Irene's POV
"What! naiwan mo babalik na naman tayo medyo malayo layo na nga tayo nang kaunti"sabi niya naman sa akin.
"Patawad po"sabi ko naman sa kanya.
"Pwede po ba balikan natin?"tanong ko naman sa kanya.
"Ok"sabi niya na halatang napilitan pero hindi ko naman siya pinilit eh.
"Ano po pala pangalan niyo?"tanong ko naman sa kanya.
"Ay oo nga pala hindi ko pa napapakilala ang sarili ko i am Jett Frozter 24 years old"sabi niya kaya nagulat ako 24 years old akala ko nasa 30mids na siya.
"Ikaw ano pangalan mo?"tanong niya naman sa akin.
"Im Irene Orteza"pakilala ko naman sa kanya.
Kaya hindi ko namalayan na dumating na pala kami sa bahay at dali dali akong tumakbo sa loob nang bahay para kunin ang mga requirements at gamit lang rin pala ang nadala ko kanina.
"Oh anak bat ka bumalik?"tanong naman ni mama.
"Eh kasi po naiwan ko ang mga requirements na kailangan"sabi ko naman habang nagmamadali.
"Ma alis na po ako!"sabi ko habang palabas na nang bahay.
"O sige anak bye"paalam naman ni mama sa akin.
"Sige po ma bye".
Kaya sumakay na ako sa sasakyan tsaka umandar na ang sasakyan.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sasakyan.
.........
"Irene gising gising na"sabi ni jett at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kanina.
"Bakit?"tanong ko naman pero hindi ko pa inimulat ang mga mata ko.
"Andito na tayo'sabi niya kaya binuksan ko kaagad ang mga mata ko dahil sa narinig ko.
Pagbukas nang mga mata ko bumungad sa akin ang isang malaking gate at may mga lalaki sa may gate.Kaya bumaba na ako sa sasakyan.
May nakita akong mga estudyante.
"All transferee come with us"sabi nung yellow ang buhok.
Kaya nagulat ako na wala na pala si jett sa tabi ko kaya sumunod na lang rin ako sa lalaki na nagsabi sa amin kanina.
At tska marami rin ang transferee na magaaral dito curious lang ako na baka na expell rin to silang lahat.
Pumunta ang lalaki sa loob at may gate na naman pero hindi siya masyadong malaki hindi katulad nong isa sobrang laki talaga.
May isang butas sa may gilid nang gate.
May ipinasok na card ang lalaki at bumukas ito.
Tsaka pumunta siya sa isang room at may nakita akong mga estudyante na nagpapapicture pero iba ang ginagamit nilang camera kundi isang salamin.
Nagpapicture na ang ibang transferee na student.
"Ms.Orteza be ready dahil ikaw na ang susunod"sabi nong lalaki.
Kaya nagready na ako sa sarili ko dahil ako na ang susunod.
"Ms.Orteza"sabi nung lalaki kaya umupo ako sa may upuan.
"Smile"sabi nung lalaki kaya nag smile na lang rin ako.
Pero nakakahiya dahil ang rami namang tao dito.