CHAPTER 3
Matapos ang pagsusuri kay Krisha ay pinahintulutan na sila na maiuwi ito sa kanilang bahay nang wala ng makitang ibang karamdaman ang babae bukod sa mataas na lagnat na naghilom na din ng mga oras na iyon.
Matapos bayaran ang kanilang bill ay umuwi na sila.
Inalagaan ni Anita ang anak nang makarating sila ng bahay. Medyo malakas nang kumain ngayon ang dalaga,hindi katulad kahapon na lupaypay pa ito.
Makalipas ang ilang araw ay tuluyan na nga itong gumaling at binabalak na ni Krisha na pumasok sa eskwelahan kinabukasan.
“ sigurado ka ba anak na kaya mo ng pumasok?”
“ opo Ma, wala na din naman akong sakit, mahuhuli ako sa mga aralin namin sa eskwelahan kapag natagalan pa bago ako pumasok”
“sige ikaw ang bahala anak”
Pumasok nga sa araw na iyon si Krisha. Sinundo pa sya sa kanilang bahay ng pinsan na si Ayesha. Magkasabay ang dalawa na pumasok sa eskwelahan. Nagkahiwalay lamang sila noong papasok na sila sa kani-kanilang silid-aralan. Hindi kasi magkaklase ang dalawa dahil second section si Ayesha samantalang nasa first section naman si Krisha, na isa sa pinakamatalinong mag-aaral ng kanilang eskwelahan.
Matapos ang maghapon na klase, gaya ng kinagawian ay magkasabay silang muli na pauwi ng bahay.
Sinalubong ni Anita ang anak ng makitang parating ito. Nakangiti sa papalapit na dalaga.
BINABASA MO ANG
A CoLLectiOn of HOrrOr StOrieS (kyrayle23)
TerrorThis is a collection of different horror stories. Para sa mga taong mahilig magbasa ng kwentong katatakutan...this is your moment upang lasapin ang mga kakaibang kwento dito sa.... "A COLLECTION OF HORROR STORIES" ANG MGA KWENTO, T...