Chapter 11

331 11 1
                                    

Chord's POV

Hindi ko nakontrol ang mga emosyon ko kaya, mabilis kong nahatak si Melody patungo sa Music room, pagpasok namin agad Kong isinara ang pintuan





Halata ang panginginig ni Melody kaya nabahal ako, pero hindi ko pwedeng ipahalata siya ang may atraso saken noh!
Ang sakit Kaya nung sampal niya 😏





Tinuro ko ang upuan sa may 1st row Sabay sabing
"upo" ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para Hindi ko maipahalata ang pag aalala ko sakanya, agad naman siyang umupo tsaka tumingin saken.





Wag mo Kong tignan ng ganyan!



"Bakit mo ako sinampal?" dinidiin ko talaga ang pagbigkas sa mga bawat salita, napayuko siya naging tanong ko.






Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot saaming dalawa hanggang sa basahin ito ng mahinang paghikbi Anakng!







Agad akong napatingin sa Kanya,
"S-sorry n-nainis lang kasi ako, sorry talaga Hindi ko s-sinasadya huhu" sabi niya habang humihikbi, bakit nung umiyak Si August sa harapan ko OK lang pero ngayong umiiyak Si Melody parang may kung anong sumasaksak sa puso ko







Damn! pinaiyak ko siya!








"Woy wag ka namang umiyak" biglang nasabi ko na halatang halata ang pag aalala, Wala na! uwian na nabisto na ako!







"Eh paanong Hindi ako iiyak, napagod Kaya ako sa pagkakakaladkad mo saken! tapos nakakatakot mo namang magtanong eh!" hinarap niya ako habang binibigkas ang mga katagang sinabi niya, sunod sunod ang pag agos ng mga luha niya patungo sa mapulapulang pingi niya.





"Hindi mo kasi naiintindihan kung gaano kasakit ang ipahiya at masaktan palibhasa parang wala ka namang pakialam sa buhay mo at ng mga taong nadadamay mo, kailan pa nga ba magtitino ang mga taong may masamang budhi? kapag malapit ng mamatay? eh paano naman yung mga taong gustong gusto pang mabuhay pero pinagkakaitan ng mundo?" mahaba niyang sabi inaamin ko natamaan talaga ako sa mga sinabi niya, real talk na kung real talk.











"hmmmm~ Sige na nga Hindi na ako magagalit sayo basta ipaliwanag mo kung bakit mo ako sinampal pagkatapos mong kulmalma" mahinang sabi ko tsaka inilahad sakanya yung mineral water na binili ko kanina
agad niya itong hinablot at dalidaling ininom teka....















Nainuman ko na yun kanina k-kaya nagka indirect kiss kami?! waaaaaaaaahhhhh!
(A/N: may pagka OA talaga Si Chord wag kayong magtaka)












"Hoooooo~ salamat sa tubig" sambit niya pagkatapos niyang maubos yung tubig.
Tumango lang ako bilang tugon.






"Kaya kita nasampal kasi nainis ako nung narinig ko na may pinahiya ka" eh? bakit? ka ano ano mo ba Si August?!tsk!






"Hindi alam ang totoong nangyari pero nainis talaga ako eh! kasi babae din ako alam na alam ko ang nararamdaman ng mga babae sensitive kami at madaling masaktan, inaamin ko may mali din akong nagawa kasi agad kitang nasampal ng 180° slap ko nang hindi ka man lang tinatanong kung anong totoong nangyari kaya Sorry" pagpapatuloy niya.









Ahhhh Kaya pala...
180° slap ba kamo? Kaya pala ansakit.







"Pero sa totoo lang ang sakit talaga ng pagkakasampal mo saken eh" sagot ko naman habang hinihimas yung mukha ko na sinampal niya,







"Patingin nga..." huli na nang maagtanto ko na ang lapit lapit ng mukha namin sa isa't isa bigla ang nanigas ng hawakan niya yung pisngi ko! bakit parang umiinit yung mukha ko?! lalagnatin ba ako?!








"H-hoy l-lumayo k-ka n-nga!" nauutal kong sabi tsk! baka Hindi ko mapigilan ang sarili ko't mahalikan ko pa siya! lalaki pa Kaya ako!






Nanlaki ang mata niya at dali daling lumayo saken....





"Sorry, napalakas talaga yung sampal ko kasi..."



"Kasi?"







Mula sa pagiging kalma napalitan ng pagkainis ang emosyon na makikita sa mukha ni Melody mukhang may masama ba akong nagawa?






"Nung tinanong mo ako kanina! parang pinaparating mo na nilalandi ko Si Kloz! for your information! tinawag ko lang siya para makapag usap Sila ni Mek-mek ahh este Mekhi! napaka judgemental mo naman! heh!" nainis ko talaga siya dun sa tanong ko kanina?







Ayyyssst!
kinausap niya lang pala Si Kloz para sa kaibigan niya?




Stupid Chord!








"Sorry" mahinang sambit ko.
"Hmp!" tanging sagot niya tsaka ng cross arm
"Minsan kasi wag umasta na alam mo ang dahilan ko kung bakit ko kinausap Si Kloz, tsk! napakaisip bata Kaya nun! tapos kung may Hindi man nakakakilala sa kanya sigurong mapagkakamalan siyang may saltik sa pag iisip Kaya kung nagseselos ka? wag kang mag alala Wala akong gusto sakanya tsaka lamang na lama ka Kaya kaysa sa kanya" nakataas ang isa niyang kilay habang nagsasalita, ako may gusto sa kanya? seryoso?








Nung magsasalita na ako agad niya akong pinigilan,

"Hep! wag ng magdahilan! Sige mauna na ako, Wala na akong atraso sayo Kaya bye!" tapos agad siyang lumabas sa Music Room.









Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko?! what is this feeling! waaaaaaaahhhh!
pero parang kinikiliti ako nung maalala yung Sinabi niya na lamang na lamang ako Kay Kloz! hahahahaha





Ito ba yung sinasabi nilang KILIG?!

When I'm Gone (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon