CHAPTER 18
ILANG TAON NA ANG LUMIPAS, ngunit hindi pa rin nakakalimutan ni Krisha ang anak. Halos malinaw pa rin sa kanyang ala-ala ang mga nangyayari. Kamusta na kaya ito? Maayos lang ba kaya ang kalagayan nito? Masaya naman ba ito kapiling ang bagong pamilya? Naaalala pa kaya sya ng kanyang anak?
Sa loob ng Sampu’ng taon magmula ng mawalay ito sa kanya ay naging malungkot na ang kanyang buhay. Wala nang nagpapangiti sa kanyang paggising sa umaga, at nangungulit sa kanya. Sampung taon na pala ang nakakalipas na hindi na nya namalayan.
Ang kanyang mga magulang naman ay sobrang tanda na. Inilaan na lamang nya ang kanyang buhay upang pagsilbihan ang mga ito. Marami ang mga nagkakagusto at nagtangka’ng manligaw sa kanya ngunit ni isa ay wala sya’ng sinasagot. Katwiran nya wala nang kahit sino ang makapagpapasaya sa kanya. Isa lamang ang alam nya na magbabalik ng kanyang mga ngiti, at iyon ay ang kanyang pinakamamahal na anak.
SAMANTALANG SI DANIELLE naman ay nanatiling binata sa edad na Bente-otso. Wala sya’ng ibang makita na maaari nya’ng ipalit kay Shanaiah. Ang babae pa rin ang hinahanap ng kanyang puso. Araw-araw nya’ng hiniling n asana ay magbalik na ito ngunit Sampung taon na lamang ang nakalipas, walang Shanaiah na nagbabalik.
Nasa isang lugar sya ngayon kung saan madalas silang tumambay noon ni Shanaiah. Sa tuktok na bahagi ng plaza. Overlooking iyon na ang tawag ng karamihan ay MOUNT FAVER , may baon sya’ng beer sa kanyang kotse kaya kinuha nya iyon at umupo sa damuhan.
Sobrang namiss na nya ang babaeng minahal ng matagal na panahon. “ ang hirap pala ng ganetong pakiramdam? Nawala sayo ang isang tao ngunit hindi mo naman sya pwedeng pagtirikan ng kandila kapag namimiss mo sya dahil parang wala naman ako’ng maalala na binurol sya!? bigla lamang sya’ng naglaho sa paningin ko! Naging usok! Ganoon lang!” tumatakbo sa kanyang utak habang galit na itinapon pabagsak sa damuhan ang walang laman na bote ng beer.
“ bakit kayo nagwawala Mister?” isang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran na nakangiti sa kanya nang kanyang lingunin.
“ ikaw? Ikaw bay an? Ikaw ba yan ha?” aniya habang nakatitig sa babae na kahit medyo nagkaedad na, alam na alam nya na ito si Shanaiah. “ ikaw nga yan! Yahoooooooo!! Thanks God sya nga ito!! Nagbalik sya!! yeessss yessss!” sigaw nya at dali-daling pinuntahan si Shanaiah at binuhat at inikot-ikot sa ere.
“ hoy! Ibaba mo kaya ako, nakakahiya oh?”
“ ayoko! Hindi pwede hanggang sa hindi ka papayag na pakakasal sa akin!”
“ kasal agad? Hindi pa nga ako nakikita ni Mama? Masyado ka namang mabilis hindi pa naman tayo!”
“ basta! Umuo ka nalang, wag ka ng mag-isip! Alam ko naman na loves mo rin ako eh!”
“ sige na nga!”
“ yes!!” at hinalikan nito ng mariin ang dalaga sa kanyang labi.
AT IYON NA NGA ANG NANGYARI… ikinasal sila’ng dalawa at ngayon ay biniyayaan ng dalawang cute na mga supling. Dahil sa pagmamahal at matinding pag-asa kaya nakabalik si Shanaiah sa mga mahal nya sa buhay. Sa loob ng mahabang panahon ay hindi nagtagumpay ang kanyang Ama na gamitin sya laban sa kasamaan dahil hindi nya niyakap ang tunay nya’ng pagkatao. Kaya sa tuwing ginagawa nito ang ritwal ay laging hindi ito nagtatagumpay dahil na rin siguro sa tutol ang magkambal sa nais na mangyari ng kanilang Ama.
Sa ngayon ay maayos na ang buhay ni Erasis sa kanyang kaharian kasama ang kanyang Ama. Sa kanya na ito pinamana ni Incuva at sa huli sandali ng kanilang pagsasama bago sya nagbalik, naging mas maayos ang naging ugnayan nila’ng magkapatid at alam nya na ligtas ito sa kinaroroonan nito ngayon habang sya naman ay masayang-masaya kasama ang kanyang pamilya.
Si Incuva naman ay patuloy na dumadalaw sa panaginip ng mga kadalagahan maging sa babaeng may mga asawa na… na nakakaranas ng depression upang makipagsiping! Kaya ikaw? Mag-ingat ka baka ikaw na ang isusunod ni Incuva na punlaan ng kanyang binhi na katulad ni Krisha. Wag kang pumikit…. Dahil nandyan na sya!!! bwahahahahahahahahahahaha!!!
THE END!!!
Oi...votes naman kayo at comments? pinaghirapan ko kaya yan/ ayan oh? 3:31am na gising pa din ako para matapos to? huhuhu....hehehehe..hahahaha! nakakapraning din kaya konti? sakit ng utak ko noh? mga 100 votes at 300 comments lang happy na ako! hahaha....lam ko'ng kalabisan? joke ko lang naman!! pero kung like nu naman..e di go na!! SALAMAT? HOPE YOU ENJOY READING!!! MWWUUUUUAHHHHHH GUYS!
BINABASA MO ANG
A CoLLectiOn of HOrrOr StOrieS (kyrayle23)
HorrorThis is a collection of different horror stories. Para sa mga taong mahilig magbasa ng kwentong katatakutan...this is your moment upang lasapin ang mga kakaibang kwento dito sa.... "A COLLECTION OF HORROR STORIES" ANG MGA KWENTO, T...