PROLOGUE
"Superstitious beliefs lang yan" sabi ko sa kanila nong nakatayo na kami sa harapan ng isang lumang public high school.
Ilang buwan na rin naming napagplanohang magbabarkada ang pagpunta dito sa bayan ng San Lorenzo. Trip namin ang pumunta sa mga lumang bahay na madalas may kwento-kwento o kaya sa mga bundok daw na sinasabi nilang maraming engkanto pero yung totoo wala naman talaga.
Kagaya ngayon, andito kami sa lugar na 'to dahil gusto ulit naming patunayan na hindi totoo ang usap-usapan na maraming bumabalot na masasamang elemento sa campus na to.
"Tara na nga. Excited na ako." sabi ni Helen. Halata ngang excited na sya dahil makikita mo kung paano mag twinkle yung mga mata nya.
"Just shut up and keep moving please!" maarte namang sabi ni Aileen. Inirapan lang sya ni Helen saka dumiretso sa paglalakad. Napa iling nalang ang iba pa naming mga kasama.
Sa tagal naming magkakaibigan alam na namin ang bawat ugali ng isa't isa sa amin. Nagkakatarayan, nagbabangayan,may binubully pero alam namin that we care for each other.
Pagpasok namin biglang umiihip ang malamig na hangin. Na para bang maiisip mo na parang hindi papalapit ang summer sa lamig. Napahawak agad ng mahigpit si Aileen sa aking kamay na agad ko ding sinaway.
"Guys did feel what I feel?" Andrew. Napatingin lang ako sa kanya.
Feel nya rin?
Yung kaluskos ng mga tuyong dahon na tinatangay ng ihip ng hangin. At kung paano sumasayaw yung mga dahon ng puno dahil sa hangin. Pero in all fairness maganda naman yung school hindi papahuli.
Isang hingang malalim ang pinakawalan ko saka ako na patingin sa gilid ko ng makasabay ko syang magbuntong hininga.
"Kinakabahan ka Gab? tanong sa akin ni Mark. Tinaasan ko lang sya ng kilay kaya na tawa sya."Mark seryoso ka sa tanong mo? Paano yan matatakot eh si Gabby iyan ang walang kinakatakutan kaya nga naging hobby natin to. Kasi sya ang founder ng grupo--Aray." dahil sa kung anu ano ang sinabi nakatikim sya sa akin ng isang malutong na batok.
"Tara na ng maka pag set-up na agad tayo ng mga tent at maayos agad natin ang mga gamit." malamig namang sabi ni Mark nakatingin sya ngayon sa main building. Masyadong malaki ang main building kaya siguro mas malaki pa to sa loob.At hindi nga kami nag kamali. Sobrang laki ng kabuoan at agaw attention yung magandang grand stand sa gilid ng malaking soccer field. Mas marami ring puno dito sa loob kesa doon kanina sa labas. Pero mas nakapukaw sa amin ng atensyon ay yung isang puno na sinasabi nila kanina sa labas na puno ng Dita (well-known in bisaya). Nasa harap yun mismo ng isang 4 storey building pero dahil sa sobrang laki nito ay mas mataas pa ito sa building mismo. Pati yung katawan ng mismong puno ay parang di kakayanin ng limang tao ang pagyakap nito.
Aaminin ko nakakapangilabot syang tingnan. Dahil para syang malaking tao na nakadipa ang mga kamay. Sa form ng kanyang mga sanga at dahon.
"Yang mga iniisip nyo wag nyo ng ituloy please. Mag stick nalang tayo dito sa soccer field." natatakot na sabi ni Josh na sya namang ikinatawa ni Andrew.
"Hayy sana di ka nalang sumama kung duwag ka pa rin. Panira ka din eh noh." bara pa sa kanya ni Helen."Just hold on Josh, di tayo pwede sa outdoor umaambon na." I said to him and patted his shoulder.
YOU ARE READING
Pamahiin
HorrorSome people called it superstitious belief.In our generation today doesn't believe if that thing really exist. Really? Who would have thought if it's really true if hello we're livin in 21st century full of high-tech things. Who would have though...