"Nandon si Nemo sa Operating Room."Sabi ni Rocher bago pumasok sa loob ng elevator.
Lahat naman kami ay sumunod sa kaniya. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko na itinago ko saaking likuran. Mayroong nagpipigil saakin na puntahan si Nemo sa Operating room. Hindi maganda ang kutob ko.
"Kung sino man ang bumaril kay Nemo, wala siyang konsensya."mariin na sabi ni Janelle na kasalukuyang nakatalikod saamin ni Herrald. Hindi ko napigilang hindi umirap sa pag papanggap niya. Plastik. Napaka plastik.
Janelle is a f*cking pretender. Ramdam ko 'yon dahil babae rin ako at alam ko kung kailan nagpapanggap lang ang kapwa ko babae. Hindi niya makukuha ang loob ko.
Nagulat kami nang pindutin ni Rocher ang lahat ng floor buttons. What the hell is he doing?
"Ano bang problema mo ha?! F*ck!"ibinato ni McQueen ang cellphone niya sa loob ng elevator. Apple ang tatak 'non pero mukhang wala lang sa kaniya ang mga ganong halaga sa ganitong sitwasyon. Lalapit sana siya kay Rocher pero hinarangan siya ng tatlo.
"Sabi ni Nemo, wag ko daw kayong dadalhin agad don."kalmadong sabi ni Rocher na lalong ikinainis ni McQueen.
"Pag may nangyaring masama sa kaniya! Walanghiya ka!"lumingon si McQueen kay Janelle na siyang ikinagulat niya. "Magsisisi ka."
Nagbaling siya ulit ng tingin kay Rocher. Alam kong hindi lang siya basta tumingin kay Janelle, pero may laman 'yon. May gusto siyang tukuyin sa mga sinasabi niya.
"Wag mo na lang silang pansinin, ha?"lumapit sa'kin si Fire nang nakangiti. Bakas sa kaniya ang pag aalala pero mas pinili niyang magmukhang kalmado at presko.
"Ikaw, ikaw may kasalanan nito eh! Kung sana pinauwi mo na agad si Oxygen edi sana walang ganitong nangyari."lalapitan din sana ni McQueen si Fire pero pinagitnaan ko silang dalawa at hindi napigilang hindi umiyak. Ako ang may kasalanan. Ako ang puno't dulo ng lahat.
"Tama na!"napasigaw na lang ako sa pagitan nilang dalawa na siya namang ikinapalakpak ni Janelle.
"Oh please, Oxygen. Wag kang magpanggap na nasasaktan ka sa nangyayari. Just tell them na natutuwa ka dahil hindi ikaw ang nasa bingit ng kamatayan. Ang plastik plastik mo, girl."napasabunot na lang ako sa buhok ako at pasandal na umupo sa loob ng elevator.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Damn. I feel so stupid to believe in her words. Pero bakit inaabsorb na lang ng utak ko ang mga sinasabi niya at hindi ko man lang magawang tumanggi sa mga 'yon?
"Ano ba Janelle? Pwede ba, manahimik ka na lang?!"Sigaw ni Sofie sa kaniya na ikinatahimik naming lahat. I never seen her like this before.
Lumapit sa'kin si Sofie at niyakap ako habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Sa tingin mo ba matutuwa si Nemo sa itsura mo? Baka pinapagalitan ka na niya ngayon."sa huling pagkakataon ay pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.
Bumukas ang elevator sa huling huling floor na pinindot ni Rocher. Nauna siyang lumabas saamin. Nakaupo pa rin ako sa sulok ng elevator na natatakot lumabas at makita si Nemo. Hindi ko kakayanin na makakita ng taong naghihirap ng dahil sa'kin. Lalo na kung wala namab siyang ibang ginawa kundi mabubuting bagay.
Tama si Herrald. Matigas ang ulo ko kaya rin siguro nagkaganito. Kung hindi ako lumabas ng kotse. Kung hindi niya ako sinundan. Edi sana ako ang nabaril.
"Oxygen. Tara na. Tahan na."
( Playing Purpose by Justine Bieber)
Nang sandaling magsara ang elevator ay tanging si Zero na lang ang naiwanan sa loob. His eyes full of emotions was looking at me deeply. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako ng sobrang higpit.
Hindi ko alam kung ano ang nagbadya sa'kin na tumayo at isubsob ang sarili ko sa dibdib niya. Lalo akong umiyak.
"Wala kang kasalanan Oxygen."ihinarap niya ako sa kaniya habang nakangiti siya sa'kin. "Walang may gusto sa nangyari kay Nemo."
"Pero Zero."patuloy pa rin ako sa pag iyak. Hindi ko na 'yon mapigilan. I was longing for him. At ngayon ang eksaktong araw na binigay sa'kin ni Zero ang yakap niya.
"Shh. Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo sa kasalanan ng ibang tao. You just want to be happy. Hindi mo naman inaasahan na mangyayari 'toh."pinunasan niya ang luha ko at hinalikan ang dalawa kong mata.
Bigka na lang akong napasinghap at tumahan.
"You know yourself more than anyone else do. Kaya wag kang magpapadala sa mga sinasabi nila."ilang beses akong tumango sa kaniya. Para akong isang bata na wala nang ibang ginawa kundi ang umiyak sa harapan niya. "And I know myself than anyone else."
Inilapat niya ang palad ko sa dibdib niya. Nginitian niya ako, his smiles that I've missed.
"Ito ang alam ko na hindi niyo alam."tinignan niya ako mata sa mata. "My heart speaks your name. And i know to myself na mahal kita."
"Zero..."hindi ko na napigilan at lalo pa akong naiyak. "Ikakasal ka na kay Janelle."
Kumalas ako sa pagkakayakap naming dalawa. Nang huminto na ang elevator sa seventh floor ay lumabas na ako 'don at tumakbo pababa sa fifth floor kung nasaan ang operating room.
I can't stand Zero's sweetness anymore. Dahil ayokong makasira ng relasyon.
Iniwanan ko siya 'don hindi lang dahil sa kinakabahan ako. Kundi dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka lalo lang mabitag sa peligro ang mga malalapit saakin na tao. Ayoko nang may madamay pa. Kaya hangga't maari, lalayo na muna ako sa kaniya.
"Saan ang operating room niyo, miss?"tanong ko sa nurse station nang makarating na ako sa fifth floor.
"Diyan po sa kaliwa. Dumiretso lang po kayo. May malaki hong pintuan 'yon."
"Sige salamat." Habang papalapit ako ng papalapit sa pinaroroonan ni Nemo ay lalo akong kinakabahan. I don't want to see him, yet I want to check him.
Nagbabakasakali ako na ligtas siya. Nagbabakasali ako na gising siya at nakangiti dahil buhay siya. Nagbabakasakali ako na...
"Bawal pumasok diyan."pinigilan ako ni Rocher pero nagpumiglas ako at nagpatuloy sa pagpasok sa loob ng Operating Room.
Labag man 'to sa polisiya ng Ospital, pero ito ang gusto at kailangan kong gawin.
Naabutan ko ang mga doctor at nurse na nakapalibot sa kaniya na tinatanggal ang bala sa kaniyang tagiliran.
Hindi man lang nila napansin amg presence ko. Pero ipinagsawalang bahala ko nanlang 'yon habang nanonood sa ginagawa nila.
Narinig ko ang heart Monitor na bumibilis ang tunog. Damn. Please fight. Please Nemo, wag kang mamamatay.
"F*ck! Are you all deaf?! Ang Heart Monitor niya!"hindi ko na napigilan na mapasigaw. Sh*t. Please tell me this is not happening.
"Clear."nakita ko ang pagtalbog ng katawan ni Nemo habang nakasaksak sa kaniya ang Oxygen. "Clear."
Pero huli na ang lahat.
*TIIIIIIIIIIIIIIIT*
Nagform ng straight line ang heart monitor. Wala na si Nemo. At habambuhay kong sisisihin ang sarili ko.
"Time of death 7:26 pm."
'CaurdaxxCodes'
BINABASA MO ANG
Live Until We Die (Book1)
Random(highest rank : #1) Under Revision. •Completed• |40+chapters| Sabi nila, you make your own story and your own destiny. Pero dito sa mundong napasukan ko, ang mga tao sa paligid ko ang gumagawa ng sarili kong kwento. I wasn't born loved, until one da...