Oxygen's POV
Tunaw na ang icecream na nasa harapan ko pero wala pa rin akong balak kainin 'yon. Lutang pa rin ako. I feel traumatized.
Ilang taon na kaming magkakilala ni Zero. Hindi niya gagawin 'yon ng walang dahilan. Zero is still Zero kahit na anong mangyari. Siya ang pinakamabuting tao na nakilala ko throughout my life.
Pero sa ngayon, ayoko siyang makita. I don't want to see any glimpse of that guy.
"Wag ka ngang magpaka stress sa mga bagay na dapat pinababayaan na lang." Tumingin ako kay Fire. Nakakunot ang noo niya habang ginugulo ang buhok. "Na iistress ako sa itsura mo eh."
Somehow, natawa ako sa sinabi niya. Ganon na ba ako ka transparent? Na pati siya ay na iistress sa itsura ko? Huminga siya ng malalim at yumuko sa lamesa. Ginugulo niya nanaman ang buhok niya. Mannerism niya 'ata 'yon pag nafufrustrate or na iistress.
"Anong kukunin mong kurso?" Random kong tanong, trying to lighten up the atmosphere.
"Med." Nag angat siya ng tingin saakin. "Why?"
"Wala lang. Random thoughts, i guess." Nagkibit balikat ako bago sumubo ng tunaw kong icecream. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya.
"Late na tayo sa school."nangalumbaba siya sa harapan ko habang nakangiti. Labas tuloy ang pagka chinito niya."Papasok pa ba tayo?"
"Late na eh." Ngumuso ako. Papasukin pa kaya kami ng guard? "Baka bawal na pumasok."
"Sabagay. Edi, punta na muna tayo sa inyo. Pakilala mo ko." Namilog ang mga mata ko sa suggestion niya. Ano ang sasabihin ko kay mama at papa?
Ilang beses muna akong lumunok ng laway bago sumagot. "P-pakilala?"
"Oo. Bakit? Natatakot ka?" Tumawa siya ng mahina at pinaglaruan ang daliri niya. Mukang hinahamon niya ako na harapin ang takot ko.
"Hindi naman sa gan---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang tumayo si Fire at hilahin ako palabas ng icecream parlor. Nakatulala lang ako sa magkahawak na kamay naming dalawa.
Ano kaya ang magiging reaction ni mama at papa pag pinakilala ko si Fire sa kanila? Is it even necessary? Dapat ba talagang ipakilala ko siya? Bakit hindi na lang kaya namin 'to gawin sa ibang panahon? Pwede naman diba?
"Ah, Fire."
"Hmm?" Binuksan niya ang pintuan sa shot gun seat at pinasakay ako 'don. Umikot siya sa harapan wearing his gorgeous smile. Hindi mo maikakala na napakagwapo niya sa ilalim ng sikat ng araw. Nagrereflect kasi sa balat niya ang sinag n'yon.
Pagsakay niya sa kotse ay bumuntong hininga siya at nakangiting tumingin sa'kin
"All you have to do is to call your parents and i'll do the rest." Kinindatan niya ako na ikinaawang ng labi ko. Ang taas din ng fighting spirit ng lalaking 'to ah? Nasobrahan ata sa self confidence.
******
Kanina ko pang inaantay na bumaba si mama at papa at kanina pa rin akong nagpapaikot ikot sa sala habang pinaglalaruan ang labi ko. Siraulo si Fire. 'Yon lang ang masasabi ko sa ngayon.
"Hey. Would you sit down?" Napalingon ako kay Fire. Kagat kagat niya ang labi niya habang ginugulo ang buhok niya. Napahinto ako, enjoying his view. "Nakakahilo ka."
BINABASA MO ANG
Live Until We Die (Book1)
Random(highest rank : #1) Under Revision. •Completed• |40+chapters| Sabi nila, you make your own story and your own destiny. Pero dito sa mundong napasukan ko, ang mga tao sa paligid ko ang gumagawa ng sarili kong kwento. I wasn't born loved, until one da...