Oxygen's POV
Pag gising ko pa lang ay hinanap na agad ng mata ko ang cellphone ko. Kagabi ko pang inaantay na magtext or tumawag si Zero. Pero kahit missed call ay wala. Ano na kaya ang nangyari sa kaniya? Halos one month na kaming walang contact sa isa't isa.
I shrugged off the thoughts. Stressed na ako sa school sh*ts dahil sa nalalapit na midterms kaya hindi ko na dapat pang dagdagan 'yon.
Naligo na ako at nagbihis. Naka mini skirt ako at crop top. Nag messy bun din ako—my usual hairstyle. Ayokong isipin ni Zero na masyadong espesyal ang araw na 'to para sa'kin. Kaya bumalik ulit ako sa walk in closet ko at kumuha ng skinny jeans at long sleeve. Never pa akong namili ng susuotin pero, my fashion sense just went out. Gusto ko lang maging casual, like my old self.
Pagbaba ko ay nakasalubong ko ang kapatid kong lalaki na si Simon. Siya ang sumunod sa'kin. Malawak ang ngiti niya na para bang nakakita ng isang himala.
"Wow! Ang aga mo ata ngayon ate Oxygen?"nang aasar niyang tanong na ikinakunot ng noo ko. Wala talagang ginawang mabuti 'tong si Simon kundi bwisitin ako.
"Bawal akong malate ngayon Simon."tipid kong sagot na ikinatawa niya, pero ilang segundo lang ay naging seryoso nanaman ang mukha niya at nakakunot ang noo sa'kin.
"Kailan ka pa natutong makinig sa school rules ate? Lagi ka namang late ah?"hindi na lang ako sumagot. Mas lalo lang akong maiinis kung babarahin ko pa siya. Ayokong masira ang umaga ko. Ang mga ganitong bagay ay ipinagsasawalang bahala ko na lang dahil wala namang magandang maidudulot 'to kundi stress.
Naglakad na ako sa napakahaba naming hallway papunta sa two door main door namin. Sa sobrang tahimik ay naririnig ko na ang bilis ng tibok ng puso ko. Mas lalo akong ginaganahan habang palakas ng palakas ang tibok na 'yon. I can't believe that after six months, magkikita kami ulit.
"Alis na ko. Bye ma! Bye pa! Bye Shasha,Simon at Stella!"sigaw ko sa intercom nang mahawakan ko na ang doorknob. Busy naman kasi lagi si Mama at Papa kaya sa intercom na lang ako nagpapaalam. Si Shasha at Stella naman ay bihira ko lang makausap. Habang si Simon ay lagi kong nakakausap pero lagi akong binubwisit. Our family is complete yet i feel empty.
Dumiretso na ako sa garahe namin. Makikita mo ang iba't ibang klase ng magagandang kotse ni Papa dito. Mahilig siyang mangolekta ng kotse. Mula sa old models from eighty's hanggang sa updated models ng kotse. Hinagilap ng mata ko si Manong Garp—ang driver namin simula nung bata pa ako—na hinahatid sundo ako kahit saang lugar. Nang makita ko na siya ay kumaway ako nang nakangiti para mapukaw ang atensyon niya. Dahil matanda na ay mabagal bago siya makalapit sa'kin.
"Ang aga naten ngayon ah?" Nakangiting sabi ni Manong Garp saakin nang makalapit na siya. Naiintindihan ko namang nakakapanibago ang pagiging maaga ko sa school pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lamang nila ako punahin. I find it over reacting.
"Bawal akong malate ngayon eh. Pakibilisan ang pagdadrive Manong Garp ha? Salamat po." Sumakay na ako sa kotse kahit hindi pa man siya nakakasagot sa'kin. I need to see Zero, now. Hindi ko maintindihan pero parang kinakabahan ako na makita siya.
Pagsakay ni Manong Garp ay tumingin siya sa'kin sa rear view mirror at nginitian ako. Masiyahin si Manong Garp kaya hindi na ako nagtataka sa ngiti niya. Lagi lang siyang ganiyan kahit minsan ay napapagsabihan siya nila Mama at Papa sa pagkunsinti sa'kin.
BINABASA MO ANG
Live Until We Die (Book1)
Random(highest rank : #1) Under Revision. •Completed• |40+chapters| Sabi nila, you make your own story and your own destiny. Pero dito sa mundong napasukan ko, ang mga tao sa paligid ko ang gumagawa ng sarili kong kwento. I wasn't born loved, until one da...