CHAPTER 5
Naroon na ang mag-ina sa Ospital nang mga oras na iyon. Kinuhaan ng dugo si Krisha, upang matingnan kung may karamdaman sya. Pinaihi din sya upang malaman kung may infection sya sa ihi. Hinala kasi ng Doctor, baka may UTI ito kaya laging nagsusuka.
Makalipas ang isang oras ay nakuha na nila sa Laboratory ang mga resulta ng check-up. Ibabalik na lamang nila iyon sa Doctor na tumingin sa dalaga upang mabasa iyon at nang malaman na nila kung ano ang nangyari kay Krisha.
Inabot ni Krisha sa Doctor ang resulta ng kanyang dugo at ihi at umupo ang dalawa sa upuan na katapat ng upuan nito. Tiningnan ng Doctor ang resulta niyon at maya-maya lamang ay ngumiti na tumingin sa kanila.
“ ayon sa mga results ng kanyang test, wala naman po kayong dapat na ipag-alala Nay, wala naman po’ng sakit ang anak ninyo”
‘ sabi ko sayo Ma eh!” sambit ni Krisha sabay pitik pa ng kanyang kamay.
“ congratulations iha”
“ congratulations po? Sakin? Bakit po?”
“ you are two months pregnant!”
“ Po?!”
“ paano po nangyari iyon?”
“ hindi po maaari!”
Pinaliwanag ng Doctor ang mga dapat gawin ni Krisha upang mapangalagaan ang sanggol sa sinapupunan ng dalaga samantalang si Anita ay tulala sa kinauupuan nito na hindi man lang naiintindihan ang sinasbi ng Doctor.
BINABASA MO ANG
A CoLLectiOn of HOrrOr StOrieS (kyrayle23)
HorrorThis is a collection of different horror stories. Para sa mga taong mahilig magbasa ng kwentong katatakutan...this is your moment upang lasapin ang mga kakaibang kwento dito sa.... "A COLLECTION OF HORROR STORIES" ANG MGA KWENTO, T...