Chapter 23

295 7 0
                                    

Chord's POV

Hindi ko alam kung tama ba yong mga salitang narinig ko galing Kay Melody.



"Ano tutunganga ka lang diyan?" natatawa niyang tanong.



"Er--- kumusta?" awkward kong tanong tsaka sinarado ang pinto at umupo sa upuang malapit Kay Melody, maaliwalas ang silid na kaniyang ginalalagyan kaya medyu kumalma na ako? or I should say kumalma na ang PUSO ko?






"Eto, lumalaban pa rin pero Hindi ko alam kung hanggang kailan ako lalaban" nakangiti niyang tanong, pero ang mga ngiti niya parang Hindi umabot sa mga mata niya. Halatang pilit.





"Huwag kang tumawa kung Hindi ka naman talaga masaya" sabi ko habang nakatitig sa kaniyang magagandang mga mata.





Agad na naglaho ang pilit niyang ngiti at kasabay nito ang pagtingin niya sa may bintana na walang kahit na anong kurtina.




"Alam mo ba kung bakit walang kurtina ang binta dito sa silid na kinalalagyan ko?" bigla niyang tanong, sandali akong napaisip, bakit nga ba?











"Hindi ko alam" prenteng sagot ko.



"Hiniling ko sa mga nurse na Hindi ito palagyan" sabi niya.



"Bakit naman?" taka Kong tanong.



"Gusto kong masilayan ang pagsikat at paglubog ng araw, gusto Kong masilayan ang paglabas ng buwan at ng mga bituin kapag gabi, gustong masilayan ang mga patak ng ulan  dahil alam ko sa sarili ko na darating ang panahon na Hindi ko na ito masisilayan pa" pagkatapos niyang magsalita ay agad na nagsilabas ang mga luhang pilit niyang itinatago.








Hinawakan ko ang mga kamay niya dahilan para lingunin niya ako, "Hindi naman siguro tama na mag isip ka ng ganiyan 'Mahal ko' " seryoso Kong sabi sa kaniya pero tinawanan niya ako, seriously? I'm not joking!







"Sineryoso mo naman yung sinabi ko sayo kanina pagdating mo ah" sabay punas sa kaniyang mukha.








"Bakit joke lang ba yon?" tanong ko sabay bitiw sa kaniyang mga kamay, uto-uto ba talaga ako para paniwalaan yon?




"Ganun kasi yung mga napapanood ko sa mga teleserye yung sasalobungin ng pasyente yung lalaking mahal niya ng mga ganoong salita" sagot niya sabay tingin na naman sa may bintana, palubog na ang araw.




Natahimik ako, at tiningnan ang paglubog ng araw Hindi ko maintindihan kong bakit lumabas ang mga katagang ito sa labi ko.



"Melody, nasabi ko na ba sayo na...." napalunok ako, napatingin ulit Si Melody saakin.





"Na ano?" taka nitong tanong.






"Na MAHAL KITA" nakatitig lang ako sa mga mata niya, first time Kong umamin sa isang babae nakakakaba!




"Hindi, Hindi na rin kasi kailangan" simple niyang sagot, ganun na yon?





Halata?



"A-anong halata?" naguguluhan kong tanong, pero biglang bumukas ang pinto bago pa man makasagot Si Melody, iniluwa ng pintuan sina Mekhi, Kloz, Klaz at Ren na may mga malalaking ngiti halatang nakinig sila sa mga pinag usapan namin ni Melody.






"Kayo pala" nakangiting sambit ni Melody sa kanila, Hindi tulad ng mga ngiti niya kaniya mas genuine ang ngiti niya ngayon.





"Nadisturbo ba namin ang pag-uusap NIYO?" tanong ni Klaz sabay ngisi, tinapunan ko siya ng masamang tingin bago ako nagsalita.





"Hindi naman" sarkastiko kong sabi, pero tinawanan lang nila ako.




Pansin ko ang mga paper bags na dala ni Ren.



"Kain muna tayo? mamaya niyo na ipagpatuloy yang karupukan niyo" seryosong sabi ni Ren, pero nagtawanan yong iba.






"Karupukan talaga Ren? ang lalim makatagalog ha" sabi ni Klaz, sabay kuha ng mga upuan ang inilagay ito malapit sa kama ni Melody.





NAGDASAL muna kami bago nagsimulang kumain, daldal ng daldal sina Kloz at Mekhi kay Melody habang kumakain kami, pagkatapos naming kumain ay biglang bumukas ang pintuan kasabay nito ang pagpasok ng Doktor




Gilmar Sarno, basa ko sa nameplate niya.






"Good evening,oras na ng pag check kay Melody so pwede niyo po bang iwanan muna ang pasyente?" sabi nito.






Hindi ba pwedeng matulog si Melody?

Bakit kailangan palabasin kami?






"Tara na Chord" aya ni Ren saakin, Kaya sinundan ko sila.









Nang nakalabas kami ay agad na nagsalita si Mekhi, "Gabi talaga ginagawa ang pag check kay Mel-mel kaya huwag ka nang magtaka Chord"







"Bakit kailangan gabi? Hindi makakapagpahinga si Melody" tutol ko naman.







"Si Mel-mel mismo ang nagdesisyon Chord, kaya pwede muna tayong umupo dito at hintayin na matapos ang pag check sa kaniya, gusto niya na siya lang ang makakaalam sa kaniyang kondisyon, yan din ang ugali niya na siyang ayaw ko" sabi ni Mekhi at umupo sa may upuan.






Melody, bakit dapat ikaw lang ang makaalam?

When I'm Gone (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon