CHAPTER 16
NAROON NGAYON ang magkambal sa isang lugar na hindi pa napupunta ni Shanaiah. Wala nga sya’ng idea kung saan ito banda at kung anung lugar iyon. Ang alam lamang nya, para ito’ng desyerto na puno na maraming buhangin kaya napakainit, wala’ng kabahayan at walang tao sa paligid. Para ito’ng napakalawak na karagatan na natuyuan dahil sa sobrang init ng panahon. Buti na lamang at hindi naman mainit sa mga sandaling iyon, kaya hindi sya gaanung nag-aalala sa kanyang balat na baka magkapasa oras na maarawan sya. Makulimlim naman kasi ng mga sandaling iyon ngunit mahangin kaya panay ang iwas nya sa buhangin na nagliliparan at dumadapo sa kanyang mukha.
Alam nya na pagod ang kanyang kakambal, kaya nagpahinga ito sa lugar na kanilang tinambayan. Nakahiga ito sa buhangin at hinayaan lamang kung saan-saan napupunta ang ilang bahagi ng katawan. Panatag lamang ito dahil alam naman siguro nito na walang mga tao roon na makakakita rito. Nakapikit ito samantalang sya ay pinagmasdan lamang ang higanteng ahas na ayun sa kanyang Ama ay si Erasis.
Tinitigan nya ang mukha nito,palipat-lipat sa katawan ng ahas at pabalik sa mukha. Noon lamang ay takot na takot sya sa mga ahas na kanyang nakikita sa kanilang tahanan. Ngunit hindi nya pala dapat na katakutan ang mga iyon dahil binabantayan lamang sya ng mga ito ayun s utos ni Erasis. Hindi naman pala talaga nakakatakot ang mga nilalang na katulad ng kanyang kapatid. Habang tinititigan nya ito ay may kung anung bagay ang dumagan sa kanyang puso. Naaawa sya rito, nais man nya ito’ng makasama at nais man sila nito’ng makasama alam nya na hindi pwede. Pag nalaman ng mga tao na may ganeto kalaking nilalang na kanilang kasama sa kanilang tahanan na alam naman nya na hindi din magkakasya roon, papatayin at papatayin ito ng mga makakakita rito.
Ngunit alam din nya na hindi na pwede’ng bumalik pa si Erasis sa kanilang Ama, lalo pa ito ang dahilan upang makatakas sya at naudlot ang mga pangarap nito na magiging mas makapangyarihan at sakupin ang mundo.
Saan na ito pupunta ngayon? sino nalang ang makakasama nito? Gayung alam din nya na hindi sya mabubuhay sa lugar kung saan doon ito nabubuhay, magkaiba ang mundo nila ng kanyang kakambal. Ngunit sa malasakit na ginawa nito sa kanya, naluluha sya’ng isipin na iwanan at pabayaan na lamang ito.
Sa pagod ay tumabi si Shanaiah sa kapatid at humiga sa katawan nito na para’ng ginawa nya’ng unan sa lambot at lamig niyon ay naidlip din sya. Kahit papaanu ay makakabawi sya ng lakas sa kabila ng sya ay nagugutom at nauuhaw na. Tiniis na lamang nya na kumulo sa gutom ang kanyang tiyan at natulog.
Nang sya ay nagising, hindi na nya makayanan ang hapdi ng kanyang tiyan. Nahalata iyon ni Erasis.
BINABASA MO ANG
A CoLLectiOn of HOrrOr StOrieS (kyrayle23)
TerrorThis is a collection of different horror stories. Para sa mga taong mahilig magbasa ng kwentong katatakutan...this is your moment upang lasapin ang mga kakaibang kwento dito sa.... "A COLLECTION OF HORROR STORIES" ANG MGA KWENTO, T...