CHAPTER 7

1.3K 18 0
                                    

CHAPTER 7

DALAWANG BUWAN ANG LUMIPAS….

                    Ngayon na ang kabuwanan ni Krisha kaya naghahanda na sila sa kanyang panganganak. Ang kanyang ina ay may mga nabili ng gamit ng kanyang magiging anak. Dahil hindi naman nakita sa ultrasound kung ano ang kasarian ng bata,kaya unisex na kagamitan ang binili ng kanyang ina.

                Ika Labing-tatlo iyon ng Mayo. Araw ng Biyernes, nang biglang nanakit ang tiyan ni Krisha. Nararamdaman nya’ng manganganak na sya sa araw na iyon dahil may mga dugo’ng lumalabas mula sa kanyang pagkababae.

              Noong una ay bumubukol lamang ang kanyang tiyan na di naglaon ay nagdulot na ng sobrang sakit ng tiyan. Maya-maya ay nawawala naman din iyon ngunit hindi pa umabot ang Limang minuto ay muli na naman iyo’ng sumakit.

          Napapakapit na lamang sya sa haligi ng kanilang bahay sa tuwing humihilab ang kanyang tiyan.

            Si Ayesha ang napag-utusan na sumundo kay Manong Burik, ang magpapaanak kay Krisha. Nang malaman kasi ng kanyang pinsan na nagli-labor na sya ay nagpasya na itong hindi pumasok sa eskwela upang saksihan ang kanyang panganganak.

           Maya-maya lamang ay nagulat ang lahat nang masaksihan ang mga ahas na dumadalaw kay Krisha. Tila inaantay nito ang paglabas ng sanggol. Dahil nasanay na sila’ng lahat na may dumadalaw na ahas sa dalaga sa loob ng Siyam na buwan nitong pagbubuntis, ay hinayaan na lamang nila iyon.

       Hindi naman kasi nananakit o nanunuklaw ang mga ito. Umaalis din ang mga ito kapag nasisiguro na nila’ng nasa maayos na kalagayan ang sanggol.

A CoLLectiOn of HOrrOr StOrieS (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon