"leave" matigas na utos ni cheska kay nina habang hinahatak ang mga kamay nitong nakayakap sa kanyang kaibigan "umalis ka na kung ayaw mong ako mismo ang kumaladkad sayo paalis dito!""ches... please..." pakiusap ni nina
isang sampal. isang mabigat na sampal mula sa kamay ng isang nagmamahal na kaibigan ang dumapo sa pisngi ng isang tinuturing na kalaban
"ANG KAPAL NG MUKHA MO!" nangingilid ang luha ni cheska sa galit "ang kapal naman ng mukha mo na magpakita pa dito! matapos mong iwan si maine?! matapos mong saktan yung kaibigan ko may mukha ka pang ihaharap sa amin! GET LOST!"
"hindi ikaw ang magsasabi kung dapat ba akong umalis. hindi ang sampal mo ang pipigil sa akin para bawiin si maine" matapang na sagot ni nina habang nakahawak sa kanyang pisngi
hindi pa rin makakilos ang isang dalaga. nanatiling gulat at hindi makapagsalita.
nanatiling nakatayo at tila naguguluhan.
"ano?! bibilugin mo ang ulo ni maine? what now? are you gonna say sorry because you left her?! bakit sinaktan ka ba ng lalaking sinamahan mo kaya ngayon babalikan mo ang kaibigan ko?!"
"what if i am? huh? ano ches? what are you gonna do about it?"
"DAMN YOU!"
stop... mahinang tinig ang nagmula kay maine
gusto nyang pigilan ang kaibigan ngunit tila nawalan siya ng lakas
"i'll make sure to protect her from you! hindi ako papayag na bumalik pa sayo ang kaibigan ko!" matigas na salita ni cheska habang sinisigurado na hawak nya ang kaibigan at walang balak pakawalan
"hindi ikaw ang magdedesisyon para kay maine"
stop please.... isa muling mahinang pakiusap
sa sobrang hina ng kanyang boses ay hindi napansin ng dalawa ang kanyang sinabi
"i won't but i'll make sure she'll not choose you!"
"ano bang kasalanan ko sayo?! bakit ka ba galit na gal—"
STOP! napasigaw na ang dalaga. cheska please
hinawakan din ni maine ang kaibigan at tumingin na para bang nagsusumamo
"NO! you're not going with her!" mahigpit pang muli na hinawakan ni cheska ang braso ni maine
"wala kang karapatan para pigi—"
alden?— she suddenly noticed him confined at the spot where he is standing
he's just standing there but the look in his eyes. he looked defeated.
inalis nya ang kamay ni cheska at patakbong tinungo ang binata
hindi pa rin gumalaw si alden
naghihintay.
umaasa.
matapos ang ilang mabilis na hakbang ng dalaga at ilang sandali ng paghihintay ng binata
naramdam ni alden ang mga bisig ng dalaga na yumakap sa kanya
dun lang siya nakahinga.
mahigpit nyang ibinalik ang mga yakap. halos ayaw nyang bitawan ang kanyang katawan. isang halik ang kanyang idinampi sa gilid ng ulo ng dalaga na nakasiksik sa kanyang leeg.
hindi pa siya panalo.
hindi pa siya sigurado.
subalit sapat na muna ang yakap na ito.
BINABASA MO ANG
diminutives
Fanfictionprompts of what nots, what ifs, drabbles one shots short stories and anything in between ❤️maichard❤️