CHAPTER 6

1K 18 0
                                    

CHAPTER 6

                  Sa araw na ito ang ika-pito’ng buwan ng pagbubuntis ni Krisha. Sa araw-araw na dumadaan ay hindi lingid sa kaalaman ng lahat na hindi normal ang bata na dinadala nya sa kanyang sinapupunan.

                Karaniwan na pagbubuntis ng isang babae, ay ramdam na nya ang paggalaw ng sanggol sa sinapupunan sa ikalimang buwan pa lamang ng kanyang pagbubuntis. Ung iba nga, ay bago mag-limang buwan ay tila umaalon na ang kanilang tiyan sanhi ng paggalaw ng bata sa loob ng tiyan.

             Iba ang kaso ni Krisha, Pitong buwan na kasi ang kanyang dinadala ay hindi pa nya ito nararamdaman na gumalaw o bumubukol man lang. Alam din iyon ng kanyang ina kaya nag-alala ito sa kalagayan ng apo sa kanyang sinapupunan.

               Sa araw na iyon ay nagpasya ang kanyang ina na dalhin sya sa clinic upang magpa-ultrasound. Upang malaman na rin na maayos ang kalagayan ng bata.

               Nang makaalis si Felipe papunta sa bukid ay umalis na rin ang mag-ina.

              Sa mga oras na ito ay naroon na sila sa Clinic at inaantay na lamang na matawag ang kanilang pangalan. Mga ilang buntis pa ang nauna sa kanila kaya maghihintay sila. Hindi naman nainip si Krisha. Kahit na mainit ang kanyang dugo sa bata sa kanyang tiyan ay nai-excite din naman sya na malaman ang kalagayan nito kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ito gumagalaw.

              Makalipas ang hindi naman kahabaang paghihintay ay naroon na si Krisha sa loob ng pagsasagawaan ng ultrasound. Nakahiga sya sa isang single bed na higaan at may nakatakip na kumot sa kanyang pang-ibabang bahagi ng katawan.

          Kasama nya roon ang kanyang ina, may pinahid muna sa kanyang tiyan na isang napakalamig na parang gel bago inilapat roon ang isang aparatu na titingin sa kanyang sanggol.

A CoLLectiOn of HOrrOr StOrieS (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon