Chapter: Eight
Helen/Eula's POV
Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko. Parang may hindi tama. Bakit parang sobrang tahimik ng lugar na ito simula ng makapasok kami dito. Bakit parang ang dali lang pasukin nito samantalang ilang taon na naming sinusubukan makapasok dito. At sa tuwing sinusubukan namin kung hindi hihimatayin ay bugbug sarado pero bakit ngayon parang wala ng ganung pangyayari?
Hindi sa gusto ko pang may mangyari na namang ganun sa amin pero parang iba ang kutob ko ngayon. Parang mas lalo akong kinakabahan.
Isang parte ng secret room dito ako sa pinaka sulok na bahagi. Maraming mga tambak na mga libro, mga papel, mga tela na hindi mo mawari kung saan ginamit, may mga bagay na basag at dugo na nagkalat.
Ewan ko ba kung anong meron sa pangyayaring ito sa buhay namin. Alam kong maraming nagbago sa amin. Si Josh na matatakutin ay para bang normal na lang sa kanya ang ganitong scenario. Makikita mo syang mag-aligaga at pagpawisan pero ang determination na sa mga mata nya hindi nawawala.
Si Andrew na sobrang alaskador na hindi alam ang magalit pero pag nagsalita ay para ng yelo sa lamig although tumatawa at nagbibiro pa rin naman sya pero di na gaya ng dati.
Si Aileen na dati ay masungit ay ngayon minsan nalang kung magsalita at kung bubuka man ang bibig daig pa ang yelo sa sobrang lamig. Hindi na nga sya masungit. Isang tanong isang sagot naman.
Si Mark na mas lalo pang naging tahimik. Mas lalong naging seryoso. At si Gabby na lagi nalang tulala sa kakaisip ng mga susunod na gagawin. Laging mainit ang ulo.
Isa nalang ang hindi nagbabago sa buong barkada. Ang pahalagahan ang isa't isa. Hindi na nga nagsipag-asawa dahil sa problema. Ang dami nang na sacripisyo sa problemang ito. Ang masayang buhay namin noon, trabaho, at ang maging malaya.
"H-helen diba si Amanda to?" napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat ko ng may nagsalita sa likod ko. Agad akong humarap sa kanya. Si Andrew nakatayo malapit sa akin habang hawak ang isang maliit sa picture.
Na curious naman ako sa sinabi nya kaya agad akong lumapit sa kanya. Halos di ko matanggal ang mga mata ko sa hawak nyang maliit na picture.
Kamukhang kamukha ni Amanda pero sure ako na hindi ito ang pamangkin ko. Dahil aside sa may nunal itong nasa picture masyado na ring luma ang picture na ito. At sugurado akong ito pa lang ang unang beses na napunta sa lugar na ito ito Amanda. Ngunit walang duda kamukha nya. Ang mukha, ilong, bibig pati hugis ng mukha at kulay. Ngayon na intindihan ko na kung bakit Mercedes ang tawag nong babae kay Amanda. Marahas akong na pa iling sa nakita ko. Agad akong nagpunas ng luha kong bigla nalang tumulo.
"Hindi ang nunal to, pati ang buhok." hinablot ko ang picture at pinunasan sa damit ko ang nunal baka pwede pang mabura pero hindi talaga. Totoong may nunal ang nasa picture at si Amanda ay wala. "Hindi si Amanda iyan."
"Pero sino ito Helen. Wala kayong ibang kamag-anak na pareho ng mukha ni Amanda." napailing nalang ako kahit pati ako sa sarili ko naguguluhan na rin ako.
"Sige na! Sabihin mo na kung ano ang family name nyo!" napatingin agad kami ni Andrew sa isa't isa ng marinig namin ang galit na boses ni Josh.
"Josh ano ba! Pwede bang huminahon ka! Nasasaktan yung bata!" hindi na kami naghintay pa ng mga kasunod pa agad na kaming nagtakbuhan palabas kasabay pa namin si Mark na tulala at pawis na pawis ang mukha.
Pagdating namin naabutan namin si Josh hawak ang kwelyo ni Bryan na ipinid sa pader. Agad akong tumakbo palapit sa kanila at pinaghiwalay silang dalawa.
YOU ARE READING
Pamahiin
HorrorSome people called it superstitious belief.In our generation today doesn't believe if that thing really exist. Really? Who would have thought if it's really true if hello we're livin in 21st century full of high-tech things. Who would have though...