CHAPTER 14

877 14 0
                                    

CHAPTER 14

  

          “ anak, kamusta ka na?” nag-aalalang tanong ni Krisha sa kakamulat lang na anak. “ anong nangyari sayo? Ano ba’ng ginawa mo at bigla ka na lamang umalis ng bahay ng walang paalam ha? Nag-aalala kami’ng lahat dito” sunud-sunod nya’ng tanong rito.

          “ pwede ba’ng pagpahingahin mo muna ang anak mo Krisha at mukhang namumutla pa!” saway ni Anita sa anak.

           Imbes na sagutin ni Shanaiah ang mga katanungan ng kanyang nag-aalalang ina, ay bigla na lamang sya’ng umiyak at yumakap dito. Nahabag naman si Krisha sa inasal ng kanyang anak kaya nanahimik na muna sya at niyakap ito pabalik. “ okey ka lang ba ha??”

           “ okey na po ako ngayon Ma, nandito na po kayo eh! Pero kanina po, takot na takot ako!” aniya habang patuloy na umiiyak at nakayakap pa rin sa kanyang Ina.

          “ nakita ka ni Mang Pedring sa may bukana, malapit sa sementeryo at walang malay! Humingi sya ng tulong at may nagpunta rito upang ipaalam ang nangyari sayo, buti na lamang natagpuan ka nya roon, saan ka ba nanggaling ha? Bakit naroon ka sa lugar na iyon?” pagtatanong ni Anita sa apo.

          “ hindi ko  po alam Lola, pagkakaalam ko  po, nandito lamang ako sa bahay kagabi at natutulog! Ngunit paggising ko, naroon na ako sa gitna ng sementeryo! Takot na takot po ako roon dahil ako lamang mag-isa!” aniya at ikinuwento sa mga ito ang naganap kagabi.

           “ Diyos ko, anong nangyayari sa iyo Apo!”

          “ iyon nga din po ang itatanong ko sa inyo eh, siguro oras na  po para malaman ko kung anu ang meron sa aking pagkatao” aniya at tumingin kay Krisha. “ Ma? Magtapat ka po? May dapat po ba ako’ng malaman ha? Magsabi na  po kayo sa akin dahil naguguluhan na  po ako sa mga nangyayari! Maawa naman po kayo Ma! Wag nyo po’ng iiwasan ang mga katanungan ko at pagagalitan na lamang sa tuwing may nais ako’ng malaman sa aking pagkatao”

         “ hindi na  po normal ang mga nangyayari sa akin, alam ko  po na meron kayo’ng tinatago sa akin Ma!”

         “ iyong mga nakikita ko, mga nangyayari na kakaiba, mga naririnig ko tuwing sumapit na ang gabi, at ang mga boses na tumatawag sa pangalan ko? Iyong bata na paulit-ulit ko’ng nakikita sa aking panaginip, may sinasabi sya sa akin! Na sumama na ako sa kanila dahil hindi ako nababagay dito? Na may ibang mundo na naghihintay para sa akin!”

A CoLLectiOn of HOrrOr StOrieS (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon