kin. Nasasaktan ako sa paraan ng paghawak niya kaya naman hinila ko ang wrist ko at saka siya inirapan.

"Don't you dare. Don't... Urgh!"nagwalkout na siya ng nagdadabog na parang bata. Told you, hindi maganda ang vibes niya.

Tsaka bakit kaya ang init ng ulo non? Bakit din mainit ang dugo niya sa'kin? At bakit parang magkakilala sila ni Sofie?

"Who's that girl?"tanony ko kay Sofie nang makalapit ako sa kaniya. Hindi niya ako sinagot at tulala pa rin sa pintuan na pinaglabasan ng babae. "Huy!"

Medyo nilakasan ko ang boses ko. Napatalon siya nang marinig 'yon. Namumutla at kinakabahan siyang tumingin sa'kin.

"Kilala mo ba siya?"she bit her lower lip and shook.her head.

"Hindi. May naalala lang ako."kahit hindi ako nakuntento sa sinagot niya ay pinabayaan ko na lang 'yon. Maybe it's something private. Hindi ko na dapat pang pakialaman yon. Everyone needs their privacy.

Hinila ko na si Sofie palabas ng classroom. At paglabas ko ng pintuan ay nakita ko agad si Fire na nag aantay sa'min. Nakangiti nanamam siya. Hindi kaya 'to nangangawit ng kakangiti?

"Oh, bat parang biyernes santo ang mukha ni Sofie?"natatawang tanong ni Fire sa'min na ikinakunot ng noo ni Sofie. Nagpout pa siya sa harapab namin. Oh, no. That won't work.

But the puppy eyes... Please leave me alone.

"Hoy! Grabe ka kay Sofie."napahampas ako ng mahina sa braso ni Fire. Hindi ko talaga matiis si Sofie pag nag pupuppy eye siya.

Pero natigilan ako nang sandaling madaanan namin ang classroom ni Zero.

Kasama niya ang baabeng may bangs? Hindi ako makapaniwala. Totoo ba? Damn.

Nagtama ang mata namin ni Zero. Cold niya akong tinignan. Pero agad akong hinila ni Fire at niyakap bago bulungan.

"Wag mo na silang pansinin."

Tumango ako ng ilang beses sa kaniya, trying to hold my tears. Napalingon ako kay Sofie. Namumutla at mukhang gulat nanaman siya.

Sino ba ang babaeng 'yon?

"Who's that girl?"tanong ko sa kanilang dalawa pero sabay lang silang umiling sa'kin. Si Fire na nagsasabing wala lang 'yon. At si Sofie na parang kilala niya ang babae. Pero ayaw niya lang sabihin.

CaurdaxxCodes

Live Until We Die (Book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon