Chapter: Seven
~THIRD PERSON's POV~
Isang linggo na ang lumipas simula ng mawalan ng malay si Amanda. Mas lalo na ring lumala ang kalagayan ni Cassy.
Hanggang ngayon ay wala pa rin silang ideya sa mga nangyari. Ayaw na ring payagan sila Gabby na bumalik ulit sa University dahil baka may mangyari ulit sa kanila na hindi maganda.
Dumating na rin sa probinsya si Aileen kaya busy ulit ang buong barkada sa kakaisip sa susunod nilang gagawin.
Nasa bahay sila ngayon ni Mark dahil ayaw nilang makigulo sa magpamilyang nadamay sa gulong hindi nila masu-sulosyonan.
"Pasukin na natin ulit ang opisinang iyon. Wag na tayong maghintay ng ilang araw pa." malamig na sabi ni Helen.
Napatingin naman agad silang lahat dito.
"Hindi pwede Helen."
"Bakit Josh? Dahil na duduwag ka na naman! Kung Oo e, di wag kang sumama." galit na nitong sabi sa kaibigan. Pero hindi ito nag pa appekto sa sinabi nya.
"Baka nakalimutan mong hindi basta-basta ang papasukin natin. Kung gusto mong magaya dyan sa mga pamangkin mo. Sige mauna ka!"
"Tama na! Hindi nakakatulong yang mga bangayan nyo." pigil ko sa kankla. Hindi ko na kayang tumanggap ng panibagong commotion.
"Tama si Josh. Kailangan muna nating maghanda. Magpalano. Mag isip bago kumilos." napatigin sila kay Mark na ngayon ay abala sa pag susulat.
"Ano ang ginagawa mo?" tanong din ni Aileen. Na kanina pa nakikinig sa mga kasama nyang nagbabangayan. Dumukwang pa ito para mas makita kung ano ang sinusulat nito.
Kunot-noo syang napatingin kay Mark na tulala sa kakaisip.
"What do you mean by this one?" tanong ni Andrew na nakatigin din sa kanila.
Tumingin muna ito sa kanila saka ulit tumingin sa sinusulatan nyang papel saka kinuha ang ballpen.
"Na isip ko lang. Parang lahat may connection dito sa issue na ito." mahina nitong sabi.
"A-anong ibig mong sabihin? Na pati tayo may connection kaya nangyari sa atin ito? Paano?" tanong naman ni Josh. Mahihimig mong despirado na syang malaman ang sagot sa lahat ng tanong.
"Look at this." ni latag ni Mark ang papel na may nakasulat na mga taon at kung ano ano pa. "2000. Yan ang taon kung kelan inabanduna ang university. 5 years before bago natin pasukin. Ayon sa mga naka-usap natin na nagbago ang lugar na ito dahil sa isang babae. Isang babaeng bagong salta. 16 years old sya nong mga panahong iyon at ang sabi pa ay isa rin itong studyante sa school na iyon." tinuro nya ulit ang taon sa baba ng una nitong sinulat.
"2005, ang taon kung kelan tayo unang pumasok. Alam na natin na ang nakita nating babae noon at ngayon ay iisa lang. Pero ang tanong sino ang lalaking nakita nila Gabby at Josh sa taas ng malaking puno." nagkatingin agad ang dalawa sa isa't isa saka ito tumigin kay Mark.
"N-nakita mo din?" di makapaniwalang tanong ni Gabby kay Josh saka tumingin ulit kay Mark. Sabay namang tumango ang dalawa.
Na alala pa rin ni Josh kung paano nya nakita ang mga sariwang dugo na tumulo sa noo ni Gabby na pinilit na lang nyang ipikit dahil hindi nya kayang sikmurain ang nakita nyang karumaldumal sa harapan nya.
"Alam kong iisang tao lang din sila sa nakita namin ni Gabby sa third floor. Ang tanong sino sya. Ano ang kinalaman nya sa kasong 'to?" tahimik naman silang nagkatinginan sa isa't isa pero malayong malayo na ang mga naiisip.
YOU ARE READING
Pamahiin
HorrorSome people called it superstitious belief.In our generation today doesn't believe if that thing really exist. Really? Who would have thought if it's really true if hello we're livin in 21st century full of high-tech things. Who would have though...