Chapter 19

290 10 0
                                    

Chord's POV

Mahigit dalawang linggo na kaming walang balita tungkol kina Mekhi at Melody, Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa tuwing naiisip ko si Melody.



Bakit kailangan na makilala ko siya kung magkakahiwalay lang rin naman kami?






Sa pagdaan ng dalawang linggo, hindi kami tumigil sa paghahanap sa kanilang dalawa, pinatawad ko na sina Ren sa pagtatago nila ng sekreto saakin, walang ng ibang magtutulungan para mahanap sina Melody kundi kami lang.




Si Kloz? halatang-halata na namimiss niya si Mekhi ang sabi nga ni Klaz minsan daw binabangugot si Kloz habang panay ang tawag sa pangalan ni Mekhi.Hindi siya nag-iisa.




"Ang sabi nung may-ari ng tinutuluyan nila dati ay umuwi daw sa probinsiya sina Mekhi" sabi ni Ren nang makapasoj siya sa kotse, nasa harapan kami ngayon ng dating tinutuluyan nina Mekhi at Melody.




"Saang probinsiya?" tanong ni Kloz, may iniabot sa kaniyang papel Si Ren, umaliwalas ang mukha ni Kloz nang mabasa nito ang nakasulat sa papel.




"Sa wakas at may lead na tayo" sabi ko naman.





Sa loob ng dalawang linggo,ay naghahanap kami ng impormasiyon para lang mahanap sila, nalaman din namin na nag drop out na sila sa school.



Ilang linggo nalang bago ang end of school year, pero alam ko sa sarili ko sa mahahanap na namin sila.





INIHANDA namin ang mga kakailanganin namin sa mahabang biyahe na aming tatahakin, si Kloz na dati ang kupad ng kilos sa mga ganitong bagay ay isa talagang himala na nauna siya saamin na makapaghanda.




IBA TALAGA.





Si Ren ang nag drive since siya ang may alam kung saan yung lugar, "Ilang oras ang biyahe?" tanong ni Klaz kay Ren nasa passenger seat siya.



"10-12 hours" sagot ni Ren, "Kakayanin mo bang mag drive?" tanong ko, tinawana niya ako bago sumagot,

"Syempre, magpapahinga rin naman tayo"






MADALING lumipas ang oras dalawang beses kaming tumigil sa may gilid ng kalsada para makapagpahinga.





"Malapit na ba?" Hindi ko na mabilang kung pang ilang bears ng itinanong ni Kloz yan.






"Chill lang kambal, makikita mo naman talaga si Mekhi" natatawang sabi ni Klaz sa kaniyang kambal, dahilan para magtawanan kami.



"Bakit ako lang ba? ako lang ba talaga? hindi naman siguro ako nag iisa yung iba diyan patihitihimik lang" sagot naman ni Kloz, alam kong ako ang ibig niyang sabihin.




"Marunong kasi akong maghintay"- Ako


" Hayaan mo na yan Chord baka sabik na sabik na talaga siyang makita si Mekhi" sabi naman ni Ren.




Pulang-pula na ang mukha ni Kloz dahil sa pagkahiya at kilig WHAHAHAHAHA




"Ehhh paano kung wala tayo abotan na Melody at Mekhi sa lugar na pupuntahan natin?" biglang tanong ni Kloz na siyang nagpatahimik saamin.





Paano nga kung wala?




"Think positive!" biglang sigaw nina Ren at Klaz.




"Sana lang talaga..." mahinang sabi ni Kloz kaya tinapik ko nalang ang balikat niya.





"Siguro naman may patutunguhan 'tong paghahanap natin sa kanila, Kaya fighting!" Hindi rin ako makapaniwala sa mga lumabas sa bibig ko dahilan para mag tawanan kaming apat sa loob ng kotse.




Na sa aming paglalakbay na walang kasiguraduhang may aabotan ba pa kaming Melody at Mekhi....

When I'm Gone (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon