CHAPTER 15
DATI’NG GAWI… naroon na naman si Shanaiah sa tuktok ng puno ng guyabano na nasa tabing ilog. Malapit lamang iyon sa kanilang bahay. Iyon ang tambayan nya kapag may problema sya kahit noong bata pa sya. kapag naririto sya ay gumagaan ang kanyang pakiramdam habang inaamoy ang sariwang hangin sa tuktok niyon. Malaking puno iyon na sa gitnang bahagi, ay parang sinadyang may lubak na pabilog dahil sa pag-uumpugan ng apat na sanga kaya nagmukhang upuan iyon.
Nagmuni-muni sya roon habang tumutulo ang luha mula sa kanyang mga mata at nakatanaw sa malayo. “ isang demonyo ang aking Ama?” “ ibig sabihin may dugo ako’ng demonyo?” paulit-ulit sa kanyang utak.
Isinandal nya ang ulo sa sanga ng puno, anyong pahiga ang kanyang ginawa kaya nakikita nya mula sa kinaroroonan ang mga ulap sa kalangitan at mga ibon na nagliliparan roon. Napakatahimik sa kanilang lugar dahil probinsya iyon, at sa paikot ng kanilang bahay ay puro palayan ang makikita, maliit na ilog na minsan ay pinagkukunan nila ng isda, at mga ibat’-ibang puno ng prutas na itinanim ng kanyang Lolo. Kaya sa dami ng nakatakip na puno, ay hindi sya makikita ng kanyang ina na naroon lamang sya. Hahayaan na muna nya na mag-alala ito. Doon muna sya sa ibabaw niyon at magpalipas ng oras.
Alas Dos na ng hapon ngayon kaya medyo hindi na din mainit lalo pa ang yayabong ng dahon ng guyabano. Hindi sya nasisinagan ng sikat ng araw. At sa ihip ng malakas na hangin na tila sya ay dinuduyan, ay nakaidlip sya.
MAHIMBING SYA’NG NAKATULOG sa ibabaw ng puno ng guyabano habang patuloy na dinuduyan ng puno dahil na rin sa hampas ng may kalakasan na hangin na hangin na sakto lamang upang gumalaw ang ilang parte na katawan ng guyabano. Sa kanyang pagtulog ay nangyayari ang hindi inaasahan na paghahanarap.
“ kamusta ka na Shanaiah?” bati ng isang napakagwapong lalake na sa tingin nya ay kaedaran lamang ng kanyang ina.
“ sino po kayo?” nakakunot ang noo na tanong nya rito.
“ ako ang iyong Ama, at matagal na kita’ng hinihintay dito sa aking kaharian” anito at ngumiti sa kanya.
Naguluhan sya sa mga sandali’ng iyon. Ang sabi sa kanya ng kanyang Ina, anak sya ng isang demonyo. Isang INCUBUS. Hindi nya akalain na hindi naman katakot-takot ang pagmumukha nito. Hindi ito mukhang demonyo, kabaliktaran ang nakikita nya’ng pagmumukha nito sa mukha na iginuhit nya sa kanyang isipan.
BINABASA MO ANG
A CoLLectiOn of HOrrOr StOrieS (kyrayle23)
HorrorThis is a collection of different horror stories. Para sa mga taong mahilig magbasa ng kwentong katatakutan...this is your moment upang lasapin ang mga kakaibang kwento dito sa.... "A COLLECTION OF HORROR STORIES" ANG MGA KWENTO, T...