sa tapat ng condo ni alden, mukhang magagasgas na ang sahig kakalakad ng kanyang manager. yung tipong pabalik-balik na alam mong nagdadalawang isip kung kakatok ba, papasok na lang bigla kasi alam naman nya ang code o babalik sa parking at aalis na lang.
maine kaya mo yan. manager ka, kasama sa job description mo ang pagaayos ng problema ng alaga mo. tungkulin mong i-maintain ang magandang image ng talent mo. bayad ka dito kaya umayos ka. ito ang patuloy na pinapaalala sa sarili.
malalim na hininga pagkatapos ay lakas loob na pumasok ang dalaga. madilim ang paligid at nakakabingi ang katahimikan.
alden?
walang sagot
alden? nasan ka?
katahimikan pa rin. tumingin sya sa paligid ngunit walang tao. nakasara ang pintuan ng silid ng binata. lumapit sya dito
dyos ko pong mahabagin wish ko lang disente ang ayos ng alaga ko. hindi ko gustong makakita ng resibo tungkol sa kung meron nga o walang nunal sa kan— maine isip mo huy! pabulong na paalala nito sa sarili. kumatok sya ng mahina
alden?
wala pa ring sagot
alden? nandyan ka ba?
wala pa ring sagot. baka nga totoo ang hinala nya, baka naman wala talaga dito ang binata at nasa kung saang kama natutulog. tumalikod na sya at umakmang aalis na ng bigla syang makarinig ng impit na boses
maine
sa narinig binuksan ng dalaga ang pinto at dahan-dahang pumasok. madilim ang silid subalit naaninag nya ang binata na tila nakabalot ng kumot. agad nya itong nilapitan
alden? huy? kagabi pa ako tawag ng tawag sayo. ano ba nangyari at ni hindi ka man lang namin makontak? ang dami ng lumalabas sa social med— alden?!
natigil ang dalaga sa paglilitanya ng mapansin na nakapikit ang binata at tila nanginginig ito. hinawakan nya ang mukha nito at dun sya napasinghap
alden? shit! ang taas ng lagnat mo! alden? alden?
sinubukan nya itong gisingin subalit impit na ungol lang ang narinig nya rito.
alden wake up. please naman. shit! shit! shit! ano bang gagawin ko? maine kumalma ka! ano bang ginagawa pag mataas ang lagnat isip-isip muna anas nito sa sarili
tatawagan na sana nya si mama ten ng maramdaman nyang humawak si alden sa kamay nya
maine... bahagyang ungol nito
alden? hey...
maine.... tawag muli ng binata na halos pabulong lang, hindi ito nagmumulat ng mata ngunit halata ang kunot sa noo nito
alden... i'm here. gising ka. ang taas ng lagnat mo. punta tayo ng ospital. alden? alden? bahagyang niyugyog ni maine ang balikat ni alden subalit umungol lamang ito
alden teka lang tatawagan ko lang si mama ten. sandali lang malapit na akong magpanic
ng subukan nyang tanggalin ang pagkakahawak ni alden sa kanyang kamay para tumawag kay mama ten, mas humigpit naman ang hawak ng binata dito
maine don't leave isa pang pabulong na pakiusap binata
hindi. hindi ako aalis. tatawagan ko lang si mama ten. kailangan ka naming dalhin sa ospital. ang taas ng lagnat mo para ka ng kinukumbulsyon. sandali lang ako
BINABASA MO ANG
diminutives
Fanfictionprompts of what nots, what ifs, drabbles one shots short stories and anything in between ❤️maichard❤️