Chapter 24

331 8 3
                                    

Mekhi's POV


Nanatili kaming gising hanggang sa lumabas na ang doctor sa silid ni Mel-mel

Napatayo ako sabay sabi sa doctor ng "Salamat po doc" tinanguan niya ako tsaka naglakad papalayo, nilingon ko ang mga mokong na kasama ko, Si Kloz ay panay ang paghikab, sina Klaz at Ren naman ay may pinag uusapan at si Chord ay agad na pumasok sa silid ni Mel-mel.





"Pwede na bang matulog?" tanong ni Kloz saakin.



"Oo, may dalawang sofa sa silid ni Mel-mel don ka matulog" sagot ko naman tsaka pumasok sa silid, naabutan ko si Chord na nakaupo sa tabi ni Mel-mel na mahimbing na natutulog, epekto siguro ng sleeping pills na pinapainom sakaniya.



Nakatitig kang si Chord kay Mel-mel, mahahalata mo talaga na mahal niya ito.



"Hayst  sana all" mahinang sabi ko.

"Gusto mo titigan din kita?" biglang tanong ni Kloz na nasa likuran ko lang pala.






"Eh?" tanging sagot ko tsaka nagtungo sa sofa at umupo, sumunod naman ito saakin at tumabi saakin.




Muli itong humikab at biglang sumandal sa balikat ko papalag sana ako pero nagsalita siya "Mekhi, pasandal ha?" oh? aarte paba ako? Kaya hindi nalang ako umimik.




Sunod namang pumasok sina Klaz at Ren na agad na napatingin sa kinaroroonan namin ni Kloz napayuko ako, ramdam ko ang pag init ng pisngi ko!




Rinig na rinig ko ang bungisngis nilang dalawa, tsaka nagsalita si Ren "Lovers este guys, bibili muna kami ng mga kape ha?" pagpapaalam nito habang may malaking ngisi sa labi.




"Mabuti pa" sabay naming sagot ni Chord, dahilan para matawa silang dalawa.




Napatingin ako kay Kloz, hayst bakit ako nagkagusto sayo?



Chord's POV

Hindi ko maiisip kung anong mangyayari saakin kung mawawala ka,
Oh  Melody na aking sinisinta,
Ako'y wag mong iwan sana,
ng nag iisa.

Sa iyong pagdating saaking buhay,
na siyang sa aking mundo ay nagbigay kulay,
ika'y laging matatandaan habang buhay,
Kahit na ako'y nasa aking hukay.

Ang iyong pagdating na tioa hindi inaasahan,
Ang pagmamahal ng totoo ay sa iyo ko lang naranasan,
Sa mga kilig na naramdaman,
Bakit kailangang ganito ang kahantungan?

Melody, na aking mahal,
Sana'y mapakinggan ang aking mga dasal,
Na ikaw sana'y makasama at sa iyo'y maikasal,
Kaya Melody lumaban ka aking mahal.

***********

Napatitig ako sa tula na aking naisulat, ganito naba talaga ang naging epekto ni Melody saakin?

Napatingin ako sa paligid, parehong tulog sina Mekhi habang si Kloz ay nakasandal sa balikat niya, eh? parang baliktad.


Hindi pa rin nakakabalik sina Klaz at Ren, saan ba sila bumili ng kape? sa China ba? tsk!

Pero biglang bumukas ang pintuan, at agad na iniluwa nito ang dalawang mokong -_-


Umupo silang dalawa sa sofa na kaharap nina Mekhi at Kloz.


"Gusto mo?" tanong ni Ren saakin sabay abot ng isang cup ng kape.


Tumayo ako at lumapit sa kinalalagyan nila at tinanggap ang kape.

"Sa tingin niyo magtatagal paba si Melody?" mahinang tanong ko sabay higop ng kape at naglakad patungo sa may bintana, tumingala ako at taimtim na pinagmasdan ang mga tala.



"May awa ang Diyos Chord" sagot naman ni Ren.

Oo may awa ang Diyos.


*KINABUKASAN*

"Good morning Chord"

Napamulat ako dahik sa narinig ko at agad na nakita ko si Melody na nakangiting nakatingin saakin.

"Good morning" sagot ko naman tsaka bahagyang ngumiti.


Napatingin siya sa bintana kaya tumingin din ako, nagsisimula nang sumikat ang araw.


"Panibagong araw" mahinang sabi ni Melody, napansin kong wala sina Mekhi at Kloz sa silid tanging sina Klaz at Ren lang ang nandito pero tulog pa rin.

Saan naman kaya nagpunta ang dalawang iyon?


"Chord" sambit ni Melody sa pangalan ko Hindi ko siya nilingon.



"Bakit?" tanong ko pero nakatitig pa rin ako sa araw na danhang sumisibol.



"Kapag... wala na ako maging masaya ka ha?" kasabay ng kaniyang pagsasalita ay ang paghikbi, hindi ko pa rin siya nilingon, Hindi ko Kaya na makita siyang umiiyak.




"Hindi ko alam kung papaano ko masusuklian ang pagmamahal na binibigay mo saakin at sa pagkakaalam ko.... h-hindi na ako tatagal pa" ramdam ko ang pag agos ng luha sa mga mata ko.



"Mahal kita Melody, mahal kita at Hindi ako naghihintay na kahit na anong kapalit, kaya pwede ba na pagbigyan mo ang nag iisa kong hiling saiyo?"



"Ano naman yon?" tanong niya, nilingon ko siya sabay pahid sa mga luha ko at ngumiti.



"Lumaban at mabuhay ka" sabi ko at dahan-dahang pinahid ang mga luha sa kaniyang mukha.



Nakatitig lang siya saakin at sa hindi ko inaasahan sumilay sa kaniyang mga labi ang isang ngiti "Susubukan ko"


Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramadaman.


Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito sina Mekhi at Kloz na tila ba nakakita ng multo, pareho silang nakatingin saamin.


"S-si..." -Kloz



"A-august..." -Mekhi



"Yeah that's me" kasabay nito ang pagpasok ni August sa silid.


Anong ginagawa niya dito?!


Agad akong napatayo.

Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'to!




"Mabuti nalang at nakadalaw ka ulit, Ate" sabi ni Melody.



Author's Note:

2 parts left!😌

When I'm Gone (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon