CHAPTER 11
Sunud-sunod na gabi sya’ng walang tulog kaya nanalangin sya n asana ay makatulog sya ngayong gabi. Nagpasya na sya’ng bumalik sa kanyang silid. Nahihiya na kasi sya sa kanyang ina dahil ilang gabi na sya’ng nakikitulog sa silid nito. Tama nga naman ito, malaki na sya at dapat ay hindi na sya natatakot sa mga bagay na guni-guni lamang. Iyon ang sabi nito sa kanya. Ngunit alam nya na hindi lang basta-basta guni-guni ang mga nangyayari dahil kitang-kita ito ng kanyang dalawang mata.
Inayos nya ang kanyang higaan, hinimas-himas ang kumot. “ patulugin nyo sana ako ngayong gabi” ang nasa isip nya.
Nang maramdaman ang antok ay humiga na sya.
Lumipas ang ilang oras mula nang sya ay humiga ay pinalad naman sya’ng makatulog ng mahimbing. Naalimpungatan lamang sya noong naririnig nya ang ingay ng kutsara na bumabangga sa isang tasa. Hindi pa man nya idinilat ang kanyang mga mata, alam nya na Alas Tres na iyon ng madaling araw at gising na ang kanyang Lolo. Maaga kasi’ng nagigising ang matandang lalake dahil naghahanda pa ito upang pumunta sa kanilang sakahan. Bukas na ang malaking ilaw sa labas ng kanyang kwarto.
Unti-unti nya’ng idinilat ang kanyang mga mata. Bigla ito’ng nanlaki ng may masagip ang kanyang paningin mula sa ibabaw na bahagi ng bintana sa kanyang silid. Sa ibabaw kasi ng kanyang bintana ay awing dahil hindi pa ito nalalagyan ng screen. Bagong gawa na kasi ang kanilang bahay at hindi pa ito natatapos kaya may butas na kaunti sa ibabaw ng bintana sa kanyang silid.
May isang napakalaking pusa na kasinglaki ng tao ang nakasilip roon na biglang tumalon ng magising sya. Hinintay pa nya ito’ng bumagsak sa lupa nang tumalon ito ngunit hindi na nya narinig ang pagbagsak nito dahil sinakloban na sya ng takot kaya sya ay napasigaw.
Dali-dali naman’g pumasok sa kanyang silid ang kanyang Lolo kasunod ang kanyang Lola at kanyang ina.
“ bakit?” si Anita
“ meron po kasi’ng malaking pusa dyan Lola, nakasilip po sya sa akin habang natutulog ako! kasinglaki po sya ng tao”
“ anu? At kelan naman nagkaroon ng napakalaking pusa dito sa atin?”
“ hindi ko po alam, pero nakita ko po talaga sya! Ma! Maniwala ka po” aniya habang nakatingin sa ina na parang hindi naman naniniwala sa kanya.
“ wala iyon anak, bumalik ka na sa pagtulog! Guni-guni mo na naman iyan!”
“ pero Ma?!”
“ masyado pa’ng maaga! Matulog ka nalang ulit! Halika na Ma!” yaya nito kay Anita at iniwan sya’ng mag-isa sa loob. Sumunod na rin sa mga ito ang kanyang Lolo na hindi man lang naniwala sa kanya. Halos lahat ng kanyang sasabihin sa mga ito, puro nalang guni-guni ang sagot nito sa kanya at isa pa doon, pinapagalitan lamang sya.
Naiwang tulala si Shanaiah. Muling nilingon ang bintana ngunit hindi na nagbalik roon ang malaking pusa na kulay gray ang balahibo at may mahahabang mga kuko na nakamasid sa kanyang pagtulog magmula pa noong sya kakatulog pa lamang hanggang sa sya ay maalimpungatan.
SA KABILANG SILID ay hindi na dinalaw ng antok si Krisha. Alam nya na hindi na normal ang nangyayari sa kanyang anak ngunit wala sya’ng lakas na loob na sabihin dito ang katotohanan tungkol sa pagkatao nito.
Alam nya kung bakit nangyayari rito ang mga bagay na iyon. Nasa tamang gulang na kasi ang kanyang anak kaya nagpaparamdam at nagpapakita na rito ang mga alagad ng Ama nito upang ito ay isama sa kanilang mundo at hirangin na tagapagmana ng trono.
Matagal na nya’ng pinaghahandaan na mangyari ang ganitong sitwasyon ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nya ito matanggap. Na isang araw, ay iiwan sila nito at sasama sa kanyang Ama at yakapin ang tunay nito’ng pagkatao.
BINABASA MO ANG
A CoLLectiOn of HOrrOr StOrieS (kyrayle23)
HorrorThis is a collection of different horror stories. Para sa mga taong mahilig magbasa ng kwentong katatakutan...this is your moment upang lasapin ang mga kakaibang kwento dito sa.... "A COLLECTION OF HORROR STORIES" ANG MGA KWENTO, T...