Chapter 20: Batch journey(3)

27 0 0
                                    

CHLOE JEAN POV

"Uy Jaeshin, may napansin ka bang kakaiba kanina? " tanong ko kay Jaeshin nung mahanap ko sila.

"Wala naman bat ah? " tanong nya habang nanonood ng nagpeperform sa harap.

"Ah wala wala baka guni guni ko lang yun.." Sabi ko at nilabas yung dagger na nakita ko.

"Oh san mo yan nahanap? May bungo na tatak? " tanong ni Mitch at tinignan ko sya.

"Nakita ko to kanina.. May nakasabayan kami sa elevator na n balot na balot. Parang assassin.. Tas nahulog nya to.. Isasauli ko, sana pero tumakbo.. Tas yan nakita ko yung tatak. "Sabi ko at napatingin si Jaeshin sa akin. Kinuha nya and dagger at tinignan.

"Kanina lang ba to? " tanong nya at biglang napatingin ang mga lalaki sa amin.

"Oy bat yan may kutsilyo ka? " tanong ni MJ at medyo kinabahan kami.

"Ah eto.. Ayaw ko kasi ng ibang kutsilyo na panghati kaya eto kinuha ko.. " pagrarason ni Jaeshin at hinati nya yung steak nya gamit yun.

"Alam mo ba kung nadisinfect yan? " bulong ko sa kanya.

"Dbale na d pa naman ako gutom.. " pabalik nyang bulong.

Isinauli nya sa akin ang dagger at pinunasan ko ito bago ko nilagay sa paglagyan.

"Hindi mo ba kakainin yan? " tanong ni MJ kay Jaeshin.

"Ah hindi na busog nako.. " sabi niya at bigla nyang kinuha yung pagkain ni Jaeshin.

"Huwaagg.. " sabi ni Jaeshin pero nasubo nya na.

"Gusto mo subuhan kita? " tanong nya pero umiling iling si Jaeshin at nagbigay ng mukhang nandidiri.

"Mamayang 7:00pm magsisimula ang dance night.Para sa ngayon panoorin mu a natin and mga ipapakita ng per group na performance" sabi ng emcee.

"Nagready ba kayo? " tanong sa amin ng mga lalaki at tumango ako
"Kayo ba? " tanong naman ni Chaein.

"Kami pa... Always ready to.. " Sabi ni Sean.

Maraming grupo and nagpakita ng kanilang prinepare at  nagpapakita na ng performance sila Jed at ngayon lng namin alam na sumasayaw pala sila.

"Ang angas nila.. Parang kaparehas na nilang sumayaw yung mga kpop sa korea.. Mas lalo si Jed oh.. " sabi ni Chaein at tumingin sila sa akin.

"Kaya ko rin naman sumayaw ng ganun ah.. " sabi ko at napatawa sila.

"Hindi yun.  Haha di ka ba nafafall?.. " tanong ni Mitch at nag ayiee sila. Ang laki ng pagbabago sa amin simula nung dumating sila sa buhay namin.

"Wow..thank you for that performance.. What a hot dance. Pinainit nyo ngayon ang gabi. And now our last performer. We are actually honored kasi ag magpeperform na libre without tickets are the singer from South Korea... Let's welcome BROSIS.. " sabi ng emcee at tumayo kami.

"Goodluck.. " sabi ni Jed at nagsmile ako.

"Thank you... Btw angas nyo kanina.. " sabi ko at nagwink.Umakyat kami sa stage at humawak ng mic. Dahil sa nakadress kami, Hindi kami makakasayawng husto.

JED KLEIN POV

"Woah ang ganda ng boses nila.. " sabi ni MJ na nagmumukha lalabas na ang mata sa panonood sa kanila.

"Ano ba naman yan mas nafafall ako kay Mitch... Kinakabahan tuloy ako kung anong magiging sagot nya.. " sabi naman ni Clark kaya napa tingin kami sa kanya

"Natanong mo na? " tanong ko at tumango sya..

"Eh wala pa syang sinasabi? Kahit ni isa? " tanong naman ni Sean

"Hinatayin ko raw sasabihin nya mamaya.."sagot nito.

"May tanong ako " sabi ko at napatingin naman sila sa akin.

"Kapag ba tinanong ka ng babae kung gusto mo partner kayo meaning nun may gusto sayo? " tanong ko

"Eh dba halos lahat ng babae tinanong kana nun.. Edi meaning nun Oo.. " sagot ni Clark.
"Bat tinanong ka ba ni Chloe? " tanong ni MJ

"Tinanong ng ano? " sabi ng babae at pagkatingin namin ay si Chloe pala

"Ikaw kung ano ano sinasabi mo.. " sabi ko at pinalo ang ulo nya.

"Aray ko.. "Sabi niya at hinawakan yung ulo nya.. Di namin napansin na tapos na pala silang kumanta.

"Dance time na.. Tara Mitch? " tanong ni Clark at inabot naman ito ni Mitch at pumunta sila sa dance floor. Madamjng nagtilian at may mga bumubulong pero hinayaan nila ito.

"Tignan mo sila.. Sana ol may paganyan.. " Sabi ni Chaein at mamaya'y biglang may nangalabit sa kanya na lalaki na di nya kilala.

"Pwede ba kitang isayaw binibini? " tanong neto.. Papayag na sana si Chaein pero bglang umalis yung lalaki.

"Ayy paasa.." Sabi ni Chaein pero tumawa lng ako kasi di nya nakita na meron si Sean sa likod nya.

"Ako nalang mangisasayaw sau.. " sabi ni Sean sa likod at sumama naman na si Chaein ganun rin naman si MJ na pinilit nya si Jaeshin na sumayaw.

Nakita kong paparating sa akin si Jaden pero pumunta sa harap ko si Jed.

"Pano yan.. Tayo nlng natira.. May I? " tanong neto at halatang medyo nahihiya sya..

"Uhm... Sure... " sabi ko at inabot ang kamay ko.. Tumingin ako sa kung saan si Jaden eh halatang medyo dismayado sya.. Hmm bat kaya..

"Chloe? " tawag ni Jed

"Hmmm.. " sabi ko

"Kilala ako bilang manglalaro hindi lng ng mga sports kundi pati babae.. Pero.. " sabi nya

"Oh bat mo sinasabi sakin? Tas halata namn eh.. " sagot ko

"Pero... d ko maintindihan yung nararamdaman ko sayo para bang---" hindi naituloy ni Jed yung sasabihin nya nung biglang nagsara bigla ang ilaw at mamayay biglang bumukas.

Pag tingin namin sa paligid ay may mga nakapula at may mga mask.

"Akala mo tapos na? Pwes nagsisimula palang.. " sabi ng isang pamilyar na boses sa mic.

"Tracey? " biglang sambit ni Jed

"Tracey? " tanong ko t tumingin sakin si Jed

"Yung boses... Parang si Tracey... Kilaka ko boses nya at bat sya andto ilang months na syang di pumapasok ah.. " sabi neto at sumang ayon naman ako.

Tracey... Yung bungo... Hinugot ko yung dagger sa may paanan ko at tinignan ito ng husto..

"Sila nga.. " bulong ko at tumingin sa harap.

Ibinato nga sa kung nasaan ako ang isang dagger pero naiwasan ko at tumama ito sa malaking yelo.. Nabiyak ang yelo at nagsihiyawan at nagsitakbuhan ang mga styudante..

"Tara takbo.. " sabi ni Jed at hihilain nya sana ako pero inalis ko yung kamay nya.

"Hindi ko pwedeng takbuhan ang away nato.. " sabi ko at hinugot ko ang isa pang dagger na nasa paanan ko..

Book 1:The Basketball King Meets The Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon