Chapter:Four
Lumipas ang mga araw at bantay sarado kami ng buong pamilya dahil sa mga nangyari at di rin naman kami nagpupumilit na lumabas ng bahay na walang kasama kahit gusto na naming gumala dahil ayaw na naming maranasan ulit ang mga naranasan namin noong mga nakaraang araw na kung anu-ano na lang nakikita namin na di naman dapat namin makita.
Sa paglipas ng mga araw ay palagi rin naming nakikita ang mga kabarkada ni Tita Eula. Minsan nagtataka ako sa kanila dahil sa tuwing na aabutan ko silang nag uusap ay palagi silang nagtatalo. Pero dahil wala naman ako sa lugar para makisali sa deskusyon nila ay sinawalang bahala ko nalang. Hanggang sa dumating ang araw ng libing ni Tito Bert ay kasama din namin sila.Nakasuot kami ng puting damit dahil iyon ang sabi ni Tita Eula na sinang-ayon din mismo nila Nanay. Alas tres ng hapon ang libing at kasagsagan din ng malakas na pagbuhos ng ulan. Parang nakiki-ayon ang langit sa mga puso naming nag dadalamhati. Hanggang sa matapos na ang seremonyas ng libing ay di pa rin tumitigil ang ulan mabuti nalang at may nga dalang sasakyan ang iba naming mga kasama kaya nakikisabay na rin ang iba sa may nga sasakyan.
"Manang Cora salamat sa pagpunta nyo ah." nakangiting sabi ni Nanay kahit namumula ang mata at ilong sa kakaiyak ay makikita mo parin sa mata nya ang sensiridad sa sinabi nya.
Ngumiti lang si Manang Cora sa kanya at tumango. Sya ang babaeng nagtaboy sa babaeng nagpapakita sa amin. Tinapik nya rin ang bakikat ni Tito Kevin bilang paalam. Nakaharap na sya sa amin nang magsalita si Tita Krizz."Ma uuna na ako sa inyo." Manang Cora said.
"Bry, pwede nyo bang ihatid si Manang Cora sa bahay nila?" gulat kaming napatingin kay Tita. Hindi naman sa ayaw naming ihatid si Manang Cora pero after what happened naging distant kaming makipag-usap sa tao at lalo na sa kanya dahil parang may kakaiba sa kanya.
"Naku Krizz wag na. Mas delikado sa mga bata ang magmaneho sa ganitong panahon. At may dala naman akong payong saka malapit lang ang sakayan dito. Kaya wag na kayong mag-abala." sagot naman ni Manang Cora na nakangiti pang umiiling. Marahas naman kaming napatingin sa langit ng bigla nalang umihip ang malakas na hangin dahilan para halos matangay ang tent na ginawa para sa amin para di kami mabasa.
"Naku Manang wag na po kayong tumanggi. Bry, Amanda samahan nyo si manang pauwi." napatango nalang kami nanwg si Tita Cathy na ang nagsalita. Tama rin naman sila. Masyadong delikado ang maglakad lalo na at ganito kalakas ang ulan na may kasama pang malakas na hangin. Kaya walang silbi ang payong mo dahil baka liliparin lang yan.
Nasa daan na kami para ihatid si Manang. Opposite ang way ng bahay nila kesa sa bahay nila Tito. Pero mukhang mas sibilisado ang lugar nila dahil palabas ng gubat ang binabagtas namin patungo sa bahay nila kaya napangiti nalang ako. Wala kaming dapat ipag-alala na baka makita namin ulit ang babae at ang mga lalaking may mapupulang mata.Namangha pa ako ng madaanan namin ang isang university na sobrang ganda ng building sa harap. Kahit di mo gaanong kita ang kabuuan dahil sa nagtataasang pader ay ang kalahati ng building na makikita mo ay sapat na para masabi mong maganda.
"Anong school yan manang?" wala sa isip kong tanong kay Manang Cora. Nanlaki naman ang mga mata ni Manang sa tanong ko. Huminga muna sya ng malalim saka nya sinagot ang tanong ko."Iyan ang San Lorenzo University." napatango ako sa sinabi nya. Nakita ko din si Cassy na dumungaw sa bintana. At gaya ko ay nanlaki din ang mata nya sa pagkamangha. Parang school sa Harry Potter. Ang lakas ng dating.
"Parang ang ang sarap mag-aral dyan?" nagulat na man ako ng bigla nalang hilain ni Manang Cora ang braso ko paharap sa kanya.
"Wag mong sabihin ang bagay na iyan dahil pagsisisihan mo lang din iyan." pinandilatan nya pa ako ng mata pero para syang takot na takot sa sinasabi nya.
YOU ARE READING
Pamahiin
HorrorSome people called it superstitious belief.In our generation today doesn't believe if that thing really exist. Really? Who would have thought if it's really true if hello we're livin in 21st century full of high-tech things. Who would have though...