Chapter: Five
Paglabas namin ng campus napatigin agad ako sa lalaking nakatayo sa tapat ng gate.
Si Manong na nagtitinda ng mangga na nakasagutan ko kanina. Tiningnan nya lang kami ng I-told-you look. Kaya napa ismid nalang ako. Hindi ko nalang sya tiningnan dahil isang malaking sampal iyon sa akin, sa amin.
Pero nagulat nalang ako ng bigla syang lumapit sa amin at tinulungan kami.
"Manong saan po dito ang pinakamalapit na hospital? Please maawa po kayo patulong po. Kailagan lang po naming madala agad ang pinsan ko." aligagang sabi ni Bryan kay Manong.
Tumingin muna sya sa akin at hindi nagsalita. Napayuko nalang ako dahil mukhang walang pag-asang tulungan nya kami. Tsk ganun naman sila eh, masaya na sila? Dahil nangyari na? Dahil tama ang theory nila?
"Amanda ano na? Hindi ka pa ba papasok?!" galit na sigaw sa akin si Bryan. Nagulat pa ako ng makita ko si Manong na naka upo sa passenger seat tinanguan lang nya ako at pumasok na ako sa likod at inalayan si Cassy na namimilipit pa rin sa sakit.
"M-manong saan po?" tanong agad ni Bryan ng mag umpisa na syang mag maneho. Tinuro sa kanya ni Manong pakanan."Deretsohin mo lang yan tapos pagdating mo sa intersection kumaliwa ka." Tumango nalang kami sa kanya. Hinawakan ko ang kamay ni Cassy para alalayan sya. Dumaing lang sya ng unti kaya mas lalo akong nag alala sa kanya.
"Cassy relax ka lang hah. Unti nalang at makakarating na tayo. Please hold on." tango lang ang nakuha kong sagot sa kanya kaya tumango nalang din ako. Napabuntong-hininga ako ng makita ko na halos puro dugo na ang damit nya.Ano bang nangyari?
Bakit parang may hindi ako maintindihan?
Parang may kulang? Paanong nangyaring nagkasugat sya?Sa paanong paraan at hindi namin napansin ang nangyari sa kanya?
Shit iba na 'to?
Napatingin kami kay Manong. Nagulat pa ako ng makita kong nakatingin din sya sa akin.
"Anong nagyari?"
Isang tanong. Isang tanong na mas lalong nagpapagulo sa isip ko. Ano nga ba ang nangyari? Isang iling lang ang naisagot ko kay Manong. Dahil hindi ko rin alam. Masyadong mabilis ang pangyayari.
"Nakita nyo ang babae?" nanlaki ang mata kong nakatingin sa kanya. 'ano ibig nyang sabihin?' Hindi ko alam kung ang babaeng sinasabi namin at ang babaeng sinasabi nya ay iisa lang.
"Ang babaeng duguan na naka puting bestida?" hindi ko alam ang pakiramdam ko ng tingnan ko sya. Parang tinakasan ng dugo ang buo kung katawan dahil sa narinig ko sa kanya.
"A-alam nyo?" napatango naman sya sa amin. Naghina ako sa sinabi nya. So hindi lang pala kami ang nakakita.
Papaliko na sana kami ng malingon ko ang isang building. Divine Hospital basa ko sa signage. Hindi sa gaanong nakikita pero mapapansin mo pagtitingnan mo ng maigi.
"T-teka! Ayon na ang hospital diba?" pinandilatan ko kaagad si Manong at ganun din naman si Bryan. Parang nawala ang takot ko bigla at napalitan ng inis at galit kay Manong.
"May problema ka ba sa amin manong? For the god sake wala akong panahon makipaglukuhan!" galit na sabi sa kanya ni Bryan. Hininto nya ang kotse kaya napadaing ulit si Cassy. Napatingin ako sa kanya kaya mas lalo akong nagalit dahil sa sitwasyon nya.
YOU ARE READING
Pamahiin
HorrorSome people called it superstitious belief.In our generation today doesn't believe if that thing really exist. Really? Who would have thought if it's really true if hello we're livin in 21st century full of high-tech things. Who would have though...