Updated! Ahihihi. Lovelots Petals, All love from ate Daxx. All support from you. <3
—————
Hindi ko alam kung pano ako nakatagal sa classroom na 'to. Wala man lang discussion. Wala man lang nagtuturo. At ang ingay.
Gee. Ganito ba talaga dito t'wing thursday? I can't believe that this is actually happening. Natutulog pa rin si Nemo sa gilid ko habang pareho kaming naka earphones.
Si McQueen, tulog din. Tapos sila Rocher at Herrald naman ay nagtatawanan. I can't believe this! Urgh!
Biglang tumunog nag cellphone ko. Nakita ko ang dalawang text galing sa dalawang tao. Si Fire at si Zero.
From: Zero
Sorry sa nangyari kanina. :j
Napairap na lang ako sa hangin. Ayoko nang magpadala sa mga salita niya. I am too tired hoping to a hopeless romance. Si Zero? Madali ka lang mahuhulog sa kaniya pero once na nahulog ka na, mahihirapan ka nang abutin siya.
From: Fire
Labas ka ng classroom nila Nemo. ^_^
Otomatiko akong sumunod sa sinabi niya. Tinanggal ko ang earphones sa tainga ko at lumapit sa pintuan ng classroom.
Ano nanaman kaya ang trip ni Fire? Hay. Kung ano man 'yon. Natutuwa ako sa timing niya. I am getting bored in there. Bago ko pihitin ang doorknob ay lumingon ako kay Nemo. Tulog pa rin siya.
Tulog ba talaga 'yon o nakayuko lang? Kasi yung mga music na pinapatugtog niya hindi pampatulog e. Puro dance songs.
Paglabas ko ng pintuan ay naabutan ko 'don si Fire. Napatingin ako sa relo ko. Malapit na palang mag uwian. And I just wasted my time in that room.
Iniabot niya saakin ang isnag pirasong pulang rosas. Another confession from him. His third confession.
"Date tayo?"nag iwas siya agad ng tingin sa'kin.
Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Namumula ang tainga niya. Nahihiya siguro siya sa'kin.
Tinanggap ko ang rosas na iniabot niya at inamoy 'yon. Pano siya nakabili ng rosas sa loob ng campus?
"Wait."bumalik ako sa loob ng classroom at kinuha nag bag ko. Nakita ko ang mga ngiti sa'kin ni Rocher at Herrald. Binatukan pa ni Rocher si McQueen para magising at ituro ako.
"Ayiee. Andyan si Apoy 'nuh?"nagtaas baba pa ng kilay si Rocher saakin. Siya talaga ang pinakamaloko sa kanilang anim.
"H-hoy! Hindi ah! Wala k-kayong pake!"nagmamadali akong lumabas ng classroom.
Nakita ko si Fire na nagpipigil ng tawa.
"Kinikilig ka 'nuh?"natatawa niyang sabi sa'kin na feeling ko ay sobrang kinapula ng pisngi ko.
I cannot lie. Sino ba namang matinong babae ang hindi kikiligin kung si Fire ang magyayaya sa'yo sa isang 'date'? As I've said, I am starting to like him. And my feelings are starting to grow.
Ganitong ganito rin ako noon. Kaya hindi imposibleng mapamahal na sa'kin si Fire.
Fire is something. He really is quite unique.
Nakaramdam ako ng pag akyat ng kuryente nang hawakan niya ang kamay ko. Bigla akong na concious sa sarili ko. Sh*t. Please tell me this is not happening.
"Ang lamig ng kamay mo ah. Are you alright?"hindi ko narinig ang pag aalala sa boses niya. Sa halip ay pang aasar ang tono nito.
"Oo naman noh! Grabe kayo! Wooh! Grabe!"kinuha ko ang kamay ko sa kaniya a pinaypayan ang mukha ko habang sumisipol sipol pa ako. Ang init ng pisngi ko.
Biglang bumilis ang lakad ko. And to my rush, naunahan ko siya sa exit ng building. Nakita ko siya sa likuran ko sa hindi kalayuan na tumatawa at umiiling.
Inantay ko siya at napangiti na lang habang nakakunot ang noo ko.
"You're cute when you're blushing."pinisil niya ang pisngi ko at nakangiting inilapit sa mukha ko ang mukha niya. Pinagdikit niya ang ilong namin.
Pakiramdam ko tuloy ay bumibigat ang paghinga ko. Naririnig ko na lalong lumalakas at bumibilis ang pagtibok ng puso ko. A na concious ako lalo 'don sa pag iisip na baka naririnig niya rin 'yon.
"Don't make me fall harder Oxygen."then there goes his fourth confession na nagpatigil sa'kin. "I love you and that's gettin more intimate."
His fifth confession.
Three hundred sixty confessions left. Ano nga kaya ang mangyayari pag pang 365th na? Ano kaya ang sasabihin ko? Ano ang isasagot ko?
Sa totoo lang, hindi ko alam. Mahirap magmahal ng dalawang tao sa sabay na panahon.
At isa pa, kung mahal ko si Zero, bakit nagustuhan ko si Fire? At kung gusto ko si Fire, bakit mahal ko si Zero?
Hindi ba pwedeng hindi na lang maging complicated ang lahat? Hindi ba pwedeng ibigay sa'kin ni Lord ang sign kung sino ba talaga ang dapat piliin ko?
"Let's go."hinawakan niya nanaman ang kamay ko. And this time, biglnag natahimik ang paligid. Lumabas kami ng building na 'yon na magkahawak ang kamay habang nakatulala lang ako sa kaniya.
Ang swerte ko. Oo napakaswerte ko. Dahil nakakilala ako ng isang katulad mo Fire. Kung alam mo lang kung gaano ako kasabik at gustong yakapin ka. Kung alam mo lang na ang lahat sayo ay kinagigiliwan ko, edi sana ok tayo.
Pero hindi ko masabi sayo ng harapan. Kasi natatakot ako.
Natatakot ako na kung kailan naman ako nagsettle sayo, tsaka naman naging malaya si Zero. At ayokong mangyari 'yon. Mahal ko si Zero. Mahal na mahal ko siya na kahit na ikaw na mismo, Fire Seven ang lumapit saakin, hindi ko magawang kalimutan siya. Nandito pa rin ai Zero sa puso ko Fire. At kahit anong pilit kong palitan sita, hindi ko magawa.
Pero ano 'tong ginagawa ko? Pinababayaan kitang tratuhin ako ng ganito kahit hindi ko naman deserve.
At Fire, natatakot ako. Natatakot ako na dumating ang 365th confession mo. Kasi pag nereject kita, mawawala ka. Mahal kita Fire. Kaya sana wag kang titigil. I'll wait until your 725th confession.
"Make it seven hundred thirty confessions Fire. Please."napahinto kaming dalawa.
He looked at me with teary eyes. Mukhang hindi niya ineexpect amg sasabihin ko. Niyakap niya ako nang mahigpit.
"Seven hundred twenty five left."bumitaw rin siya agad sa pagkakayakap.
Hindi ako makangiti. May mga nagbabadyang luha sa mata ko. Because of happiness and sadness.
Ayokong mawala sa'kin si Fire. Selfish na kung selfish but Fire, he is mine.
CaurdaxxCodes
BINABASA MO ANG
Live Until We Die (Book1)
Random(highest rank : #1) Under Revision. •Completed• |40+chapters| Sabi nila, you make your own story and your own destiny. Pero dito sa mundong napasukan ko, ang mga tao sa paligid ko ang gumagawa ng sarili kong kwento. I wasn't born loved, until one da...