in between

3K 331 115
                                    



she can't sleep. as much as she wants to. nakailang biling na siya pero hindi pa rin siya makatulog.

hilo na nga yata pati si grizz, pan-pan at ice na nakahiga sa kama ng kanyang anak pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.

hindi nga ba? eh bakit kanina? ni hindi nga niya namalayan na nakatulog na siya. mahimbing pa nga. at sa dibdib ng asawa.

ng dating asawa.

pagod siya. puyat pa. walang tulog. walang pahinga.

kaya ba naging madali ang pagtulog nya kanina?

she decided get up and dial her mother's number

nay?

"hello? meng? o anak napatawag ka, may problema ba? madaling araw na ah" sagot ni nanay maryann

hindi po ako makatulog

"nagtext si charm nakauwi na raw kayo sa laguna. kumusta si rj?"

mabuti naman po. magkatabi po sila ng anak nya

"may problema ba anak?"

"nay si meng ba yan?" rinig ni maine na tanong ng kanyang ama

"oo matulog ka na kausapin ko lang"

"pakausap muna ako" sabi ni tatay teddy

"anak kausapin ka daw ni tatay"

sige po nay

"hello anak"

tay! musta po? sorry tay naistorbo ko kayo ni nanay

"kahit kailan hindi kayo magiging istorbo sa amin ng nanay mo. kumusta si rj?"

they never got angry with rj. first, maine never told them what happened. second, even after she left their house and filed for annulment, rj kept his ties with her family.

mabuti naman po. medyo hirap pa po siya maglakad pero next week po magsisimula na po yung therapy nya

"mabuti naman. sige at dadalaw kami dyan ni nanay sa weekend"

sige po

"anak ayos ka lang ba?"

h-hindi ko po alam tay... buong katotohanang sagot ni maine

"anak wag mo na kasing pahirapan ang sarili mo"

ano pong ibig nyong sabihin tay?

"anak, madaling umuwi. mas madali na bumalik kesa maghanap ng dahilan para magkunwari na naliligaw."

tay... hindi ko po alam

"anak una sa lahat, alam mo naman ang daan. pangalawa, may susi ka ng bahay mukha ngang hindi naman naka-lock" pahayag ng ama

she got what his father meant.

"kung ano man yung nangyari, baka ngayon pwede mo ng bigyan ng pagkakataon yung asawa mo na magpaliwanag"

tay—

"hindi kami nakialam sa desisyon mo ni minsan kasi tiwala kami ng nanay mo na kaya mong panindigan ang mga desisyon mo dahil pinalaki namin kayo ng maayos. pero anak minsan kasi hindi lahat ng bagay dapat panindigan dahil lang sa pride"

mahal nyo talaga si rj noh?

"bakit ikaw din naman ah. wag mong sabihin na hindi. tsaka mahal namin kayo pareho."

diminutivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon