Chapter 21

297 7 0
                                    

Ren's POV

"Anong wala na siya?" naguguluhang tanong ni Chord kay Mekhi, pero naiyak lang si Mekhi.


"SUMAGOT KA MEKHI!" galit na sigaw ni Chord, dahilan para mapaigtad kami.

"Chord Hindi naman siguro Tama na sigawan mo si Mekhi" sabat ni Kloz.

"Shut up Kloz" sagot naman ni Klaz.


"Ren, pwede ba kitang makausap?" sabi ni Mekhi habang nagpupunas ng luha, tumango naman ako bilang tugon

"Bakit Si Ren?! pwede Namang ako?!" rinig Kong sigaw ni Kloz kahit kailan talaga.


Nagtungo kami sa likurang bahagi ng bahay nina Mekhi, may upuang gawa sa kawayan, na nasa ilalim ng malaking puno ng mangga.

Umupo kaming dalawa sa upuan,

"Alam mo naman siguro kung bakit ikaw ang gusto Kong makausap diba?" tanong ni Mekhi.


"Dahil ang Matino saaming apat" simpleng sagot ko at napatango naman siya.

"Alam mo, lagi kang bukang bibig ni Kloz, halatang miss na miss kana niya" pagsasalita ko, bahagya siyang ngumiti.

"tsssss napakaisip bata niya talaga, pero Hindi rin naman madali saamin ni Melody na iwan kayong apat ng Hindi nagpapaalam" malungkot niyang sabi.


Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot saaming dalawa, Hindi kami gaanong close at nagpapalagayan muna.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Ano ba talagang nangyari?"

Nagsimula na siyang humikbi, tinitigan ko lang siya Hindi ako magaling mag embrace ng tao.


"Lymphangioleiomyomatosis is a rare but fatal lung disease na mga babae lang ang dinadapuan nitong sakit edad 20 to 40. It affects fewer than one out of 1 million people. T-tapos yung mga sintoman nito ay cough, chest pain, blood-tinged sputum and trouble breathing. Treatment for this condition is possible via a lung transplant, sabi ng doctors nung isinugod sa hospital Si Mel-mel ay hindi na malulunasan ang kaniyang sakit, dahil isa pa wala kaming sapat na pera para maipagamot si Mel-mel, gusto ni Mel-mel na iwan nalang kayong apat sa Manila para wala ng ibang tao pang masaktan sa kaniyang pagkawala" umiiyak na Si Mekhi Kaya tumigil muna siya sa pagsasalita.


Bahagya akong lumapit sa kaniya at inalo siya,

"Handa naman kaming tumulong kung pera lang ang problema" sabi ko.

Pero nailing lang Si Mekhi

"A-ang masakit lang, a-ay tanggap  na ni Mel-mel na Hindi na siya tatagal pa sa Mundo at ayaw niya ng may madamay pang ibang tao" patuloy pa rin siya sa pag iyak.


"K-kailan lang siya pumanaw?" mahinan kong tanong.

Biglang napatingin Si Mekhi saakin at sinuntok ako sa braso

"Aray naman" sabi ko habang hinihimas yung braso ko na sinuntok niya.

"Tang*na ka Kaya! Hindi pa siya patay ulol!" ayyyy minura pa ako.

"Ayyyyy yun ang pagkakaintindi naming apat Mekhi, hala mabubuang ako sayo" sabi ko sa kaniya, mahina siyang napatawa.

"Ang ibig Kong sabihin nun, wala na siya dito sa bahay namin, nasa pinakamalapit na Hospital siya" paliwanag nito at muling pinunasan ang kaniyang mga luha, tumayo siya at naglakad papunta sa kinaroroonan nina Chord.


Nanatili akong nakaupo, nilingon niya ako "Halika na! naghihintay Si Mel-mel" sabi nito Kaya tumayo ako tsaka siya sinundan.

Naabutan namin ang tatlong mokong na nasa loob ng sasakyan, Si Chord nasa passenger seat nakatulala, si Klaz nag sasound trip habang nakapikit ang mga mata at si Kloz ay agad na napatingin saamin ni Mekhi.

"Kumusta Kloz?" simpleng tanong ni Mekhi, pero imbis na sumagot ay dali dali siyang lumapit Kay Mekhi at niyakap ito.


"Ayayayay Ayayayay ang pag ibig" kanta pa ni Klaz na nasa labas ng sasakyan.


"B-bitaw na Kloz" sabi ni Mekhi, agad namang napabitaw si Kloz at napayuko.



"Hali muna kayo sa loob manananghalian muna tayo bago natin puntahan Si Mel-mel naiinip na naman yun kakahintay" bahagyang nakangiti si Mekhi habang nagsasalita.



Habang Hindi maipinta ang mga mukha Nina Kloz, Klaz at lalo na Si Chord.


"Ano pang hinihintay niyo?" tanong ni Mekhi.


Agad kaming pumasok sa simple nilang pamamahay.



Napatingin ako Kay Chord
"Konting hintay nalang Chord makikita mo na ulit siya" sabi ko sabay tapik sa balikat niya, sinuklian niya lang ako ng simpleng ngiti.

When I'm Gone (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon