Chapter 20

304 9 1
                                    

Chord's POV



Narating na namin ang lugar na aming hinahanap, masukal ang daanan kasi Hindi sementado, pansin ko din na napakatahimik ng lugar at iilang mga bahay lang ang makikita.




"Tama ba talaga tayo ng lugar na napuntahan?" takang tanong ni Kloz, habang inililibot ang kaniyang tingin sa lugar.




Inihinto ni Ren ang sasakyan sa may malapit na bahay tsaka siya bumaba sa sasakyan at lumapit sa may bakuran.




"Tao po!" sigaw ni Ren, Hindi naman nagtagal ay may lumabas na babae, nasa mga 40s ang edad at maamo ang kaniyang mukha.



"Ano pong kailangan nila?" mahinahong tanong nito.




"Kilala niyo po ba si Mekhi?" tanong ni Ren sa babae, saglit na napaisip ang babae.




"Mekhi?hmmmm... Hindi hijo eh" naiiling nitong sabi, haysssst.




"Mekhi po? alyas Mek-mek wala po talaga?" paninigurado ni Ren, pero nag iisip pa rin ang babae.




Biglang nanlaki ang mata ng babae, "Ah! si Mek-mek! Ay oo kilala ko ang batang iyon! sino bang Hindi makakakilala sa napakamasiglang batang yoon!" masigla nitong sambit.



Alam ko na bawat isa saamin ay nabuhayan ng loob saaming narinig.



"Saan ho matatagpuan yung bahay nila?" tanong ni Ren sa babae, napatingin naman ang babae saaking tatlo na nakadungaw sa bintana ng sasakyan.




"Kaano-ano ba kayo ni Mek-mek? teka taga-Maynila kayo?" sunod-sunod na tanong ng babae.



"Kaibigan po kami ni Mek-mek, opo taga-Maynila po kami" magalang sa sagot ni Ren, Kaya napakamot sa kaniyang batok ang babae.


"Yung bahay na makikita niyo mula rito, yan yung bahay nila" sagot ng babae, sabay turo sa bahay na tinutukoy niya.



"Sige po, maraming salamat ho" sabi ni Ren.





"Walang anuman, mag ingat kayo mga hijo" sagot naman nito tsaka kumaway.




Nagmamadaling naglakad Si Ren at pumasok sa kotse.




"Siguraduhing naka seatbelt kayo" sabi ni Ren nang makaupo siya sa driver seat.

"ha? bakit?!" hestirical na tanong ni Kloz.




"Ren? anong plano mo?" tanong naman ni Klaz, hayssst magkakambal nga talaga sila.



Tumingin lang Si Ren saakin, mahiwatig na ako ang magpaliwanag.



"Mag seatbelt kayo kung gusto niyo agad makita sina Mekhi" simpleng sabi ko.




"Hindi niyo naman agad sinabi, hehehe" sabi ni Kloz at agad isinuot ang kaniyang seatbelt.




"Ok²" ani naman ni Klaz, at isinuot din yung sakaniya.




"Let's Go!" anunsiyo ni Ren tsaka pinaharorot ang sasakyan, Hindi ko alintana ang sakit ng likod ko dahil sa pag bounce ng sasakyan sa mga bato sa kalsada, para saakin ang importante ay makikita ko na Si Melody.





Wala pang tatlong minuto, ay narating namin ang bahay, may batang naglalaro sa bakuran, agad kaming bumaba sa sasakyan.




"Grabe ang sakit ng likuran ko" reklamo ni Klaz.




"Bata!" tawag ni Kloz sa batang naglalaro sa bakuran, tumingin ito sa gawi namin, na para bang sinusuri ang aming mga itsura.





Nanlaki ang kaniyang mga mata sabay sigaw "NAY! MAY MGA ANGHEL PO! ANG POPOGI NILA NAY! NANAY! JUSKO PO!" sabay pumasok sa pamamahay nila.




Nagkatinginan kaming apat sabay napatawa.



"Kapatid yun ni Mekhi" sambit ni Ren.




"Ha? paano mo nasabe?" tanong ni Kloz, nakatanggap naman siya ng batok galing sa kaniyang kambal "Aray naman!" pagmamaktol ni Kloz.



"Halatang halata kaya sa mga characteristic ng bata, nako! Kloz gusto agawin ko Si Mekhi sayo? mas napansin ko pa na magkamukha sila ni Mekhi eh" pangungutya ni Klaz Kay Kloz.




"Hende---"







"Nako! ikaw na bata ka anong pinagsasabi mong anghel? nako! malilintikan talaga kita!" rinig namin ang isang tinig, nang makalabas siya sa pintuan ng bahay nila ay agad siyang napatingin sa amin.




"Juskopo" mahina nitong sabi.


"Diba nay, sabi ko naman sainyo eh ayaw niyo pang maniwala." sabi naman nung bata.






Naglakad sila sa kinaroroonan namin, "Ano pong kailangan nila?" mahinahong tanong ng babae, medyo may kaputian na ang kaniyang mahabang buhok, matangos ang kaniyang ilong, may maninipis siyang mga labi, kamukha niya Si Mekhi.







"Nay, baka hinahanap nila ako nay! mga mapapangasawa ko siguro sila nay!" tumatalon talon na sabi nung bata na nasa sampong taong gulang.





"Tumahimik ka nga jiji!" suway ng kaniyang ina.






"Dito po ba nakatira Si Mekhi?" tanong ni Kloz, napakurap naman ng ilang Beses ang ginang.






"Anong kailangan niyo sa anak ko?" medyo pamalditang tanong nito.





"Gusto lang ho namin siyang makausap" sagot naman ni Ren.





"Ay Si ate palang hinahanap, yung bruhang yon! BRUHANG MEK-MEK!!! MAY NAGHAHANAP SAYO!" sigaw nung bata na nag ngangalang jiji.




"MAKA BRUHANG KANG BATA KA HA! LUNURIN KITA SA PACIFIC OCEAN EH!" rinig namin na sigaw din. Napatingin ako Kay Kloz, namumula ang mukha nito.







"SINO BA YANG---" nang makalabas ni Mekhi ay naistatwa siya sa kaniyang kinatatayuan.






"Kilala mo sila anak?" tanong ng nanay niya sabay nagtungo sa kinatatayuan niya, tumango Si Mekhi.




"Jiji, halika pumasok na tayo sa loob " tawag ng ginang sa bata, naiinis namang sumunod sa kaniya ang bata papasok sa bahay nila.






"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Mekhi.





"Nandito kami para makausap kayo ni Melody" sagot ni Ren.





"Wala naman tayong dapat pag usapan" mahinang sabi nito.





"Asan Si Melody?" tanong ko, biglang napayuko si Mekhi.




"Wala na siya"

When I'm Gone (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon