Chapter 3

544 15 0
                                    

Chord's POV



"Diba siya yung nagsunog nung classroom dun sa Quezon Building?"

"Duh gwapo sana demonyo naman ang ugali"

"Shhhh Baka marinig kayo niyan"



Nagbubulungan pero dinig na dinig ko naman, nahiya pa nag microphone nalang sana para masaya.




"Ako Chord uupakan ko na yung mga bubuyog?!" maangas na sabi ni Kloz kaya agad akong napa smirk.



"Patawa ka talaga Kloz noh! ipis nga sa bahay takot ka,tapos makikipagsuntukan ka? eh kung ikaw upakan ko!" mahinang sigaw ni Klaz sa kambal niya.




"Eehh di ka naman mabiro KUYA!" na emphasize ni Kloz ang KUYA Kaya ayon nag habulan ang kambal.



Napaisip ako, dito kaya nag-aaral yung babaeng pink ang buhok?


Bigla akong siniko ni Ren, "Anong iniisip natin, pre?" Nakikiusyoso pa.



"Inaalala ko lang kung kailan ko papatayin kong tito kong satanas" sagot ko sa kaniya, dahilan para manlaki yung mata niya pero agad ko siyang tinawanan, "Syempre hindi ako mamamatay tao, teka saan nga pala tayo magkaklase ngayon?" pag iiba ko sa topic.





"Ewan ko, buti nalang at hindi Ka naparusahan sa ginawa mo no?" Sagot niya.




"Syempre hindi, malaki ang share ng mga totoo kong mga magulang sa school na 'to kaya walang problema" cool kung sagot.

"Edi ikaw na mayaman, apunin mo ako please" pagbibiro nito kaya napailing nalang ako.



May nakasalubong kaming guro, tinatong siya ni Ren kung san kami magkaklase, imbis na sumagot. Tinapunan niya ako ng masamang tingin tsaka nailing.



"Sa Rizal building sa class-4 dun muna kayo magkaklase dahil kokonti lang ang estudyante dun" sagot niya.



"aaah Sige ho ma'am salamat" tumatangong sagot sa kaniya ni Ren, pero nasa akin yung tingin ng guro, type moko ma'am?



"Wag mo nang sunugin ang classroom na iyon Mr.Chord Asuncion, understand?" Office mo kaya ang sunugin ko ma'am?



" Of course ma'am" nakangiti kong sagot at nailing lang siya tsaka iniwan na kami.



"Iba ka talaga pre" natatawang sabi ni Ren pero nagkibit balikat lang ako pero bigla siyang napatingin sa cellphone niya.


"Bakit?" Tanong ko.




"Nasa classroom na daw sina Klaz, takbohan na diz" sabi ni Ren tsaka tumakbo, alangan magpapahuli ako?





NO WAY.






Pagdating namin sa Class-4 agad nabaling ang Tingin ng mga eatudyante saakin.



"Woah, easy guys Hindi ko susunugin tung classroom, tinatamad ako eh" natatawang sabi ko tsaka nagtungo sa tabi nina Klaz at Kloz, nasa pinakalikod kaming apat nakaupo.



Hindi nagtagal pumasok na ang Teacher namin para sa First Period at nag check ng attendance, pero nagtagal siya sa isang 'to..



"Miss Melody Aragon?" Tanong niya.

Tahimik lang ang klase.



" Miss Melody Aragon?" pag uulit ng guro tsaka inilibot ang paningin niya saaming lahat, pero wala pa ring sumagot.



"MISS MEL--"




"SORRY MA'AM WE'RE LATE!" sigaw ng isang Babae na hanggang beywang ang buhok agad siyang pumasok sa classroom nakayuko ito kaya hindi naaninag ang kaniyang mukha.




Sunod namang dumating ang isang babae na pink ang buhok na hanggang balikat, hinihingal pa.


"S-siya...." mahinang bulong ko




"Miss Aragon?" agad na tanong ng Guro na ikinatango niya.




"Sorry ma'am, alam niyo naman Hindi pwedeng mapagod Si Mel-mel" pagpapaumanhin nung babaeng hanggang beywang ang buhok at inalalayan yung babaeng pink ang buhok, mabuti nalang at okay lang na ganiyan yung buhok niya, hindi siya sinisita.



"I'll understand" sagot ng guro, nang matapos ang first period agad kong kinalabit ang mga kaibigan ko.



"Siya..." tanging nasabi ko



"Huh? anong SIYA?" naguguluhang tanong ni Klaz habang nakakunot ang noo.



"Yung nakita ko sa bar" sagot ko, habang nakatingin kay Melody Aragon.




"ahhh yun?" tanong ni Ren tsaka itinuro yung babaeng pink ang buhok.



Agad naman akong tumango.


"puntahan mo" biglang sabi ni Klaz agad ko siyang tinignan.



"eh?"




"Lalapitan ni Chord tapos sasabihin niya 'hi diba ikaw yung nakita ko sa bar? nice hair huh san Ka nagpa hair color?' hahahahahahaha bakla lang ang peg!" natatawang sabi ni Kloz na agad binatukan ng kambal niya.



"tsk Ewan ko sa inyo" tanging nasabi ko tsaka nag walkout, walang sense kausap puro kalokohan ang alam.


Tinawag pa nila ako pero hindi ko na sila nilingon pa, masakit leeg ko.

When I'm Gone (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon