Chapter 18

282 6 1
                                    

Ren's POV


" Hoy Chord! kanina ka pa naka tunganga diyan! ano bang nangyari?" tanong ni Klaz, mukhang alam na namin kung bakit siya  nagkaka ganyan.




"Bakit..." kanina yan lang talaga yung sinasabi niya, bigla siyang tumawag saamin nang maghating gabi, Si Kloz nga natutulog na dito sa kwarto ni Chord, pinapunta niya kami dito.




"Chord, umayos ka nga" kalmado Kong sabi, tinignan ko siyang mabuti, tulala at tila ba gustong umiyak.


Huminga ako ng malalim, "Chord, OK lang na umiyak nandito kami para makinig at damayan ka" napitla Si Klaz sa sinabi ko, bigla siyang napatingin Kay Chord.





"Ewan ko kung bakit kailangan maging ganito...Nagmahal lang naman ako bakit kailangang ganito ang maramdaman ko, pagkatapos ng mga kilig, ay sakit? napaka unfair talaga ng mundo..." pagkatapos sabihin ni Chord ang mga katagang iyon ay kumawala ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.




Tumingin ako Kay Klaz, napayuko siya alam ko kung bakit, dahil sa guilt siguro nga kailangan na naming sabihan Si Chord sa mga nalalaman namin tungkol sa kalagayan ni Melody kahit na kabilinbilinan ni Mekhi na Hindi sabihin.




"Chord...may kailangan Kay malaman..." sabi ko tsaka napayuko at nagsimula nang magkwento.



FLASBACK

*Nung nagsusuka Si Mekhi*



"Grabe ang dami mo namang kinain! ang dami mong sinuka errr" paglilikramo ko,


"Dahil sayo 'to eh! nasayang tuloy yung mga kinain ko! hmp!" sagot niya naman kahit na hirap siya dahil sa Walang tigil na pagsuka.




"At ako pa talaga sinisisi mo? Si Chord yung nagsabi na bilisan ko daw Kaya no choice" pangangatwiran ko naman.





"Hayyyssst sana maging ok talaga Si Melody, nako! baka lumalala yung sakit niya, ang tanga ko talaga!" pagsasalita niya habang pinupukpok yung ulo niya, WAIT WHAT?!



"MAY SAKIT SI MELODY?!" hindi makapaniwala kong tanong. Biglang nanlaki ang mga mata ni Mekhi nang mapagtanto yung tanong ko.

"Ehhh--"




"SINONG MAY SAKIT?! SI MELODY?!" sabay na sigaw ni Kloz at Klaz na kadadarating lang.





When I'm Gone (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon