Chapter: Eleven
Nagising akong na parang wala lang nangyari. Na parang wala akong alam sa kung ano ang mga nangyari. Wala akong sinagot sa kanilang mga tanong kung anong nangyari sa akin. Kung ano daw ang ginawa ni Mercedes sa akin.
Sinagot ko ang tanong about what happened before I passed out. Hanggang doon lang dahil ang tanging alam lang naman nila ay isang linggo akong walang malay kaya tikom ang bibig ko.
Ngayon andito pa rin kami sa bahay nila Mark. Gusto ko munang hanapin ang kwartong iyon bago ako mag salita. Bago ko ko-komprontahin lahat para isang bagsakan lang yung wala nag lusot.
Pero hindi ko nama inaasahan na parang may excited atang ma komprunta.
Dalawang araw na mula ng magising ako. Nakaupo kami sa sala at nagkakape. Habang sila Andrew at Aileen ay nagbabangayan na naman at si Josh ang taga saway. Tahimik lang si Mark habang inaaral ang Morse code alphabet. Si Helen naman panay parin ang tanong kung ano na ang lagay ko, kung ayos lang ba ako.
"Tumigil ka na nga Andrew hindi ka na nakakatuwa!" inis na sabi ni Aileen.
"Hindi daw nakakatuwa pero ano yung narinig ko kahapon ha! ha!" panay pa ng kiliti sa tagiliran ni Aileen kaya panay rin naman ang uwas nito.
"Nye nye baka kung ano lang yung narinig dahil FYI wala akong sinabi tungkol sayo kahapon. Diba Josh."
Tinapik lang ni Josh ang balikat ni Aileen saka tumango at binalik na sa pag kakape ang atensyon.
"Sos ang sabihin mo hanggang ngayon inlove ka pa rin sa akin kaya kahit ako pa ang sabihin mong wala kang sinasabi tungkol sa akin sa utak mo naman nagsisigaw ng 'letche ka Andrew nag hanap ka pa ng iba adito naman ako.' Diba diba. Amin amin na kasi." ang laki ng ngisi ng loko habang si Aileen namumula na sa galit.
"Drew tama na iyan baka magkasisihan pa kayo sa kung ano pa ang susunod nyong masabi." awat na sa kanila ni Josh.
Halata namn kasi kay Andrew na may gusto sya kay Aileen kaya lang torpe hindi maka porma itong si Aileen naman umaalingasaw pag-ibig na nga nag susungit pa kita mo na ngang ubod na nang ka torpehan yang tao inaartehan pa. Sos! Mga pa hard akala mo bumabata. Amp!!
Tok...Tok...Tok...
Natigil yung bangayan nila at sabay pa kaming napatingin sa pinto. Tumingin ako kay Andrew pero inirapan nya lang ako at ganun din si Aileen. Lahat sila may ginagawa kaya ako nalang ang tumayo.
Dahan dahan akong naglakad sa may pinto. Kahit kinakabahan ay marahan ko ring binukasan ang pinto. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang makita ko ang mukha nya matatakot ba ako o magagalit dahil sa mga nalaman ko. Nakangiti ang isang demonyo sa harap ko na parang isang anghel. Tama nga sila looks can be deceiving.
Masaya ba sya dahil wala kaming ka alam alam na napapaikot nya na pala kami! Tsk.
Pero hindi ako pwedeng mahalata. Hindi nila pwedeng malaman na may alam na ako dahil hindi pa ito ang tamang oras. Marami pa akong gustong malaman. Kailagan ko pa mismo ng ebidensya para wala na silang takas.
"Hey. Pasok ka." wala na akong paki alam kong nagmumukha akong plastic dahil sa ngiti ko. Dahil kahit pilitin ko hindi talaga ako natutuwa sa presensya na dito.
Pagkapasok nya nagsitayuan agad ang mga kaibigan ko. Tinuro din ni Josh ang single couch para maka upo sya. Ngumiti lang sya sa amin.
"Salamat." tipid nyang sabi.
Na upo ako sa tapat nya mismo at mariin syang tiningnan. Mukha lang syang normal na tao. Mukhang mabait pero ang fierce ng mga mata. Supistikada ang kilos halatang halata na isa syang abogado. Kahit sino hindi mo mapagkakamalan na may ugali palang demonyo ang babaeng ito dahil sa angelic face nyang taglay.
YOU ARE READING
Pamahiin
HorrorSome people called it superstitious belief.In our generation today doesn't believe if that thing really exist. Really? Who would have thought if it's really true if hello we're livin in 21st century full of high-tech things. Who would have though...