CHAPTER 17

922 19 0
  • Dedicated kay Box Stag
                                    

CHAPTER 17

              “ pwede mo ba ako’ng tulungan na makabalik sa amin?” tanong ni Shanaiah kay Erasis nang hapon na iyon. Namuhay sila’ng dalawa sa gitna ng kabundukan. Doon sila napadpad sa layo ng kanilang nilakbay. “ di ba may kapangyarihan ka? Hindi ba pwede na gamitin mo nalang yun para hindi na tayo mahirapan sa paglalakad? Pagod na pagod na kasi ako! ilang araw na tayo’ng naglalakad, kunting pahinga, natutulog sa kung saan-saan ngunit hindi ko alam kung saan talaga tayo pupunta, nais ko nang bumalik kina Lola” reklamo nya rito.

             “  matagal na ako’ng hindi nakarating sa pinanggalingan mo, hindi ko na alam ang pabalik roon, ikaw baa lam mo?”

            “ nagjo-joke ka ba? Hindi ko nga alam kung paano ako napadpad sa lugar mo, kaya paanu ko malalaman ang pabalik sa amin?”

             “ wala’ng nakakaalam sa atin kung saan ang pabalik sa inyo, kaya maglakad ka nalang hanggang sa mahanap natin ang daan pabalik”

            “ ei baka naman makarating na tayo ng ibang bansa neto sa kakalakad?” aniya. Ngunit nang lingunin sya ni Erasis at tinitigan ng masama dahil sa ingay ng kanyang bibig, ay bigla sya’ng nanahimik at sumunod na lamang dito.

            Sa kanilang paglalakbay sa kagubatan ay nagkakagulo ang mga hayop sa paligid. Ang mga unggoy na kanina ay tahimik lamang sa ibabaw ng mga puno ay biglang nagtitilian, ang mga usa ay nagsipagtakbuhan, ang mga baboy ramo ay ganoon din ang ginawa. Lahat yata ng hayop na nakakita sa kanila ay umiiwas at nagsipag-tago.

             “ anung nangyayari?” tanong ni Erasis sa kanyang kapatid.

            “ malamang natakot sila sayo, mabangis ka na hayop sa tingin nila at kaya mo sila’ng lunukin ng ilang Segundo lamang kapag nahuli mo sila”

            “ ganoon ba, ngunit hindi ako cheap para tikman sila, iba ang pagkain na ikinabubuhay ko, mga kaluluwa ng mga masasamang nilalang sa lupa, hindi ako ordinaryong ahas gaya ng iniisip ng mga iyan” pagtataray nito habang kinakausap ang kapatid. “ anu bang lasa ng mga iyan?”

A CoLLectiOn of HOrrOr StOrieS (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon