Chapter 17

270 7 0
                                    

Chord's POV

"Dalian mo Ren!" sigaw ni Mekhi Kay Ren na nagmamaneho, pareho kaming kabado sa mga oras na 'to!

"May sinusunod tayong speed limit dito" sagot naman ni Ren, Hindi pwede na pabagalbagal kami.

"JUST F#CKIN DRIVE THE CAR FAST!" sigaw ko.

"K" simpleng sagot ni Ren at pinaharorot ang kotse patungo sa pinakamalapit na hospital, wala pang 2 minuto ay narating na namin ang hospital,

"Mukhang nagkahalo-halo yung kinain ko, Chord ipasok mo na si Mel-mel sa hospital dali! susunod ako," - Mekhi, habang sapo sapo ang tiyan niya, inalalayan siya ni Ren pababa sa kotse at sininyasan ako na pumasok na sa Hospital.





"Help! Emergency!" sigaw ko pagkapasok ko sa hospital, agad namang pumunta sa direksiyon ko ang mga nurse at may dalang hospital bed, inihiga nila Si Melody.




Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, sobrang kaba ang dibdib ko, hinding Hindi ko mapapatawad Si August!





Umupo ako sa may tabi, nasapo ko ang ulo ko Hindi pwede na mawala Si Melody, Hindi pwede kailangan kung mapatunayan ang sarili ko sa kaniya,



Hindi nagtagal pumasok sina Ren, Mekhi, Klaz at Kloz Hindi maipinta ang mga pagmumukha nila, "Kumusta Si Mel-mel?" agad na tanong ni Mekhi saken, iling lang ang naisagot ko.


Umupo sila sa katabing mga upuan, Si Mekhi at humahagulhol ng iyak, pilit siyang pinapakalma ng tatlo pero waepek.

"Hihuhuhuhu Mel-mel, papatayin ko talaga yung babaeng empakta na yon! huhuhuhuhu ako nga Hindi man lang kita nakurot tapos siya sasampalin ka?! huhuhuhuhuhuhuhu" hagulgol ni Mekhi



Makalipas ang ilas oras, nakatulog si Mekhi sa kakaiyak, hindi pa rin lumalabas ang doctor, sina Kloz at Klaz pinauwi muna namin para makapagpahinga.

*Ekkkk*(door opens)

Naalimpungatan si Mekhi at saktong pagbukas ng pintuan ay lumabas ang doctor, "Sino sainyo ang kamag-anak ng pasyente?" bungad ng doctor.



Agad tumayo si Mekhi, "Ako po" binalingan niya kami ng tingin "Guys, salamat sa tulong niyo, pwede na rin kayong umuwi para makapagpahinga" malumanay niyang sabi, magpoprotesta pa sana ako pero hinigit na ako ni Ren palabas, pero bago kami tuluyang makalabas, tumingin ako sa kinaroroonan ng doctor at ni Mekhi na umiiyak ng todo?



Bakit?

"Chord, kailangan din naman natin ng pahinga at bukas na bukas bibisitahin natin Si Melody" sabi ni Ren habang nagmamaneho.




"Alam mo Ren, nagtataka talaga ako Hindi naman siguro ganon kalakas ang sampal ni August Kay Melody, pero... ayyysst! Hindi ko talaga alam!" napasabunot nalang ako sa buhok ko.



"Hindi mo talaga alam..." bulong ni Ren. huh?



"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan Kong sabi.


Napakunot ang noo niya, "Huh?wala naman akong sinabi, baka dahil lang yan sa pagod Chord" sagot niya.



Siguro nga dahil lang 'to sa pagod, kailangan kong magpahinga para maasikaso ko si Melody sa hospital.



Pagdating ko sa bahay, agad akong dumiretso sa kwarto ko, pabagsak akong humiga sa malambot Kong kama, matagal tagal na rin nang mapansin ko na medyo may saysay na ang buhay ko.



Siguro dahil sa isang tao na naging motivation ko na magpatuloy sa mga dapat na ipagpatuloy, siya ang taong nagmulat saakin.



Naalala ko tuloy yung sinabi niya nung nasa music room kami yung time na umiyak siya.



"Hindi mo kasi naiintindihan kung gaano kasakit ang ipahiya at masaktan palibhasa parang wala ka namang pakialam sa buhay mo at ng mga taong nadadamay mo, kailan pa nga ba magtitino ang mga taong may masamang budhi? kapag malapit ng mamatay? eh paano naman yung mga taong gustong gusto pang mabuhay pero pinagkakaitan ng mundo?"




Hindi ko rin alam kung tama ba na bigyan ko ng kakaibang kahulugan yung mga Sinabi niya pero mukhang ganun naman talaga.





Kung ano man ang ibig niyang sabihin, sigurado akong maganda ang magiging resulta.

Hindi naman siguro siya magsasabi ng mga salitang makakagawa ng ikakasakit ng iba?


RRRRRIIIIIINNNNNGGGGG!!!!


Napaigtad ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, sino pa ba kasing tao ang tatawag sa ganitong mga oras? maghahating gabi na Kaya! ayst!


No choice ako, Kaya pinulot ko ang cellphone ko

Mekhi's Calling...

"Chord nagising na Si Melody, pero Hindi mo na siya pwedeng puntahan"

Toot---

What? Hindi man lang ako nakasagot? pinatayan ako ? teka anong ibig niyang sabihin?


Bakit?

When I'm Gone (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon