CHAPTER 12

1K 17 0
                                    

CHAPTER 12

             Tahimik na nakaupo si Shanaiah sa upuan na gawa sa semento sa labas ng silid-aralan. Hinahayaan nya na hampasin ng malamig na simoy ng hangin ang kanyang buhok. Hapon na ngayon kaya uwian na nila ngunit imbes na umuwi na, tumambay muna sya roon. Wala pa sya’ng balak na umuwi ng bahay. Natatakot kasi sya oras na sumapit na naman ang gabi at kung anu-ano na naman ang kanyang makikita o mapapanaginipan. Alam nya na hindi lamang basta panaginip ang mga nangyayari. Sabi nga ng iba, may mga panaginip na sanhi lamang ng subconscious ng isang tao dahil may mga bagay sa totoong buhay habang sya ay gising na lagi nya’ng iniisip kaya napapanaginipan nya ito sa kanyang pagtulog. Ngunit may mga panaginip na may malalim na pinaghuhugutan o may mga ibig sabihin.

             Katulad na lamang sa sinabi ng kanyang Lolo, na kapag kinagat ka ng ahas sa iyong panaginip ay mananalo ka sa sugal sa totoong buhay. At kapag nananaginip ka ng numero sa iyong panaginip at iyo ito’ng tinayaan ay malaki ang posibilidad na ika’y manalo. Kapag hinabol ka naman ng ahas sa iyong panaginip na kahit anong takbo mo ay pilit ka pa din nya’ng hinabol kahit pa umakyat ka sa puno, may posibilidad na ika’y magtungo sa ibang bansa upang magtrabaho.

            Ilan lamang iyon sa mga panaginip na kanyang nalalaman na may mga kahulugan. Ngunit anu kaya ang kahulugan ng kanyang mga panaginip? At mga bagay na kanyang nakikita? Naguguluhan sya roon. May kaugnayan kaya ito sa kanyang pagkatao? At saan nanggagaling ang kanyang mga pambihirang kakayahan?

               Mula ng sya ay nagkaisip, may mga bagay na kahit sya sa kanyang sarili ay nagtatanong at nagtataka kung paanu nya nagagawa ang isang pambihirang bagay, maging mga pangyayari na kanyang ninais na makuha ay kanya ito’ng nakukuha ng walang kahirap-hirap na para ba’ng may tumutulong sa kanya na mapagtagumpayan ang mga ninanais na iyon.

             Katulad na lamang noong sya ay Walong taong gulang pa lamang,

            Naglalakad sya pauwi sa kanilang bahay galing sa paaralan, nang madaanan nya ang puno ng kaimito ay hindi nya naiwasang hindi tumingala at tingnan ang bunga nito. Kayrami ng bunga ng prutas na iyon na pagmamay-ari ng kanilang kapitbahay. Sa sobrang dami ng hinog nito’ng bunga ay may nag-iisa bunga roon ang kanyang nagustuhan. Kakaiba kasi ito sa lahat. Malaki ito at hinog na hinog, ni halos hindi mo na makikita na may kulay berde pa sa balat nito, at napakakintab na para ba’ng kaysarap kainin. Naglalaway pa nga sya habang tinititigan ito nang kanyang akyatin ang puno. Ngunit paanu nya ito makukuha kung naroon ito sa pinakamataas na bahagi ng puno at napakaliliit na sanga lamang ang pwede nya’ng apakan upang ito’y kanyang mapitas? Paalala ng kanyang Lola, wag na wag sya’ng aapak sa maliliit na sanga ng kaimito dahil mabilis lamang mabali ang mga sanga nito na hindi tulad ng sanga ng ibang puno.Ngunit dahil sa pagnanais na makuha ito kahit pa sya ay mahirapan, hindi nya ito tinigilan. Dahan-dahan syang tumulay at umapak sa sanga ng kaimito mula sa malaking sanga hanggang sa paliit na iyon ng paliit. Namalayan na lamang nya na malapit na nya’ng mahawakan at mapitas ang kaimito na iyon kahit kasing laki na lamang sa kanyang daliri sa kamay ang laki ng sanga nito. Nang mahawakan ay dali-dali ito’ng pinitas at nagmamadaling bumalik at yumakap sa puno ng kaimito saka nya nasaksihan na biglang nabali ang sanga na kanyang inapakan nang sya ay makaalis roon.

A CoLLectiOn of HOrrOr StOrieS (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon