Fourteenth Leaf

12 1 0
                                    

Hindi ko naman pinangarap ang ganitong buhay ah? Tahimik na ang malungkot na buhay ko. Hindi na ako naghangad ng kahit na anong mas ikabubuti ko.

Pero bakit sa dinami rami ng tao sa mundo, ako pa ang may ganitong problema? Hindi naman tama na ganito na lang lagi.

"Malapit na tayo sa ospital."seryosong sabi ni Zero. Alam ko naman na kahit papaano ay napamahal na sa kaniya si Nemo. They are friends since they were really young.

Ilang beses ko ng kinontak si Sofie. Pero hindi pa rin siya sumasagot sa tawag at text ko. Damn. Kailangan kita ngayon Sofie. Please answer me.

Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin nauubos ang luha sa mga mata ko. Patuloy pa rin 'yong dumadaloy sa pisngi ko. Bakit kasi kailangan na madamay pa si Nemo? Bakit?!

Tahimik at inosenteng tao si Nemo. Ang gusto niya lang naman ay mahanap ang nanay at kapatid niya. Pero ano ang ginagawa ko? Isa akong malaking hadlang sa pangarap niya. Kung hindi niya ako nakilala, edi sana hindi siya nabaril. Edi sana, hinahanap niya pa rin ang nanay at kapatid niya at hindi nakahiga sa isang hospital bed sa ER. I was just crying, dumbfounded. Ano pa ba ang magagawa ko? Hindi ko kakayaning gumanti sa demonyong bumaril kay Nemo. What else can a weak girl do, other than to sit and cry? Wala na.

Nang sandaling huminto ang kotse ay natagpuan ko ang luha ko na naglalandas pa rin sa pisngi ko. Tumambad sa aking paningin ang tatlong lalaki na naghihintay sa'min. Kasama ang tulala na si Sofie.

Kaya pala hindi niya sinasagot ang tawag ko, nandito na rin siya at parang na trauma.

Pero hindi ko maintindihan...

Hindi naman sila magkakakilala diba? Anong alam nila na hindi ko alam? Bakit parang meron silang tinatago sa'kin.

Nang bumaba na ako sa kotse ay sinalubong ako agad ni Fire. Napayakap na lang ako sa kaniya at tuluyan ng naglabasan ang lahat ng luha ko sa aking mata. Ilang beses niyang hinaplos ang buhok ko at hinalikan 'yon, telling me to stop crying.

Pero, ako ang dahilan! Nasa bingit ng kamatayan si Nemo ng dahil sa'kin!

"Kasalanan ko to eh."umiiling iling kong sabi habang humihikbi.

It was all my fault. If only I'd listen to him. If only...

"Oxygen!"naramdaman ko ang pagkapit ni Sofie sa braso ko ng mariin. Pati siya ngayon ay umiiyak na rin sa nangyayari. "Ok ka lang ba?"

Sinalo niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay. Napakagat ako sa labi ko. We are both helpless.

"Hindi ko maintindihan, Sofie."umiiling pa rin ako na napaluhod sa sahig. Lalong lumakas ang ulan na siya ring kasabay nang lalo kong pag iyak. "Ano bang kailangan nila? Bakit ako? Bakit?!"

Nakita kong nagsilapitan silang lahat sa'kin. Pero hinawi sila agad ni Herrald. Hinubad niya ang suot suot niyang leather jacket at isinuot niya 'yon sa'kin. Niyakap niya ako patayo. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nagulat sa ginawa niya o pati sila ay nagulat.

"Don't cry Oxygen."ihinarap niya ako sa kaniya at hinawi ang buhok ko. "Pleade, don't cry. Mabubuhay si Nemo."

"Ma-mabubuhay siya? Mabubuhay siya!"sa sandaling 'yon ay nagbago ang atmospera. Nabuhayan ako ng loob. It was so Ironic dahil talagang pakiramdam ko ay mamamatay na siya. At alam kong mangyayari 'yon.

Para akong baliw na bigla na lang ngumingiti at sumisigaw dahil sa isang positibong komento na mahirap paniwalaan. Damn. Anong nangyayari sa'kin?

"Nasan si Nemo?!"sigaw naman ni Mcqueen nang dumating na si Rocher na siyang kasama ni Nemo sa ospital. "Nasaan?!"

Sa pagkakataong 'yon ay kinuwelyuhan ni McQueen si Rocher. Kita ko ang poot at galit sa mga mata ni McQueen. Sobrang close nila ni Nemo kaya hindi na ako nagtataka sa ginawa niya. Nemo is a nice guy. He deserves to live.

Damn.

Isa lang akong malaking problema sa mundong 'to eh! Bakit ba kasi biglang naging komplikado ang lahat? Ayos na naman ako na tulala lang lagi sa school at bahay. Pero ngayon, umiiyak ako. Begging for mercy.

May biglang humintong pulang kotse sa harapan namin ni Herrald. Tinted ang mga salamin 'non. At mukhang pamilyar sa'kin ang naturang sasakyan.

Pagbukas ng pintuan ng kotse ay tumambad sa'min ang isang malawak na ngiti mula sa isang mapanakit na babae. Isang pigura ng salbahi at nakakapang galaiti na babae.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa'kin ni Herrald at agad na sinampal si Janelle. Siya! Siya nga ang may gustong pumatay sa'kin!

"Walanghiya ka! Walanghiya ka!"sigaw ko sa kaniya na siya namang lalong ikinangiti niya kahit na namumula ang kanang pisngi niya dahil sa sampal ko."Ikaw! Ikaw ang bumaril kay Nemo!"

"Pano ka naman nakakasigurado na ako nga ang bumaril sa kaniya? Bat ko naman gagawin 'yon, dear?"lumapit siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay."Kung babaril na lang rin ako ng tao, sisiguraduhin kong ikaw ang tatamaan. Baka naman kasi marami lang talagang nagagalit sayo dahil sa kalandian mong taglay?"

"Look who's talking. Eh ikaw nga 'yong malandi eh! Diba nga, Diba nga inagaw mo si Zero?!"lahat sila ay natigilan nang isigaw ko 'yon. Kahit ako ay natigilan nang magsink in sa utak ko ang sinabi ko.

"Edi lumabas din ang totoo. May gusto ka sa Fiance ko!"akmang sasampalin ako ni Janelle pero pinigilan ko yon at mariin siyang hinawakan sa pulso niya.

"Don't tempt me Janelle. Once na malaman kong ikaw mga ang bumaril kay Nemo, makakalimutan mo ang pinang galingan mo."padabog kong binitawan ang pulso niya.

"Oh, I'm scared. Wag mo ngang pairalin ang kat*ngahan mo! Napaka b*bo mo! Why would I kill my friend?"tumalikod siya sa'kin upang humarap kay Rocher. "Nasan na si Nemo?"

Ngayon ko lang nakita si Janelle na nag aalala. She really is concerned. Pero hindi man lang ako nakaramdam ng guilt sa ginawa ko.

Madali lang maman mameke. Lalo na kung convincing ang pagmumukha kagaya ni Janelle. I can fake that I'm sick and so she can fake her concerns too.

"Tara na Oxygen."hinawakan ni Herrald ang kamay ko at inalalalayan ako naaglakad papasok sa building ng ospital. "Wag na matigas ang ulo mo. Just stay by my side."

'CaurdaxxCodes'

Live Until We Die (Book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon