Chapter 2

707 13 0
                                    

Chord's POV

"August" sambit ko sa pangalan niya ng may pagkainis, okay na sana ako nang makita ko yung babaeng pink ang buhok pero nagpakita pa 'tong babaeng 'to.



"Yeah that's me" nakangiti niyang sagot, hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad palabas, nawalan na ako ng gana, "So sino yung babaeng hinahanap mo?" Tanong niya habang nakasunod saakin.



"Its none of your business " simple Kong sagot, nasasakal ako kapag kasama ko ang babaeng to, nagmumukha akong may nanay na bantay sarado lang ng gawin ang banggitin ko.





"Of course! it is my business! I'm your GIRLFRIEND!" Bigla niyang sigaw kaya napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya, sorry but I want to end up this drama.





"You're girlfriend?" sarkastikong kong tanong sa kaniya agad naman siyang napalunok, tinaasan ko siya ng kilay bago ako magpatuloy, "Ok, e-explain ko nalang sa'yo, una sa lahat, Hindi kita niligawan,ikaw mismo ang nagsasabi na girlfriend kita." then I smirked.



"Chor---" sambit niya sa pangalan ko pero agad ko siyang inunahan.




"Shhhhh, don't talk yet hindi pa ako tapos, pangalawa, hindi kita gusto at lalong hindi kita mahal kaya wag kang magdrama o mag inarte diyan" kalmado kong sabi tsaka ako ngumisi.



"Chord, baka pwede nating pag usapan 'to?" Tanong niya at akama akong hahawakan, pero agad kong tinabig yung kamay niya.



"Don't toych me, wala tayong dapat pag usapan" naglakad ako palayo pero nilingon ko muna ang mga kabanda ko nag sign lang ako na aalis naako, pero sinundan pa rin ako ng babaeng 'to kaya sinamaan ko siya ng tingin at nagsalita ulit, "And one thing August, WAG NA WAG KA NG LALAPIT O MAGPAPAKITA SAAKIN NAKAKASUKA YANG PAGMUMUKHA MO" with that naglakad na ako palabas ng bar.




Pumunta ako sa parking lot tsaka pumasok sa kotse ko, mahigpit ang pagkakahawak ko sa manobela.


Ugh! Ang daming nangyari ngayong araw, wala na bang mas lalala pa dito?!

Oo, aminado akong masasakit ang mga nabitawan kong salita kay August, pero dapat lang yun sa kanya para matigil na ang pagpapantasya niya, nakakaawa na siyang tignan mabait namang babae Si August kaya makakahanap pa siya ng karapat dapat sa kanya at hindi ako yun.





Napahilamos nalang ako sa mukha ko at nagdrive ako pauwi sa Bahay KO.





Melody's POV




"Grabe bes! Ang galing nung kumanta kanina diba? tapos tinitigan ka pa! aaaaaaayyyyyyyiiiiieeeee!!!" Kanina pa 'tong si Mekhi, nananakit na yung tenga ko dahil sa panunukso niya.



"Tumahimik ka nga diyan Mek-mek" suway ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa apartment na tinutuluyan namin ni Mekhi, ulila na ako sa magulang Kaya nag papart time ako, kasama ang babaeng madaldal na Si Mekhi.





"Yiiiieeeee! sabihin mo nalang kasi na kinikilig ka" nakangisi niya namang sagot saakin pero inirapan ko lang siya, ako kikiligin? Asa.




Biglang nagbago ang tono niya mula sa panunukso napalitan ng nag aalalang bestfriend Si Mekhi, "Yung gamot mo?"


Napatingin ako sa kaniya at nginitian siya, "Tapos na, Mekhi matulog na tayo? may klase pa tayo diba?"




"Tinatakasan mo lang yung panunukso ko eh, pero sige matulog na tayo" go na go niyang sabi tsaka nag dive sa kama naming dalawa.





Magpapakilala nga muna ako, I'm Melody T. Aragon, 19 years old 3rd year college sa Buston University sa kursong Business Management. Actually kaklase ko Si Mekhi para daw maalagaan niya ako. Ano Ako bata? hahahahahaha.




"Mek-mek" tawag ko sa kanya.




"oh? bakit Mel-mel may masakit ba sayo?" napaupo siya.




"Hindi noh, nagtataka lang ako kung bakit ako tinitigan nung kumanta kanina? Hindi niya naman ako type diba?" Mahirap na.




"Ano ka ba Mel-mel syempre naattract sa'yo o baka nagtaka kung bakit pink yung buhok mo HAHAHA ---aw" agad ko siyang binatukan, walang kasalanan yung buhok ko, dinadamay pa.

"Malay mo na-love-at-first-sight yun sayo ayyyiiieee" pahabol niya at kinilig, banat mo kilig mo, ganun?





"Ugh! matulog na nga lang tayo!" pagmamaktol ko tsaka nag pasiya na matulog.





Dapat iwasan ko ang magmahal dahil ang taong mamahalin o magmamahal saakin ay masasaktan lang.

When I'm Gone (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon