Chapter 22

295 8 0
                                    

Chord's POV




"Alam mo ba Mekhi na yang si Kloz ay sinasambit ang pangalan mo habang natutulog, hahahahaha" natatawang sabi ni Klaz, dahilan para mapatingin ako sa kaniya.







Katabi niya ang kapatid niya Kaya madali siyang nabatukan nito, "Kuya naman eeehhhh!" pagmamaktol nito, habang namumula ang pisngi, habang Si Mekhi naman na katabi ni Kloz ay Hindi napigilan ang mapangiti.






"Oyyy kinikilig si Mekhi ayyiiieeee" pangungutya ni Ren, habang nagda-drive.





Agad nanlaki ang mata ni Mekhi, "H-hindi ah..." mahinang sabi nito tsaka tumingin sa may bintana ng sasakyan.







"Ilang araw na Si Melody sa hospital Mekhi?" biglang tanong ko kaya natahimik silang apat, at napatingin naman Si Mekhi saakin.







"Mag dadalawang linggo na, mabuti nalang at may nagsponsor sa pagpapahospital sa kaniya kaya mas tatagal pa siguro siya" napayuko siya sa nang sabihin niya ang mga huling salita.




"Hindi siya mawawala ok?" biglang sabi ni Ren, pero diretso lang ang tingin niya sa daanan na aming tinatahak, mag gagabi na, mabuti nalang at maraming kaming nakain kina Mekhi kanina kung Hindi Panay reklamo ang maririnig ko sa mga kasama ko.




"syempre" sagot naman ni Mekhi at pilit na ngumiti.




Paano nga kong mawala si Melody? kakayanin ko ba? ito ang unang beses na nagmahal ako ng tunay pero mawawala lang pala?





Biglang tinapik ni Ren ang balikat ko sabay sabing "Tiwala pang bro, may awa ang Dios", tumango lang ako bioang tugon, medyu gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Ren.





"Yan na yon" sabi ni Mekhi sabay turo sa malapit na puting building, "Dali Ren! omyghad!" sabi ni Mekhi.




"Hiyang hiya ako sayo eh noh? ikaw na Kaya ang mag drive try mo" pabirong sagot ni Ren.



"Hahahahaha I'm just kidding " awkward na sabi ni Mekhi, napansin ko ang masamang tingin ni Kloz kina Ren at Mekhi Kaya sumabat ako.




"Tahimik, may nagseselos na bata eh" sabay ngisi.



"Eh! Hindi noh!" sabi ni Kloz, bingo!



"Sinabi ko bang ikaw?" tanong ko Kay Kloz sabay ngisi.


"Ah-eh" tanging sambit niya.



"Let's go!" biglang sigaw ni Mekhi sabay bukas sa pintuan ng sasakyan at naunang naglakad.



Nang makalayo siya nilingon niya kami, "ANO?! AYAW NIYO BA SIYANG MAKITA?!" sigaw nito saamin, Kaya dali dali naman kaming lumabas sa sasakyan at sinundan siya.







"This is it! pancit!" nakangising sabi ni Klaz habang nakatingin saakin, nang aasar na naman ang loko.






Nang makapasok kami sa hospital agad na sinalubong kami ng amoy ng medsina, yung mga naamoy sa hospital ganun.




"I really hate this kind of spell" sabi ni Ren sabay napatabon sa kaniyang ilong.





Nagtanong Si Mekhi sa may counter ng hospital,"May pasente pa po ba sa room 30? May medication ba siya ngayon?OK lang ba siya?"





Napakurap ng maraming beses ang nurse na nasa counter tila nalilito kung anong tanong ang una niyang sasagutin.



"hey" sabi ni Mekhi sa kaniya dahilan para mapabuntong hininga ang nurse.




"R-room 30 m-ma'am? M-meron po" sagot nito sa wakas.




"Salamat" tugon ni Mekhi tsaka tinahak ang daan papunta sa kwarto ni Melody.





Nilingon niya kami then she mouthed 'Dalian niyo ang paglalakad'




Kaya binilisan rin namin ang paglalakad, hanggang sa tumigil sa paglalakad si Mekhi mukhang nakita na niya ang kwarto ni Melody.




Ramdam ko ang panginginig ng dalawa Kong kamay, humangi ako ng malalim.




'Relax Chord!' sigaw ng aking isipan.





Napaigtad ako nang biglang tinapik ni Rex ang balikat ko, sumunod naman Si Klaz tapos Si Kloz pero masyadong napalakas ang tapik niya Kaya tinapunan ko siya ng nakakamatay na tingin kaya agad siyang napalayo saakin.



"Kaya mo yan pre" sabi ni Ren.





Sumenyas si Mekhi na katukin ko ang pintuan Kaya naman ginawa ko.

tok


tok




tok





"Bukas yan" sabi ng tinig na matagal ko ng gustong marinig.






Hinawakan ko ang doorknob tsaka ito pinihit para bumukas.






Agad na bumungad saakin ang babaeng mahal ko na nakahiga sa isang puting kama, maraming mga nakakabit sa kaniya, napatingin ako sa kaniyang maamong mukha, halatang kulang siya sa tulog, medyu pumayat din siya.







Ngumiti siya saakin, "Alam kong mahahanap mo ako Chord mahal ko".



When I'm Gone (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon