Chapter 25

376 9 8
                                    

Melody's POV

Nakatingin ako kay August or I should say Ate, halata ang pagkagulat sa mga mukha nina Chord, Mekhi, Kloz habang sina Ren at Klaz ay napamulat din.

"Wait? Mel-mel anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Mekhi.


"Oh, don't tell me hindi pa nila alam?" tanong ni August saakin, at napatango rin ako.


"Sorry, hindi ko agad nasabi sainyo" paghingi ko ng tawad.

"Hindi lang talaga ako, makapaniwala Mel-mel" biglang sabi ni Mekhi sabay head-to-foot kay August, "Na magkapatid kayo, malayong malayo ang mga pag uugali niyo, kung ikaw Mel-mel anghel" tingin saakin at tumingin siya ulit kay August "Ikaw naman demonyo!"



"Ang sakit mo naman magsalita besh" sagot naman ni Ate August.




"Mek, huwag ka namang ganiyan kay Ate" awat ko sa kaniya.





"Sis, ito nga pala, pasalubong ko sayo, sorry medyu matagal ako nakadalaw ulit sayo, busy kasi talaga sa school ang hirap talaga basta graduating" sabi ni Ate August at lumapit saakin sabay patong ng paper na kaniyang dala sa may lamesa katabi ng kama na kinalalagyan ko.





"MAGKAPATID KAYO?!" sabay na tanong nina Ren at Klaz.





"Yes" sabay din naming sagot ni Ate August.




"P-paano?" takang tanong ni Chord.




"Ako na magpapaliwanag sis, ok?" agad naman akong napatango sa sinabi ni Ate August.




"Ehem, so ako muna ang magsasalita ok?" nagsitanguan naman ang mga nakikinig kay ate, "So, nalaman ko na magkapatid pala kami nung pagkatapos ko siyang masampal, may nag video pala nun tapos nakita ng mga tumatayong mga magulang ko, sinabi nila saakin ang katotohanan na matalik na kaibigan pala sila ng mga totong magulang ko, pinaampon nila ako dahil may hika ako nun at hindi nila ako kayang ipagamot dahil pareho silang may sakit sa mga panahong iyon, habang si Melody naman na masiglang bata ang tanging naiwan sa kanila, ang buong pag aakala ko na pinamigay lamang ako ng mga magulang ko dahil ayaw nila saakin, Kaya nung malaman ko na may kapatid pala ako Hindi ako nag atubili na tulungan si Melody dahil meron din siyang sakit, ako ang pumilit Kay Melody na magpagamot dahil gusto ko pa siyang makasama ng matagal, Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Melody na sabihin sainyo Chord kung nasaan siya at Mekhi naman wala talaga akong plano na sabihin sayo na magkapatid kami dahil alam ko na malaki talaga ang galit mo saakin, and lastly Chord I'm over you, ewan ko kung anong nangyari basta biglang lang"





Tahimik lamang sila pagkatapos marinig ang katotohanan, masaya rin naman ako na nagkita na kami ni Ate dahil may natitira pa pala akong kapamilya kahit papaano.




"Mel-mel, ano namang reaksiyon mo nung malaman mo 'to?" tanong ni Mekhi.




"Masaya" simpleng sagot ko.

"MASAYA?!" sabay nilang tanong except Kay ate.



"Oo naman, matagal ko ng alam na may kapatid ako pero Hindi ko kilala, at nag-sorry din naman si Ate, sorry Mek-mek kung Hindi ko nasabi saiyo" sabi ko sabay tingin kay Mek-mek.



"Ok lang Hindi lang talaga ako makapaniwala Mel-mel" tugon naman ni Mekhi.



"Melody, aalis muna ako ha? bibili lang ako ng maraming pagkain, dahil kulang na kulang yung dala Kong pagkain eh" pagpapaalam ni Ate.


When I'm Gone (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon