Epilogue

543 16 12
                                    

Chord's POV

Nandito na kami ngayon sa simbahan, busy na busy ang lahat Lalo na si Ren, kung bakit?

Secret muna hahahaha

Maraming mga bisita na ang nagsidatingan, at ang iba ay masaya kaming binabati at pinu[uri ang ayos ng pagkakadisenyo sa simbahan,

"Magandang Araw"

"I must say na magaling ang designer na nakuha nila"

"Ang ganda ng pagkaka-balance sa mga kulay"



Its been years simula nung nangyari kay Melody, at kami na nagmamahal sa kaniya ay sinusubukang tanggapin ang pangyayari.



"Chord, tulungan mo naman ako dito!"

Napalingon ako kay Mekhi, dahil tinawag niya ako nakasuot siya ng putting casual na medyu mahahalata na ang umbok sa kaniyang tiyan, tapos na silang ikasal ni Kloz and now she's pregnant, nagmamadali yata si Kloz, tsk.



Agad akong lumapit sa kaniya, "Bakit?" tanong ko.



"Pakiayos naman yung mga instrument na gagamitin nina Kloz at Klaz mamaya, please? busy pa kasi silang dalawa ng kuya niya eh" sagot niya naman tsaka inilibot ang kaniyang paningin sa simbahan kaya napalibot din ang aking paningin sa simbahan at napagtanto na sana'y napakasalan ko man lang si Melody bago pa man siya pumanaw.





"Ako na siguro ang pinakamasayang kaibigan kung nakita ko sana na maglakad si Mel-mel sa altar patungo sa'yo, pero..." ramdam ko ang lungkot sa tono ng pananalita ni Melody kaya ako na ang tumapos sa kaniyang sasabihin.



"Pero alam ko naman na masaya na siya kung sa'n man siya naroroon, kaya Mekhi huwag mo I-stress ang sarili mo ok?" tanong sa kaniya kaya bahagya siyang napangiti at tumango.



NANG magsimula na ang serimonyas at mas Lalo kong naramdaman ang pagkamiss kay Melody, Lalo na nung magsimula nang ipatugtog ang "A Thousand Years" by Cristina Perri.



Pinagmasdan ko si August habang masaya siyang naglalakad patungo dito sa altar na kinalalagyan ko, simple lang kaniyang gown na suot kaya nangibabaw talaga ang kaniyang kagandahan.





"Napakaswerte ko talaga" sabi ni Ren na nasa tabi ko, maluhaluha niyang pinagmasdan ang kaniyang minamahal na babae, hindi ko rin alam na matagal na palang may gusto si  Ren kay August parang kailan lang nung mga nangyari sa nakaraan pero heto kami ngayon patuloy na lumalaban sa buhay.





Tinapik ko siya sa balikat at tinanguan tsaka ako tumingin sa kinaroroonan nina Kloz at Klaz sila yung kinuhang singer para sa kasal, sabay nila akong tinanguan, habang patuloy kong pinakikinggan ang musika na siyang unang kantang narinig ko sa babaeng minamahal ko, babaeng pinahalagahan ko pero siya rin ang babaeng sinaktan ako ng husto.





Kung si Kloz may asawa na, si Klaz naman ay tatandang binata hahahaha bakla siguro? pero seryoso, busy siya sa kaniyang Music Company, mayaman na ang mokong.





Kung ating iisipin, masakit at mahirap man na tanggapin ang kaniyang pagkawala pero ganito talaga ang buhay, hiram lang natin ito sa diyos kung bawiin man niya satin at wala na talaga tayong magagawa kundi ang tanggapin ito sa kabila ng sakit na maramdaman.





Ngayon, masaya na ako para sa mga taong naging parte na ng buhay ko, masaya ako kung ano nang meron sa kanila, at masaya na rin ako kung nasaan na si Melody ngayon, dahil alam ko na ligtas na siya sa delikadong mundo na ating ginagalawan.







When I'm Gone (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon